Chapter 4 : Lolo

983 Words
Kim POV Napabalikwas ako nang maramdaman ko na binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakita ko si Loraine hawak hawak ang isang tabo at nakangisi siya sa akin. "Aaah! Bakit mo naman ako binuhusan ng tubig?" Papungas pungas na sabi ko. "Nagtatanong ka pa? Diba maghahanap ka pa ng trabaho at aayusin mo pa ang papel ko para makapag transfer na ako. Bilis!" Halos hilahin na niya ako patayo. Grabe wala talagang patawad ang babaeng to. "Oo na. Oo na. Maliligo lang ako." Wala na akong nagawa kundi ang pumasok ng banyo para maligo. Panira naman ng tulog yun. Kung may matutuluyan lang talaga ako eh hindi kos siya susundin. Pagkatapos ko maligo at mag ayos pumunta na ako ng kusina para kumain. Kaso hindi na pala ako tinirhan ni Loraine ng pagkain. Ang sama talaga ng ugali niya. Mana sa ama niya. Wala kasi si nanay Lory siguro pumunta na yun sa karinderya. Umalis na ako ng bahay para makahanap agad ng trabaho. At dahil hindi pa ako nakakagraduate ng highschool hirap akong makakuha. Mag aalas onse na pero hindi pa din ako nakakakain. Kaya naman nahihilo na ako ngayon. Sobrang init din kasi ngayon eh. May nakita ako sa flyers na wanted personal care giver kaya naman tinawagan ko agad ang number na nakalagay dun. Sanay naman ako mag alaga eh. Nung tinawagan ko na at tinanong ko na pwede bang mag apply binigay naman agad sa akin ang address nila. Kaya agad naman akong pumunta dun. "Teka parang pamilyar sa akin to ah." Kausap ko sa sarili ko. Wait. Pero wag naman sana. Nagdoorbell na ako. Wala naman mangyayari kung maghapon akong nakatunganga dito sa labas. Pero kinakabahan talaga ako. May nagbukas ng gate na nakasuot ng pang maid. Bata pa ito siguro nasa 25-30 years old lang ito. "Sino sila?" Tanong niya sa akin. "Ako po yung tumawag kanina para po mag apply." "Ah sige pasok. Hinihintay na kayo ni ma'am Kate." Pumasok naman ako at sinamahan niya ako kung nasaan ang mag iinterview sa akin. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Pero bigla akong kinabahan. "Ma'am nandito na po yung gusto mag apply." Pagkasabi nung maid biglang tumayo at humarap sa amin ang babae. Laking gulat ko nung hunarap siya. Bakit sa dinami dami ng pwedeng applyan dito pa? "H-hello po." Utal utal na bati ko sa kanya. Pero mas nagulat ako nung makita ko na nagulat din siya nung makita ako. Pero agad din naman niyang nabawi iyon. "Sige pwede mo na kaming iwan." Utos niya sa maid. Ang ganda ganda niya pala sa malapitan kahit na nagkaka edad na siya. "Marunong ka bang mag alaga?" Diretso niyang tanong sa akin. "Opo ma'am." Sagot ko. Umupo naman siya at tumingin ss akin. "Maupo ka." Turo niya sa upuan na kaharap lang ng upuan niya. Nandito pala kami sa garden ng bahay nila. "Graduate ka na ba hija?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Actually po highschool pa lang ako malaki lang po talaga ang pangangailangan ko." Kinakabahan kong sagot. "Talaga? Pero alam mo naman siguro na mahirap mag alaga lalo na kung matanda." Matanda? Sino kaya? "A-ah opo. Pero nasanay na po ako mag alaga kasi po yung lolo ko po sa nanay ko ako po yung nag aalaga bago po siya namatay eh." "Ah ganun ba. Mabuti naman. Sige tanggap ka na." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Talaga po? Marami pong salamat." Dahil sa sobra kong tuwa eh napatayo ako at napayakap sa kanya. Mas lalong lumakas ang kaba ko. For the first time nayakap ko din siya. Nayakap ko din ang tunay kong ina. Napapaiyak tuloy ako. "Hija? Bakit ka umiiyak?" Nag aalala na tanong niya sa akin. "Naku sorry po masaya lang po ako." Ako na rin ang kumalas sa yakap. "Osige ahm pero paano ang schedule mo kung nag aaral ka din naman pala." "Oo nga po pala." Hirap pa naman mag adjust. "Osige ganto na lang tuwing weekends dito ka mag iistay kapag weekdays half-day ka na lang. Saan ba ang school mo?" Tanong niya sa akin. "Sa Wilford State University po." Magalang na sagot ko sa kanya. "Talaga? Dun din nag aaral ang mga anak ko. Pwede kitan ipahatid pauwi at papasok sa school kapag monday na." Oo nga po at malaki po silang sakit sa ulo ko. Bullihin ba naman po ako. Sabagay hindi nila alam na kapatid nila ako. Kahit na gusto kong magalit sa babaeng kaharap ko ngayon hindi ko nagawa. Ewan ko ba. Parang may pumipigil sa akin para magalit sa kanya. "Paala ko nga pala sayo na matandang lalake ang aalagaan mo at siya ang daddy ko." Sabi niya sa akin. Lolo ko? "At napaka tigas ng ulo niya lagi niyang inaaway ang mga tagapag alaga niya. Naka ilang palit na kami ng taga pag alaga niya lagi sila niya sinisigawan." Naku masungit! "Kaya please sana habaan mo ang pasensya mo sa kanya." "A-aah! Opo. Gagawin ko po ang makakaya ko." "Salamat hija." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Kim na lang po." Nakangiti kong sabi. "Sige Kim ako na ang bahala sa sahod mo." Napangiti na lang ako. Ayoko sanang kunin ang sahod kasi lolo ko naman ang aalagaan ko kaso naalala ko nanaman ang usapan namin nila Loriane. "Pwede bang bukas ka na agad mag simula? Tutal Saturday naman bukas eh." Oo hindi ako pumasok ngayon. "Sige po ok lang po." Pagkatapos ng usapan namin umuwi na ako. Pagkadating na pagkadating ko palang tinanong agad ako ni Loriane. Tuwang tuwa naman siya nung sinabi ko sa kanya na nakahanap na ako ng trabaho. "Bukas na bukas din ayusin mo na ang papel ko ha." Pagtataray ni Loraine sa akin. "Pero bukas na simula ng trabaho ko." Sabi ko kay Loraine. "Pwes hindi ko na problema yun." Ngumisi muna siya bago tumalikod paalis. Napahawak na lang ako sa ulo ko kasi sumasakit. Wala nga pala akong umagahan at tanghalian. Pumasok na ako ng bahay at kumain muna ng kaunti. Bago ako natulog. Maaga akong matutulog dahil siguradong bukas na bukas madami akong gagawin. "Kaya mo yan Kim! Fight!" Sabi ko sa sarili ko ng buong tapang. Kailangan ko maging matapang. Kasi kung magiging duwag na lang ako walang mangyayari. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD