Chapter 2 : Siya Ang Girlfriend Ko!

834 Words
Kim POV Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nag unat muna ako bago tumayo. Dumiretso kaagad ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ko maligo nag bihis muna ako bago dumiretso sa sala. "Oh good morning anak. Ang aga mo atang magising." Bati sa akin ni nanay. "Good morning din nay. Eh tutulungan ko po kayo magluto at mag benta sa karinderya eh." Sabi ko saka tumabi sa kanya. "Saka maaga pa naman po" Dagdag ko. Ngumiti siya sa akin na para bang naluluha. Ang munting karinderya namin ang dahilan kung bakit ako nakakapag aral ngayon sa magandang school. Kulang ito kung sa tutuusin pero kinakaya naman namin ni nanay Lory. "Salamat nak. Kahit na alam mo na hindi ka namin talaga tunay na anak. Ang bait mo pa din." Napapangiti pero napapailing ako kasi lagi niya itong sinasabi sa akin. Lagi siyang nagpapasalamat. "Si nanay nag dradrama ang aga aga." Sabi ko at niyakap ko si nanay. Ngumiti na lang siya at tahimik na pinag hainan ako ng pagkain. Pagkatapos naming kumain ni nanay dumiretso na kami sa karinderya. Tinulungan ko muna siya dun hanggang sa sumapit ang oras ng pag pasok ko. "Nay alis na po ako." Paalam ko kay nanay pero pinigilan niya ako at may inabot siya sa akin na pera. "Mag iingat ka oh heto ang baon mo." Inabot ko na lang kasi alam ko na hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko iyon kinukuha. Ayoko sanang kunin kaso mapilit si nanay eh. Pagkapasok ko sa school ang daming tao ang bumungad sa akin. "Pinag kakaguluhan nanaman sila" Iling kong sabi. Mag lalakad na sana ako kaso may kamay na humigit sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" Pero bago pa ako makapag react hinila niya ulit ako. WAIT? "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" "Siya ang girlfriend ko kaya please tigilan niyo ko!" Paulit ulit na nag rewind sa utak ko ang sinabi niya sa harap ng maraming tao. WAAAAAAAAAAAAH! KAHIT HINDI NIYA PA ALAM NA KAPATID NIYA AKO HINDI PA RIN TAMA TO WAAAAAH! HINDI PWEDE TO MAGKADUGO KAYA KAMI!!!!!!! "Grabe ka Keith wala ka na bang kataste taste sa babae?" Napatingin ako sa nag salita. At tama ako ng hinala si kuya Ken nga ang nag salita. Siya ang panganay. "Kaya pala may pahila hila ka pa sa kanya kahapon at binigay mo sa kanya yung pang p.e mo eh gf mo na pala to?" Biro ni Kuya Karl . Siya naman ang pangalawa. Oo nga pala hindi ko pa naiisusuli ang p.e niya. Nagulat ako nung nilapit ni Kuya Kurt ang mukha niya sa akin na para bang sinusuri ang mukha ko. "Pero infairness ang ganda pala niya sa malapitan." Sabi niya sa akin sabay kindat. Siya naman ang pangatlo at isa siyang cassanova. Naiilang na ako kaya naman ako na ang umalis sa pwesto na yun. Pero nung pag atras ko nabangga ko naman si Keith kaya napaharap ako sa kanya at natitigan ko siya ng matagal. "Bakit dito mo pa dinala yang babae mo Keith? Diba sabi ko magaganda lang ang dalhin niyo dito sa tambayan natin. Eh kahit nga dibdib wala yan eh. Flat chested." Namula , nahiya at nainis ako sa sinabi ni kuya Chase. Siya naman ang pang apat. Kung masusungit ang lahat ng kapatid ko pwes siya naman ang napaka masungit , playboy din siya. "Wala trip ko lang." Bored na sabi ni kuya Keith. Siya naman ang bunso kaya tantya ko magkalapit lang ang edad namin. "WALA LANG? ANO BANG PROBLEMA MO HA? SINABI MONG GF MO AKO DUN TAPOS WALA LANG! WALA KA KASING ALAM EH! BAWIIN MO YUN ! HINDI TAYO PWEDE MAGING MAGKARELASYON!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw ako. Nakatingin lang silang pito sa akin. "At bakit hindi?" Bored pa ding sabi ni Kuya Keith. Patay! Anong idadahilan ko? Kapag sinabi kong magkapatid kami maniniwala kaya sila? Naku baka pagtawanan pa nila ako. "A-aah ! Ano k-asi! Ahmm.. H-hindi kasi kita gusto? Ah OO NGA HINDI KITA GUSTO KAYA HINDI YUN PWEDE BAWIIN MO YUN." "HAHAHAHAHAHA!" Sabay na sabay nilang tawa maliban kay kuya Keith. "Wala ka pala bunso ke Kim eh. Taob ka. Hahaha!" Sabi ni kuya Charles. Siya naman ang pang lima. "Pwes. Whether you like it or not gugustuhin mo ako maging boyfriend. And FYI hindi din kita gusto maging girlfriend." Sabi niya sabay alis. "Tsk. Good luck." Sabi naman ni kuya Cyril siya naman ang pang anim. Saka silang anim na sabay sabay lumabas. Ako naman napaupo na lang sa isang tabi at iniisip kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Absent na ako sa tatlo naming subject dahil hindi ako makalabas dito sa tambayan ng pito dahil may mga babaeng nag aabang sa labas. Naku kilala ko sila. Patay na patay sila sa mga kapatid ko. Naku kung hindi ko lang talaga mga kaptid ko baka pinag susuntok ko na sila. Tsk. Makakalabas pa kaya ako dito? Makatulog na nga muna. Inaantok din kasi ako dahil ang aga ko gumising kanina. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD