bc

Accidentally Yours (completed)

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.5K
READ
second chance
drama
comedy
twisted
sweet
gxg
bisexual
humorous
lighthearted
cheating
like
intro-logo
Blurb

"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control."

Sa buhay ng isang tao, kadalasan hindi natin kontrolado ang mga taong nakikilala natin, maari lamang limitahan kung sino ang papasukin mo sa buhay mo pero fate will step in from time to time to bring two strangers together.

Nandyan yung magkabanggan kayo sa corridor, magkasabay sa pagbili ng softdrinks, magkapalit ng paper bag sa grocery... at marami pang posibleng paraan para ang dalawang tao ay pagtagpuin ng tadhana.

Joey and Keila...

Will fate bring these two strangers into contact with each other?

Note: For those who are not comfortable reading this kind of genre. Feel free to leave and find a new one

chap-preview
Free preview
❤️Joehayna❤️
Joey's POV Kring! Kring! Pupungas pungas kong pinatay ang alarm clock, at tinignan ito. Nanlaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.. "Putcha! alas 7 na!" sigaw ko sabay bangon at kumaripas ng takbo sa banyo. Ako nga pala si Joehayna Dela Cruz or Joey for short, 22 years old, isa akong working student, kaya hanggang ngayon ay nagaaral pa rin ako, hindi kasi ako makapagfull load gawa ng trabaho ko bilang isang barista sa isang sikat na coffee shop. Pangatlo ako sa aming anim na magkakapatid at kaisa isang babae... ay mali pala, dahil yung sumunod pala sa akin ay isang babae na nagtatago sa katawang lalake, hehehe... Maaga kaming iniwan ng aming ama, kaya magisa kaming itinaguyod ng aming ina. Ng makatapos ng high school ang dalawa kong kuya, sumubok silang mangibang bansa at sinuwerte naman. Kaya natutulungan na nila si nanay at kaming magkakapatid. Graduating na ako ngayong taon, Communication Major, nang mag 2nd yr ako mas pinili kong pagaralin na ang sarili ko para hindi na rin makabigat kina kuya, dahil yung dalawa ko pang kapatid ay pinagaaral din nila, pero sa probinsya lang namin, para may kasama pa rin ang nanay doon. Simpleng tao lang naman ako, jeans, shirt at sneakers lang ok na ko. Hindi naman kasi ako yung pagirly type, siguro dahil na rin sa lumaki akong puros lalaki ang kasama. Nagrerent ako ng apartment kasama ang bestfriend ko na si Rina na kasalukuyan din nagtatrabaho dito sa Manila bilang isang call center agent. si Rina... ang mahal kong si Rina... High school palang kami alam ko na na may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya... pero mas pinili ko nalang itago ito dahil sa takot na rin na baka hindi ako matanggap nito. Oh, siya tama na sa pagpapakilala at malelate na ko sa klase. First day pa man din ngayon. Gamit ang pinamana ng kuya ko na motor, mabilis akong nakarating sa university na pinapasukan ko. Pero 5 mins. nalang malelate na ko, kaya lakad takbo ang ginawa ko.... Ng may makasalubong akong kumakaripas ng takbo, bago pa ako makaiwas ay huli na, nagkabanggaan na kami at parehas pa kaming napaupo. "Takte naman oh!" sabi ko habang nakatingin dito... ang sakit kaya sa pwetan. Tumayo agad ito at tinapunan lang ako ng tingin tapos nagmamadali ulit itong tumakbo... "Wow! Nice! Sorry Miss ha!" sigaw ko dito at tumayo na habang pinapagpag ang pantalon. Napansin ko na may humahabol dito na babae at tinawag siyang "Kei". Tsk! May marathon ba ngayon? Di yata ako nainform. Naiiling nalang akong nagmadali papunta sa klase ko. Buti nalang at wala pang prof. "Joehayna!" ok, may tumawag sa akin! At tama bang buong pangalan pa? Kakairita ha! Nilapitan ko ito... "Leche ka Beks, ipagsigawan ba ang pangalan ko?" sabi ko dito sa baklang kaklase ko nanaman ngayong taon.. si