KABANATA 1
XYLYN
"We do not teach. We test. We do not graduate. We survive. We do not forget. We collect."
Binasa ko ang nakaukit sa higanteng arko ng gate na gawa sa itim na bakal.
Helwell University. Ang school na 'to ay hindi nagbibigay ng diploma, kundi certificate of death. Dito itinatapon ang mga anak ng Mafia, drug lords, at assassins.
Parang 'breeding ground' itong Helwell.
"Wow. Ganito pa rin pala 'to. Amoy dugo at disappointment," bulong ko sa sarili ko habang hila-hila ang maleta ko.
'Five years.'
Five years na ang nakalipas since 'Night of Broken Heels'. The night where I lost everything—my twin, my friends, and my gangs.
Ngayon, heto na naman ako. Papasok na naman sa hellhole na tinakasan ko noon. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil sa pangako ko kina Mama at Daddy.
Bakit ako nangako sa kanila kahit na hindi ko sila mapapatawad?
Dahil unti-unti na silang kinakain ng lason. Walang antidote, dahan-dahan nitong pinapatay ang sistema nila. At ang tanging hiling nila? Ang magkasundo kaming magkakapatid bago sila mawala.
'I can't still forgive them. I hate them for the promise, but I love them enough to keep it.'
"As if naman magagawa ko 'yon," ngiwi ko. "Eh 'yung tatlong itlog ko ngang mga kuya, mas gusto pa yatang i-display ang ulo ko sa sala kaysa batiin ako."
Inayos ko ang suot kong contact lens. Ngayon, ako lang si Xylyn Yildiz. Ang 22 year old na failure ng Yildiz family.
Papasok ako dito hindi bilang survivor ng Night of Broken Heels. Just Xylyn. A clumsy, playful and cheerful Xylyn.
Naglakad ako sa hallway ng university. Maraming students ang naglalakad, may mga bitbit na katana, may mga naglilinis ng baril sa bench, at may isa pa akong nakita na hinihila ang bangkay ng kaklase niya papunta sa likod ng building.
"Wow! Parang field trip lang sa sementeryo," masigla kong sabi sa sarili ko. Isang lalaking may hawak na kutsilyo ang humarang sa daan ko.
"Hoy, bago ka? Akin na 'yang bag mo kung ayaw mong mamatay," banta niya.
Ngumiti ako nang malapad. "Sure! Pero wait, may promo ako ngayon. Buy one stab, take five kicks for free! Gusto mo?"
Bago pa siya makasagot, hinarang ko ang binti niya at mabilis na pinihit ang braso niya.
Crack.
Isang tunog na musika sa pandinig ko. Binitawan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad habang kumakaway. "Bye-bye! Get well soon, kuya!"
--------
Pagpasok ko sa opisina ni Dean, sinalubong ako ng amoy ng kasamaan. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng kaniyang table, mas matanda pero mas demonyo kaysa dati.
"Xylyn Yildiz," tipid niyang sabi. Malapad ko siyang nginitian. "You're the triplets sister, right?" dagdag pa niya, may ngisi sa labi niya. "Sina Shalen, Shaun, at Shailan. Kuya mo sila 'diba?"
Tumango ako. Bigla naman siyang tumawa. May nakakatawa ba sa pagtango ko?
Hindi ko na siya pinansin kahit 'nung sabihin niya na galit din daw pa sa'kin ang triplets. Hindi ba obvious?
"Anong dorm po ako?" tanong ko, nang maiba naman ang usapan. Baka hindi ako makapagpigil at himasin ko ang tiyan niya. Swerte daw ang buntis, 'diba?
Pinagmasdan niya ako nang maigi. Sinusuri kong pwede ba akong maging 'bait' para sa triplets.
"You're late for the term, Ms. Yildiz. Puno na ang mga dorms," sabi niya, may kakaibang ngiti sa labi. "But since special ka, I'll put you in the Ledger Dorm. Room 404."
Napatigil ako. Ledger Dorm? 'Yun ang dorm ng Reapers. At nandoon ang mga kuya ko...
"Wait, 'di ba room 'yun ni—"
"Mauryx Dawn Gallagher and your brothers. Yes," putol niya sa'kin. "He's the current Reapers Boss. And he happens to despise women. Especially talkative ones like you."
'Aba, gago 'to ah.' Plano niya akong ipakain sa leon.
"You may leave. Don't die on your first night, Ms. Yildiz. It would be boring," huling hirit ni Alvarez.
"Don't worry, Dean! I'm hard to kill, parang ipis lang!" Kindat ko bago ako lumabas.
Habang naglalakad ako papunta sa Ledger Dorm, nadaanan ko ang garden. Nakita ko doon ang pamilyar na mga pigura.
Ang itlog kong mga kuya: Shaun, Shalen, at Shailan.
Sila 'yung taong dapat na protektahan ako, pero sila ang unang bumasag at sumira sa pagkatao ko. Kasama nila si Mauryx, ang lalaking magiging ka-roommate ko.
Paano ko nasabi na siya si Mauryx? Easy. Kamukha niya si Murex. Pero parang mas gwapo siya kaysa sa kuya niya?
Tumigil ako sa malayo. Nakita ko si Shailan na may tina-torture na isang student, habang si Shalen ay tumatawa lang at si Shaun ay nakatingin nang malamig. Mauryx, on the other hand, looked like a statue of ice. Powerful, dangerous, and incredibly handsome—in a 'papatayin-kita-sa-isang-titig' kind of way.
"Xa—Xylyn?"
Napalingon ako sa gilid ko. Si Sixto. Ang boy best friend kong baliw. Kasama niya si Maizel, ang boyfriend niya na mukhang laging kulang sa tulog.
"Sixto! My loves!" