CHAPTER 2

791 Words
“Hoy, Mariz! Ang aga-aga, daldal ka na naman!” sigaw ni Aling Berta mula sa kusina habang nag-aayos ng almusal. Ayun na. First thing in the morning, sermon agad. Pero syempre, hindi pwedeng mawalan ng energy si Mariz a.k.a ako. Ang motto ko sa buhay, Kung hindi mo kayang maging maganda, edi manggulo ka nalang, at least mapapansin ka pa rin. “Nay Berta, positive vibes lang tayo, baka malas kapag tahimik ako sa umaga!” sagot ko habang todo linis sa sala. “Kung hindi ka lang bago rito, baka nasandok na kita.” Napangiti ako. Ganyan kami ka-sweet dito. Everyday may threat, pero with love. Nagwawalis lang ako nang biglang… muntik na akong mabangga. As in literal na face-to-chest collision. At hindi lang basta dibdib kundi dibdib na naka-mamahaling suit, may hawak pang briefcase na parang mas mahal pa sa tuition ko nung highschool. “Oh my gosh! Sorry po, Sir!” halos matapon ko yung basurahan sa kamay ko. Dahan-dahan siyang tumingin mula sa cellphone niya. Nakakunot ang noo, malamig ang mga mata, at ang panga niya… Diyos ko, ang panga niya parang kayang maghiwa ng mansanas. “Next time,” malamig niyang sabi, “look where you’re going.” Opo, next time iiwas na ako sa inyo kasi baka tuluyan akong matunaw sa titig niyo, Sir. Pero syempre, smile lang ako. Kasi hello, baka matanggal agad ako sa trabaho kung nagtaray ako. Pangalawang araw ko palang naman, no? Si Boss? nakwento na sakin ni Ate linda kagabi lahat ng tungkol kay Sir Gabriel “Gabe” Alcantara. Thirty-five. CEO ng isang malaking kumpanya. Mayaman. Suplado. At base sa tsismis ng mga kasambahay dito, allergic daw sa commitment. Parang sa kanya, mas okay pa ang spreadsheet kaysa sa girlfriend. At eto na nga. Ako bilang bagong maid, at officially nasa territory ng isang lalaking mukhang mas gusto pang makipag-usap sa calculator kaysa sa tao, need ko daw mag behave.. Parang di ko keri! Habang nag iisip nga ako ng kung ano ano ay napansin ko si Sir na naupo sa dining area kaya naman agad ko siyang nilapitan. “Good morning, Sir Gabriel!” bati ko, pilit ginawang parang TV commercial ang boses ko. “Kape po? Para fresh and alive!” Nakaupo lang siya sa dining table, di man lang ako nilingon. “Sir Gabe nalang, and for Coffee? Black. No sugar.” walang emosyon nitong sabi. Gabe pala as in Geyb, akala ko Gabe? as in Gabi! tsh. Habang nagtitimpla ako ng kape, napa-bulong ako, “Parang pag tinitigan ako nito, mabubura ako sa mundo. Baka ma-possess ako bigla.” “What?” biglang tanong niya, malamig pa rin ang boses. Patay kang bata ka, narinig niya. Mabilis akong ngumiti. “Ah, sabi ko po… ang pogi niyo, Sir!” Tahimik siya. Walang reaction. Nakatitig lang sa akin. Expressionless. Ito na ba yung sinasabi nilang titig ng lalaking hindi mo alam kung bibigyan ka ng bulaklak o death certificate? “Don’t waste my time on nonsense,” sagot niya finally, tapos binuksan na ang laptop. Napakagat-labi ako. Wow. Gwapo na, suplado pa. Complete package. Parang cellphone na walang load useless kung hindi makakausap. Pinilit kong hindi mainis at nagsimulang mag-serve ng breakfast. Omelette, bacon, tapos may konting fruits pa. “Sir, kumain na po kayo. Sabi ng mga doktor, importante ang breakfast para healthy ang katawan.” “Coffee is enough,” sagot niya, hindi man lang nagtaas ng ulo. “Eh paano po yung abs niyo?” nabulalas ko bigla. Napatingin siya sa akin, mabagal, parang nananadya. “Excuse me?” Shocks, Mariz, ano ba sinasabi mo! Brain, bakit mo ko sinabotahe? Ngumisi ako, pilit. “Eh kasi po… kapag hindi kayo kumain, baka mawalan kayo ng energy. Eh sayang naman… yung abs. Char.” Pinanood niya ako sandali, tapos umiling lang. “You talk too much.” At ikaw naman, talk too little. Balance lang tayo, Sir. Pagbalik ko sa kusina, hindi ko mapigilang ngumiti. Ang sungit niya sobra, pero may kakaiba. Parang lahat ng tao sa bahay natatakot sa kanya, pero ako? Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa kasi mukha siyang challenge. After a few minutes, lumabas siya ulit ng dining room, suot pa rin yung serious face niya na parang board meeting every second ng buhay. Nakasunod ako bitbit yung jacket niya. “Sir, jacket niyo po. Baka malamigan kayo sa office.” He stopped. Tiningnan ako. Then, with a sigh, kinuha niya yung jacket. “Next time, wag kang masyadong..” “Maganda?” singit ko, sabay kindat. Napahinto siya. Tapos dumiretso na lang palabas. Iniwan akong natatawa mag-isa. Aba, kinindatan ko na yung boss ko. First day pa lang! Lord, baka bukas wala na akong trabaho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD