[KATELEEN'S POV]
"Welcome to Keet-Charles Corporation, Mrs. Charles."
Akala ko ay ako ang lalapitan nila ngunit nilampasan nila ako at kay Veronica sila lumapit.
"Nice to meet you Mrs. Charles. I'm Ryan, Mr. Charles assistant. Pinabibigay pala sa 'yo ni Mr. Charles. And welcome to Keet-Charles Corporation." pag-we-welcome ng assistant kay Veronica sabay abot ng bouquet ng bulaklak. Ang mga bulaklak na nando'n ay mga favorite ko and it also symbolizes love na dapat akin 'yon.
Noong una ay naguluhan si Veronica sa pangyayari ngunit napalitan agad ito ng ngiti at tinanggap ang bulaklak.
"Thank you all sa pag-welcome sa akin. Sana ay makasundo ko kayong lahat. Kahit na ako si Mrs. Charles ay gusto kong pantay-pantay ang pagtrato niyo sa akin. Gusto ko kayong maging kaibigan." pasasalamat pa niya na akala mo naman ay totoo.
Narinig ko naman ang palakpakan ng mga tao. Masayang-masaya sila sa sinabi ni Veronica.
"Grabe, ang bait naman pala ni Mrs. Charles. Akala ko ay mapang-mataas siya at kinasusuklaman niya ang mga ordinaryong taong tulad natin." narinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga, akala ko ay strict siya at mataray siya. Pero napaka-down to earth pala niyang tao." pagsang-ayon naman ng beki sa babae.
"No wonder pinakasalan siya ni Mr. Charles. Maganda na, mabait pa." kinikilig na sabi ng babae.
"Ang swerte nila sa isa't isa. Siguradong magiging gwapo at maganda with a heart din ang magiging anak nila gaya nila." - beki
"Agree. Bagay na bagay sila." - babae
Hindi ko mapigilang mapasimangot sa mga narinig ko. Hindi sila bagay dahil tao sila. Mas bagay kami ng asawa ko.
Hindi pwede 'to. Kailangan kong i-expose ang babaeng 'to. Kailangan malaman nila na hindi siya si Mrs. Charles.
Pero paano ko naman gagawin 'yon na hindi ko ine-expose ang identity ko?
Inalayan ng assistant ni James si Veronica papasok sa kumpanya. May pa-red carpet pang nalalaman si James.
Papasok na sana ako ngunit pinigilan ako ng security guard.
"Asan ang ID mo?" tanong nito sa akin.
Oh shoot! Nakalimutan ko ang ID ko.
"Naiwan ko ang ID ko manong guard. Pwede bukas ko na lang dalhin? Ma-le-late na kasi ako." pagmamakaawa ko sa security guard.
"Hindi pwede Miss, pasensiya na. May patakaran dito na No ID, No Entry." tugon nito.
Nanlumo naman ako dahil do'n. Kailangan kong bumalik sa bahay para kunin ang ID ko.
Napatingin naman ako sa aking relo. Limang minuto na lang ang natitira. Kahit malabong makakarating ako on time pero kakayanin ko.
***
After two hours...
Hingal na hingal akong nakarating sa Kate-Charles Corporation. Ang malas ko naman. Naubusan ng baterya ang electric scooter ko. Tapos wala pang dumadaang taxi. Tumakbo pa ako para lang makuha ang ID ko pero late na late na talaga ako. Siguradong magagalit sa akin ang superior ng department na naka-assign sa akin.
Pagkapasok ko sa kumpanya ay pumunta agad ako sa department na naka-assign sa akin. Pero pagkarating ko ro'n ay iba ang pag-welcome sa akin.
"You're two hours late! Unang araw mo pa lang sa trabaho ay late ka na. At ano ba 'yang amoy na 'yan? Ba't amoy pawis ka at ganyan ang itsura mo? Hindi nakaka-professional!" galit na sabi sa 'kin ng beki. Siya yata ang superior ng department na 'to.
"Pasensiya na po Sir. Naiwan ko po ang ID ko kaya na-late ako." pagpapaliwanag ko.
"Anong tawag mo sa akin? Sir? Ma'am dapat ang itawag mo sa akin!" mataray nitong tugon.
"Pasensiya na po Ma'am." paumanhin ko.
"Hindi pwede 'to! Hindi excuse ang naiwan ang ID mo para ma-late ka. Dahil diyan, you're fired! Kuha mo?" galit na sagot niya.
"Hindi pwede! Unang araw ko pa lang dito." hindi ko sinasadyang masigawan siya.
"Sino ka ba para diktahan ako at sigawan? Kung ayaw mong umalis ay tatawag ako ng guard!" panghahamon nito sa akin.
Tatawag na sana ito ng guard ngunit saktong dumating naman si Veronica.
"Hayaan mo na Mikay. Unang araw pa lang naman niya sa trabaho. Pagbigyan na natin." sabi nito sa beki.
"Ang bait mo talaga Madam." nakangiting tugon ng beki kay Veronica.
Binigyan ako ng masamang tingin ng beki. "Pasalamat ka at may mabuting puso si Madam Veronica. Kung hindi ay sibak ka na talaga sa unang araw mo." dinuro-duro pa ako ng beki.
"'Wag ka nang magalit, Mikay. Nakakabawas ganda kapag nagagalit tayo. Ako na ang bahala rito." sabi ni Veronica sa beki.
