Kim POV Tatlong araw na ako hindi pumapasok sa school kasi walang bantay kay nanay Lory. Atsaka ayaw umabsent ni Loraine dahil unang araw niya daw sa bago niyang school. Si tito Jed naman ay maghahanap daw ng pwedeng pag utangan. Hindi ko lang alam kung totoo yun. Tatlong araw na din akong walang maayos na tulog dahil kahit madaling araw na ay may pinapabili ang doctor sa akin ni nanay sa labas. Tatlong araw na din akong di nakakabalik sa bahay para alagaan si lolo. Namimiss ko na agad siya at sana hiling ko ay wag nila ako tanggalin sa trabaho. Bukas na bukas din ay pupunta ako dun sa bahay nila. Mabuti na lang at yung gumamot na nurse sa akin ay mabait at nirefer niya ako para makapagtrabaho dito sa hospital. Bilang janitor nga lang ang open na slot pero kahit ganun kinuha ko na din d

