Chase POV Nandito ako sa rooftop. Pumunta ako dito pagkatapos kunin ang katawan ni lolo para dalhin sa morge. At hindi ko din inaasahan na nandito rin pala si Kim. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa kwarto ni lolo. Kakatapos ko lang umiyak dito dahil sa masamang nangyari. "Magbenta kaya ako ng bato ko?" Biglang sabi niya sa sarili niya. Kung titignan nga kamukha ni mama si Kim noong dalaga pa siya. Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Nababaliw na ba ang babaeng to? "Eh masakit daw yun eh. Eh kung mag trabaho na lang kaya ako sa bar?" Aba. Wala na ata sa sarili tong babaeng to. Hindi ko alam na napangiti ako nung batukan niya ang kanyang sarili. "Hay ano ka ba naman Kim. Ang daming disenteng trabaho jan. Bakit ganyan ka pa mag isip. Baka magalit pa sayo si nanay eh." Sabi niya

