Kim POV Napabuntong hininga na lang ako nung maalala ko yung nangyari kahapon sa resto ni tita Leida. Napapailing ako sa tuwing naaalala ko yung kalokohan nila. Buti na lang at walang nakakita nun. Simula kahapon na iwan ko si Keith kay Loraine ay di na nagparamdam sa akin si Keith. Hays ano ba to. Nagseselos ako? Hindi no! Hindi pwede. Pero napatigil ako sa paglalakad nung maalala ko yung eksena namin sa rooftop. Yung paghalik niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa labi ko. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Aaminin ko na. Mahal ko na nga si Keith. Saka ko na lang iisipin yung tungkol sa magkadugo kami. Hindi naman ako selfish diba? Nagmahal lang naman ako eh. Pero kung aamin ko man kay Keith na mahal ko nga siya sana maging maayos ang lahat. "Kiiiiiim!" Napalingon ako sa likod dahil