"Sige po, Madam." at umalis na ito.
Nang umalis na ang beki at malayo na kami sa empleyado ay dito na nagpakita ng totoong kulay si Veronica.
"You should be thankful that I didn't fire you. A country bumpkin like you doesn't belong here." mataray niyang sabi sa akin.
Tinarayan ko rin siya na may ngiti. "How come na ikaw si Mrs. Charles?" tanong ko sabay kuha sa ID na suot niya. "Veronica Santos." basa ko sa pangalan na nakalagay sa ID niya. "Santos ang nakalagay dito sa ID mo at hindi Charles. Paano mo ipapaliwanag ito?"
Nakita kong natataranta na siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Mukhang madali lang ang pag-expose ko sa kanya.
[JAMES' POV]
"Kumusta ang pag-welcome niyo sa asawa ko?" tanong ko kay Ryan.
"Mabuti naman po Mr. Charles. Nagustuhan din po niya ang bulaklak na binigay niyo." sagot nito sa 'kin.
"Good." tugon ko rito at may inabot ako sa kanya. "Give it to her kapag makabalik ka sa company. Gift ko 'yan para sa unang araw niya."
"Copy boss." at umalis na ang assistant ko pabalik sa kumpanya.
Sana magustuhan niya ang gift ko para sa kanya. Alam kong naaalagaan siya do'n dahil alam na ng mga tao na siya ang asawa ko. Hindi ko na kailangan pang mag-alala pa dahil isang buwan din akong mawawala sa Pilipinas. Kailangan kong pumunta sa South Korea para sa isang business deal. Next week na ang alis ko.
Pero sa ngayon ay bibigyan ko muna ng sorpresa ang asawa ko mamayang gabi. Sisiguraduhin kong makaka-score ako mamaya. Hindi muna ako pupunta sa kumpanya para asikasuhin ang sorpresa ko sa kanya. Si Ryan at ang bago kong secretary muna ang mag-aasikaso sa kanya.
[KATELEEN'S POV]
Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Veronica ang kamay ko at biglang natumba.
"ARAAAYYYYY!" sigaw nito na parang nasasaktan.
"Mrs. Charles!" may nagsalitang lalaki at lumapit ito kay Veronica. Inalayan niya itong tumayo. Ang assistant ni James.
*pak*
May biglang sumampal sa akin. Natigilan ako dahil do'n. "Ang lakas ng loob mong saktan si Madam! Sino ka ba para maging bayolente sa teritoryo niya?"
"H-hayaan mo na Mikay... Ayos lang ako. H-hindi naman niya s-sinasadya." sabi ni Veronica sa beki habang umaarteng nasasaktan. "A-ang sakit ng paa ko!"
"Hindi ko siya tinulak. Nagpapanggap lang siyang nasasaktan. At hindi rin siya si Mrs. Charles. Tignan niyo ang ID niya." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Napakasinungaling mo rin! Nakita naming tinulak mo siya! At anong sabi mo? Hindi siya si Mrs. Charles? Pinaliwanag na ni Madam ang tungkol sa ID niya. Kaya ibang apelyido ang nakalagay do'n dahil gusto niyang itago na siya si Mrs. Charles para hindi siya mailang sa akin at para hindi siya ma-bully. Dahil alam naming may mga gaya mo ang gustong manakit sa kanya dahil sa inggit." galit na paliwanag ng assistant ni James.
"P-pero hindi talaga siya si Mrs. Charles. Nagpapanggap lang siya." naiiyak ko nang sabi.
"At sino namang ang totoong Mrs. Charles? Ikaw?" sarcastic na tanong sa 'kin ng beki.
"'W-wag niyo na siyang ayawin pa guys. Ayos lang talaga ako." kunwaring awat ni Veronica sa dalawa.
"Bakit ang bait-bait niyo po Madam? Kapag hindi po natin tanggalin 'tong babaeng 'to ay baka maulit na naman po ang p*******t niya sa 'yo." tugon ng beki.
Hindi naman nagsalita pa si Veronica. Kunwaring yumuko siya at umiyak.
Hinablot ng beki ang ID ko. "Kateleen Cruz." basa nito sa nakalagay sa ID. "Hindi naman pala ikaw si Mrs. Charles. Kung makaasta ka ay ikaw talaga. Gusto mo pa talagang magpanggap na ikaw ang asawa ni Mr. Charles. Wala ka bang kahihiyan sa mukha."
Kateleen Cruz ang nakalagay sa ID ko at sinadya kong ilagay 'yon para itago ang identity ko. Pero hindi ko akalaing nanakawin 'yon ng impaktang si Veronica.
Kailangan kong makagawa ng paraan para i-expose siya lalo na't walang naniniwala sa akin.
"Bumalik ka na sa pwesto mo. Pasalamat ka talaga at mabait sa 'yo si Mrs. Charles. Pero hindi pwedeng palampasin ang ginawa mo sa kanya. Bilang parusa ay mag-o-overtime ka rito dahil marami kang papeles na sasagutin at i-pi-print. Kailangan na kailangan na ang mga 'yon bukas. At ikaw na rin ang maglilinis ng buong department na 'to." sabi sa 'kin ng assistant ni James.
Nanlumo naman ako dahil do'n. May dinner pa naman kami ng asawa ko. Paano na 'to?