Nicolas or Nicol daw sa gabi. "Hahaha! Ang cute kaya ng pangalan mo, Joehayna" maarteng sabi nito. "Sige isa pa! masasapak na kita" sabi ko dito at inambaan ito. "Waaaahhh! juicecolored! Reyna ng mga amazona lumayo ka!" nagtititiling sabi nito. Kaya nagtawanan naman ang mga kaklase namin. Ilan naman sa mga ito ay naging kaklase na rin namin before. Dahil parehas kaming working student ni Beks, parehas din kaming irregular student kaya paikot ikot ang sched namin sa mga block sections, kung saan may available na sched na kailangan namin. Mayamaya lang ay dumating na rin ang professor namin. Hindi pa naman regular class ngayon kaya 30 mins. lang dinismiss na rin kami. "Joey, canteen muna tayo, tomjones (gutom) na akech (ako) eh... di ako lumaps (kumain) sa baler (bahay) kakamadali ko." sabi ni Beks, na nakakairita dahil lagi akong ginagamitan ng gay lingos. "Sige, ako din eh, late na ko nagising, tara na" yaya ko na rin dito. Buti nalang at hindi mahaba ang pila kaya nakabili kami agad ng makakain dahil kakain na rin ako ng tao sa sobrang gutom. "Sh*t!" sigaw ko. Nabangga na naman ako ng isang nagmamadaling babae na di nakatingin sa dinaraanan niya. Natapon lang naman ang softdrinks na dala ko sa white shirt ko. "Naku, Ms. Sorry.. hindi... Tinignan ko ito. Teka... ‎ ‎ ‎ "Ikaw nanaman!" sabi ko dito. Halatang nagulat din ito. "Kei!" sabay kaming napalingon sa nagsalita. At ito rin yung humahabol sa kaniya kanina. Seryoso? Ang laki ng playground nitong dalawang to! "Im really sorry" sabi nito sa akin at nagmamadaling umalis. Sinundan naman ito agad nung babae. Naiiling nalang ako pumunta sa table namin. Pero parang may napansin ako dun sa babae. Bakit ganun yung mga mata niya? Parang ang lungkot? Nilingon ko ito at nakita kong kinakausap nung babae, para silang nagtatalo. "Hoy! Beks, anyare sayo?" "Ha? Ano kasi may babaeng nagmamadali di yata ako nakita kaya nabangga ako, natapon yung softdrinks." paliwanag ko. "Ha? Sino?" Tinignan ko yung direksyon nila... "Ayun beks" Turo ko dito. "Sinetchiwa (sino) sa dalawa? si Keila or si Lexi" "Kilala mo yun?" takang tanong ko. "Nemen! ikaw lang yata di nakakakilala sa kanila, parehas varsity player ng volleyball yan. And, magjowa yan" chismis pa nito. " weh?" "Oo nga! Anong akala mo, ikaw lang ang pwedeng magjowa ng gelay? (babae)" maarteng sabi nito. Binatukan ko nga... "Gag*! Sinabi ko na sayo best friend ko lang si Rina", sabi ko dito. "Masakit yun Beks ha!" habang hinihimas ang ulo.. "Pero mahal mo! Ayaw mo pang aminin!" sabi nito. Sabihin na natin na hanggang ngayon confuse pa rin ako... kasi minsan naman naattract pa rin ako sa boys. "Hindi ako tomboy Beks! Nagkakacrush pa rin naman ako sa lalake eh" sabi ko dito. "Baket Beks, sa kanila ba may mukhang tomboy?" sabi nito Kung sabagay, parehas nga silang babaeng babae ang ayos. "Pwede pala yun?" tanong ko dito. "Jusko Beks, wala din pinagkaiba yan sa mga Bakloosh na paminta, lalaking lalaki in the outside pero jusko, mas matindi pa sa mga lantad na bakla kung magmahal." paliwanag nito. "Tsk! Dami mong alam, kumain na nga tayo." sabi ko nalang dito. Nilingon ko ulit yun dalawa pero wala na ito dun sa pwesto nila kanina. ******** Maaga natapos yung last subject ko laya maaga din akong makakapunta sa coffee shop ngayon... Palabas na ako ng university sakay sakay ng motor ko. "Beep! Beep! Busina ko dun sa babaeng mukhang wala yata sa sarili at bigla biglang tatawid, buti nalang at nakapagpreno agad ako. "Tsk! Ms. magpapakamatay ka ba?Wag mo naman akong idamay" sabi ko dito. "Look, im so sorry, its just.." Humarap sa akin ito. Parehas kaming natigilan.. Seryoso ba to? 3 beses na?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook