Kim POV At dahil napag alamanan ko na wala naman pala ang susunod na klase namin ay pumunta ako dun sa pinagtratrabahuhan kong resto. "Oh Kim andyan ka na pala." Sabi sa akin ni Tita Leida yung may ari ng resto na pinagtratrabahuhan ko at siya din ang tita ni Ana. "Opo wala naman daw pong klase eh." Sagot ko na nakangiti. "Nandito ka lang din naman. Pwede bang ikaw na lang muna ang mag serve sa vip room? Dumating na kasi yung inorder kong mga kailangan dito sa restaurant." Tumango ako. Minsan lang naman kasi humingi sa akin ng favor si Tita Leida eh. "Sige po ako na po ang bahala." Nakangiti kong tugon kay tita. "Sige Kim ikaw lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko eh." Bumeso muna sa akin si Tita saka siya umalis. Pumunta ako sa vip room para tanungin kung ano pa ang kailangan nila. P

