[KATELEEN'S POV]
"'W-wag... Please Billy... L-lumayo ka sa 'kin." - ako
"Bes, gising. Binabangunot ka."
Nagising ako bigla nang may tumawag sa akin at niyuyugyog ako.
"Ayos ka lang ba, twinsis?"
Napatingin ako sa buong paligid. "T-teka, nasaan ako?" naguguluhang tanong ko.
"Nasa beach tayo ngayon, Bes." sagot sa 'kin ni Louise.
Napatingin ako sa kanila at nakita kong bihis na bihis sila.
"T-teka. Bakit ganyan ang suot niyo." naguguluhang tanong ko.
"Basta, sumunod ka na lang sa amin." - Kathleen
Inalayan nila akong tumayo. Doon ko na-realize na naka-gown ko. Puting wedding gown.
"Teka, bakit naka-wedding gown ako?" - ako
"Malalaman mo rin mamaya, Bes." - Louise
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na kami sa kwarto.
"Teka, bakit mo pala tinawag ang asawa ko habang natutulog ka? Napanaginipan mo siguro siya." - Louise
"Ah... wala 'yon." naging tugon ko na lang. Ayokong sabihin kay Louise na binangunot ako dahil sa asawa niya. Nakakahiya!
Napatakip ako sa aking bibig dahil pagkarating namin sa may dalampasigan ay maraming tao roon. Lahat sila ay naka-royal outfit habang nakatingin sa amin.
Teka, ano bang nangyayari? Nasa fairytale ba ako.
Inalayan ako nina twinsis at Louise na lumakad sa gitna ng aisle.
Rinig na rinig ko ang instrumental na pangkasal.
Sa harap mula sa malayo ay nakita ko si James na nag-aabang sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin sa gawi ko. Naka-prince attire na puti siya na terno sa akin.
Nang makalapit na ako sa kanya ay inalayan niya ako paharap sa altar.
"J-james, totoo ba talaga 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, sweety pie. This is real and you are not dreaming." nakangiting sagot sa 'kin ni James.
"P-pero cutie pie... Paano mo 'to naplano? Parang kahapon lang..." - ako
"I always have a Plan B, sweety pie." sabay kindat pa niya. "Do you like it?"
"No." naging sagot ko na ikinagulat niya.
"Ha?" ang tangi niya lang naging reaksyon. Pero kita ko sa mga mata niya ang kaba at lungkot.
"I love it cutie pie. Mas maganda pa 'to kaysa sa dream wedding ko." pagbawi ko.
Napalitan ng ngiti at ginhawa ang reaksyon niya. Akala siguro niya ay hindi ko nagustuhan ang sorpresa niya. I'm just teasing him.
Magkahawak-kamay kaming humarap sa pari.
"James Charles, tinatanggap mo ba si Kateleen Keet na maging asawa mo, sa hirap man o sa ginhawa, at sa kung ano mang pagsubok na haharapin ninyong magkasama." - pari
Nakangiting tumingin sa 'kin si James bago sumagot. "I do."
"Kateleen Keet, tinatanggap mo ba si James Charles na maging asawa mo, sa hirap man o sa ginhawa, at sa kung ano mang pagsubok na haharapin ninyong magkasama." - pari
Nakangiting tumingin din ako kay James bago sumagot. "I do."
Pagkatapos ay may mga sinabi pa ang pari bago ang pagsusuot ng wedding ring sa isa't isa.
"Ang singsing na ito ay sumisimbolo ng aking pagmamahal, pagiging tapat at higit sa lahat ay bilang asawa." ani James habang sinusuot sa aking ang singsing.
Ako naman ang sunod na nagsuot ng singsing sa kanya. "Ang singsing na ito ay sumisimbolo na ako ay iyong kabiyak sa hirap man o sa ginhawa. Ang singsing na ito ang magpapatunay na ikaw lang ang nag-iisa kong asawa."
"By the power vested in me. I officially declare you as husband and wife. Groom, you may now kiss the bride." - pari
Inangat ni James ang takip sa aking mukha at pagkatapos ay hinalikan niya ako. Narinig ko ang palakpakan ng mga bisita.
Kahit na kasal na kami ni James ay alam kong hindi pa ito ang katapusan ng aming kwento. Dahil alam kong marami pa kaming pagsubok na pagdadaanan bilang mag-asawa. Sana ay malampasan namin itong pareho.
***
One year later...
