Kim POV Nandito ako ngayon sa tapat ng school namin. Kahit papaano namiss ko to. May natutunan din ako sa school na to. Yun ay kailangan maging matapang ka dahil kung mahina ka dito talo ka. Kasi ganyan ang nangyari sa akin. Ay mali sa dating ako. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo bunso?" Napalingon ako kay kuya Chase dala dala ang bag ko. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at ako na ang nagdala. "Apat na buwan lang akong nawala pero parang ang laki ng pinagbago." Sabi ko habang nakatingin pa din sa school. "Yung school ba ang malaki ang pinagbago o ikaw?" Sabi ni kuya Chase saka niya ginulo ang buhok ko. Oo. Apat na buwan akong nawala. Mas pinili na lang nila mama na hindi ako papasukin sa loob ng tatlong buwan. Minabuti ko na lang na sundin sila dahil ayoko muna makakita nang kahit

