Kim POV Nandito ako sa kwarto ni nanay para bantayan siya. Hinihintay ko kasi si Loraine eh. Galing nga pala dito si Keith at sinabi niya kay Nanay Lory na liligawan ako. Nung una ay nagulat pa si Nanay Lory nung malaman na ang totoo kong papa at mama ay magulang din ni Keith pero syempre hindi yun sinabi ni nanay kay Keith. Napapaisip tuloy ako. Dapat ko bang sabihin kay Keith na magkapatid kami? Pero paano na yung pagmamahalan namin? Magpapakaselfish ba ako? "Anak halika." Tawag sa akin ni nanay. "Bakit nay? May masakit po ba sayo?" Tanong ko agad sa kanya nung nakalapit na ako sa kanya. "Wala anak. Yung tungkol sa inyo ni Keith. Hindi ba magkapatid kayo?" Gulat ako sa tanong ni nanay sabi ko na nga ba at baka tumutol siya dito. "Opo nay. Alam ko naman yun eh pero hindi ko po kasi

