Kim POV Malayo pa lang ako pero tanaw ko na may nakaabang na ambulansya sa tapat ng bahay namin. Dali dali akong tumakbo at nakita ko na sinasakay si nanay Lory sa ambulansya at wala siyang malay. "N-nay?" Sumakay ako sa ambulansya at hinawakan ko ang kamay niya. "Ano pong nangyari sa kanya?" Naiiyak kong tanong sa naglalagay ng oxygen kay nanay. "Natumba daw at inatake sa puso. Siguro dahil sa pagod." Mas lalo akong napaiyak sa narinig ko. "HOY!" Nagulat na lang ako nung may humila sa buhok ko. "T-teka tito Jed nasasaktan po ako." Pero mas lalo akong nagulat ng sampalin ako ni tito Jed. "Kasalanan mo to! Simula ng dumating ka sa buhay namin nagkandaletche letche ang buhay namin!!!" Bulyaw sa akin ni tito Jed habang si Loraine ay nakatingin lang sa akin pero ramdam ko na galit din