Excited na akong pumasok bilang intern sa isang malaking kumpanya. Isa itong subsidiary company na pagmamay-ari namin ni James. Pagkatapos magretiro ang magulang naming pareho ay si James na ang CEO ng Keet-Charles Coorporation. Nag-merge ang company ng pamilya ko at pamilya ni James simula nang ikasal kaming dalawa. Dahil sa merging ng aming kumpanya ay mas lalo pang naging makapangyarihan ang pamilya namin. Hindi kapangyarihan na super powers ha. It's like isa na kami sa pinakamayamang pamilya sa buong mundo.
"Cutiepie, ito na ang susuotin at dadalhin mo para sa 'yong unang araw sa kumpanya." sabi sa 'kin ni James.
Halos mapanganga ako sa mga gamit na hawak ng mga maids. Lahat ay mamahalin ito.
Napa-iling naman ako sa kanya. "Cutiepie, hindi ba't napag-usapan na natin na hindi ko muna i-re-reveal ang identity ko. Baka isipin ng mga empleyado sa company na ginagamit ko ang privilege ng pagiging asawa mo. Gusto kong may mapatunayan ako kaya nagsimula muna ako sa pinakamababang posisyon."
Lumapit naman sa 'kin si James. "I know cutiepie, pero gusto kong maging maayos ang unang araw ng work mo."
"Ito lang ang kailangan ko." sabay kuha ko sa lunch box na may lamang pagkain. "The rest ay ibalik mo na kung saan mo man 'yan kinuha."
"Okay cutiepie. Pero mamaya, after work ay sabay tayong mag-dinner." at kinindatan pa niya ako. Halatang may kung anong naglalaro sa kanyang isipan. Well, alam ko na kung ano ang nasa isip niya at bibigyan ko siya ng sorpresa mamaya.
Lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang electric scooter dahil 'yon ang gagamitin ko papuntang trabaho. Gusto kong low profile muna ako sa papasukan kong trabaho para hindi mailang sa akin ang magiging workmates ko.
[JAMES' POV]
Nang makaalis na ang aking asawa ay tinawagan ko ang aking assistant.
"Boss, napatawag po kayo?"
"Maghanda ka ng isang bouquet ng bulaklak at i-welcome niyo ang asawa ko sa kumpanya. Puti ang suot niyang damit." utos ko rito.
"Copy boss."
Pagkatapos ay naghanda na rin ako para sa i-me-met kong client. Sayang lang at hindi ko maaasikaso ang asawa ko. Pero alam kong sasalubungin siya ng mga tao ro'n bilang Mrs. Charles. Hindi ako sang-ayon sa desisyon niya. Gusto kong malaman ng iba na asawa ko siya. Baka may mga lalaking pumorma sa kanya sa trabaho habang wala ako. Although may tiwala ako sa asawa ko pero wala akong tiwala sa ibang tao lalo na sa mga hindi ko naman kilala.
[KATELEEN'S POV]
Pagkarating ko sa trabaho ay nagulat ako dahil sa dami ng mga taong nakaabang do'n. May isang lalaking may hawak ng bulaklak na ibibigay sa akin. Alam kong pakana 'to ni James. Nag-usap kaming i-ke-keep ko muna ang identity ko pero hindi siya nakinig. Wala na akong magagawa.
Bababa na sana ako sa aking electric scooter ngunit may isang mamahaling kotse ang tumigil sa aking harapan at may bumabang isang pamilyar na mukha.
Si Veronica. Ang mortal kong kaaway.
Teka, bakit nandito siya? Akala ko ba ay nasa ibang bansa 'to.
"It's you Kate. Long time no see." sabay tanggal niya sa suot niyang shade. Hanggang ngayon ay mayabang pa rin siya. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "What happened to you? You look so cheap."
Binigyan ko siya nang masamang tingin. "Anong ginagawa mo rito?"
Tumawa naman siya bago sumagot. "Of course, unang araw ko rito sa trabaho bilang secretary ni Mr. Charles, the youngest billionaire of this generation. Isang malaking privilege makatrabaho ang isang tulad niya. Ikaw? What are you doing here?"
"Syempre, unang araw ko rin dito." pagtataray ko.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Paanong isang tulad mong probinsyana ay nagtatrabaho rito? Lemme guess. Bagong janitress ka rito."
"Wala ka nang pakialam do'n. Marangal na trabaho ang pagiging janitress. Ikaw nga mayaman nga pero mukhang wala kang pinag-aralan. Hanggang ngayon ay ang sama pa rin ang ugali mo." panenermon ko kay Veronica.
"Y-you." inis niyang tugon habang nagpapapadyak.
Proud akong lumapit sa magiging workmates ko. "Hello guys. Masaya akong makatrabaho kayo."
Lumapit naman sila sa akin. Pero hindi ko inasahan ang sunod na nangyari.
"Welcome to Keet-Charles Corporation, Mrs. Charles."