Kim POV Nandito ako sa canteen. Ako lang mag isa dahil sila kuya nasa room na. Bukas na lang daw ako pumasok dahil bukas pa daw ako magtetest para makahabol sa mga exam na hindi ko nakuha. "Kim!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "K-keith! Namiss kita." Niyakap ko siya nung nakalapit na siya sa akin. Sobra ko siyang namiss. Pero nagulat ako nung hawakan ni Keith ng mahigpit ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya. "A-ano ba Keith nasasaktan ako." Sabi ko pero mukhang galit siya. "Talagang masasaktan ka sa akin. Kakarating mo pa lang pero inaway mo agad si Chloe. Sinampal mo pa." - Keith Aba napakasinungaling talaga! "Totoong inaway ko si Chloe pero h------." "KITA MO NA UMAMIN KA DIN! ALAM MO NAPAKA SAMA MO TALAGA EH!" Sigaw niya sa akin

