Keith POV Ang aga kong gumising. At maaga ko din binulabog ang mga kapatid ko. Gusto ko kasi magpatulong sa kanila para surpresahin si Kim na haharanahin ko siya sa campus namin. "Hays! Pag yang boses mo panget naku sasapakin kita." Natatawa ako kay Kurt. "Ano ayos na ba lahat?" Tanong ko sa kanila. "Oo si Kim na lang ang kulang nasaam na ba yun?" Tanong ni Charles. "Hindi ko alam hindi nasagot sa tawag ko eh." Sagot ko. Pinagmasdan ko ang inihanda namin. Yung malaking plat screen t.v na nasa stage ay pinalagyan ko ng mga roses. Tapos yung paligid ng stage nilagyan ko ng balloons. Yung buong stage naman nilagyan ko ng petals. Pati yung lalakaran ni Kim. Basta lahat romantic. I'm sure magugustuhan to ni Kim. Gusto ko maging special tong araw na to para sa kanya. Ipapaalam ko na din ka

