Chapter 3 : Please

959 Words
Kim POV Nagising ako nung may naramdaman akong may tumititig sa akin. Napabalikwas ako ng bangon nung mapag tanto ko na kung sino ba ang taong yun. "K-kuya Cha-chase?!" Medyong sigaw ko. "Ano? Bakit kuya tawag mo sa akin? Ano ba kita? You're just a f*****g girlfriend of my brother!" Inis na sabi niya sa akin. Ouch naman! Sakit. Hindi ko napigilan ang luha ko at hindi ko din napigilan na yakapin si kuya. Ang sarap pala sa feeling na yakap mo ang kapatid mo. Kaso yun nga lang hindi nila alam. "K-kuya." " Tsk tigilan mo ako sa kakaiyak mo! Alis!" Sabi niya sabay tulak sa akin. Tumayo ako saka tumalikod sa kanya at naglakad. Pero tumigil din ako. "Miss na miss na miss ko na kayo. Gusto ko na kayong makasama." Saka ako nag lakad ulit. Hindi ko alam kung narinig niya ba yun o hindi. "Sumama ka sa amin." Sabi ni Cess. Isa din siyang sikat dito sa school. "Ano ba nasasaktan ako!" Panu ba naman dalawa pang tao ang kumakaladkad sa akin ngayon. "Dapat lang sayo!" "Malandi ka kasi" Sabi naman ng mga alalay ni Cess. Dinala nila ako sa likod ng building namin. Hinagis nila ako at tumama ang likod ko sa pader. "Malandi ka! Inakit mo si Keith! Alam na alam mong gustong gusto ko siya diba?" Sabi niya sa akin sabay sinampal niya ako. "Hindi Cess maniwala ka hindi ko siya nilandi." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Hinding hindi ako maniniwala sayo! Isa kang higad!" Nag simula na akong umiyak. Isa din akong looner kaya naman walang mag liligtas sa akin. "Sige girls turuan niyo ng leksyon yan. b***h!" Bago siya umalis sinipa niya muna ako. "Aah! Tama na please . Masakit!" Sinipa sipa nila ako. At sinasabunutan. Hindi ako sanay sa ganito kaya hindi ako makalaban. Nararamdaman ko na may dugo na dumadaloy pababa ng pisngi ko. Nalalasahan ko na din ito Hinang hina na ako. "ITIGIL NIYO YAN O BAKA MAKALIMUTAN KO NA BABAE KAYO!" Hindi ko na nakita ang mukha nung sumigaw pero naramdaman ko na binuhat niya ako "S-sorry." Rinig kong sabi nung alalay ni Cess. At naging itim ang paligid. Naramdaman ko na lang na may nakadagan sa akin kaya naman minulat ko ang mata ko. "WAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!" Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung nakayakap at nakadantay sayo ang naka topless na hot na kapatid na pinakilala kang gf . "What the f ------- hey! Ok ka lang?" Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito. Napakasakit. "Tatawagin ko yung doctor namin." Sabi ni Keith at akmang tatayo siya pero pinigilan ko. "Wag na." Pigil ko sa kanya. "Wag na matigas ang ulo. Jan ka lang. Babalik kaagad ako." Tumango na lang ako sa kanya. Nung nakalabas na siya nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Napakaganda ng kwarto niya kahit na white and black lang ang kulay nito. Lalakeng lalake tingnan ang kwarto niya. Napaisip ako. Kung hindi nila ako tinapon ganito rin ba kalaki at kaganda ang kwarto ko? Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. "Paki check na lang po siya kung may nabali ba sa kanya na buto. Saka sumasakit daw ang ulo niya." "Hindi ko alam na nag dadala ka na ng babae dito Keith! Hahaha!" Namula naman ako sa sinabi ng doctor. "TITO!" Saway ni Keith aa tinawag niyang tito. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tito? Edi tito ko din siya? "Biro lang. Nag bibinata na talaga ang pamangkin ko hahaha." "Tsk! Kayo na bahala sa kanya." Lumabas na siya ng kwarto. "Tama nga si Chase kamukhang kamukha mo nga siya" Sabi nya sa akin habang nakangiti. "A-ano po?" Takang tanong ko sa kanya. "Wala ichecheck na kita." Tumango na lang ako sa kanya. At sinimulan niya na akong icheck. Maya maya natapos na. "Una na ako inumin mo yang gamot na binigay ko sayo ha? Wag matigas ang ulo." Sabi niya at pinat ang ulo ko. "Salamat po." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Maya maya napagpasyahan ko na bumaba at umuwi na. Natigil naman ako sa paglalakad nung narinig ko na may nagtaawanan. Dahil sa curiousity ko nasaktan lang ako. Dapat hindi na lang ako sumilip eh. Nakita ko silang nagtatawanan kasama ang magulang namin. Ang saya saya nila tiningnan. Nag simula nanaman tumulo ang luha ko. Kahit anong pigil ko hindi ko mapigilan na hindi lumuha at lalong sa lahat ang masaktan. Sino naman ba ang hindi masasaktan kung nakikita mo ang pamilya mo na masaya samantalang ako nahihirapan. Sounds selfish ba?Hindi niyo ko masisisi kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Tahimik na lang ako umalis sa bahay na iyon. Nung nakapasok na ako ng bahay namin sampal agad ni Loraine ang sumalubong sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha mo no?! Pagkatapos mo hindi umuwi kagabi may gana ka pang umuwi ngayon?!" Bulyaw ni Loraine sa akin. "So-rry may na-----!" Hindi nanaman ako nakapag paliwanag dahil sinampal din ako ni Tito Jed. "Sabihin mo lumandi ka lang! Malandi!" Sigaw sa akin ni Loraine. "Lumayas ka dito! Ikaw ang malas sa buhay namin! LAYAAAAAAAS!" Tulak sa akin ni Tito Jed palabas ng bahay. "Tito! Please po! Wag niyo po ako palayasin please! Loraine." Halos nakaluhod na ako at nagmamakaawa sa kanila. "Please po kahit ano po gagawin ko. Wag niyo lang po ako palayasin." Nakaluhod pa din ako sa harap nilang dalawa. Nagkatingin naman sina Tito Jed at Loraine. "Talaga? Kahit ano?" Nakangiting sabi ni Loraine. "Oo basta wag niyo lang ako palayasin dito." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Sige! Simula bukas maghanap ka na ng trabaho dahil mag tratransfer ako sa school mo. At gusto ko lahat ng kailangan ko at tuition fee ko ikaw ang bibili at magbabayad! Kaya mo?" Napa awang ang labi ko sa sinabi ni Loraine. Pero kung hindi ko siya susundin baka paalisin nila ako. "Narinig mo ba ang kondisyon ng anak ko?! Sumagot ka!" Patungo na lang ako habang tumutulo nanaman ang luha ko. Lagi na lang ba ako iiyak? Kelan ba ako sasaya? "Sige. Susundin ko." Sabi ko at nakita ko na napangisi si Loraine. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD