Kim POV Dahil wala namang tao sa bahay nila ay napagpasyahan ko na lang na bumalik sa hospital. Pinuntahan ko muna si nanay bago mag duty. Dahil sa pagfofocus ko sa pagmamap ng tiles at dahil na din sa stress kaya di ko namalayan na may nabangga akong babae kung hindi pa niya ako sigawan at itulak. "Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Stupida!" Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Ang lakas pa naman at ang daming taong nakatingin sa amin. Parang gusto ko tuloy na maglaho na lang bigla dahil sa kahihiyan. Hindi ko na tiningnan ang mukha niya hanggang sa nakaalis na siya. Mas pinili ko na lang na mag focus ulit sa pag mamap ng tiles kesa isipin yun. Pero hindi ko maiwasan na hindi mapaiyak dahil sa nangyari. Kaya habang nagmamap ako ay nanlalabo ang mata ko dahil sa di pagtigil ng l

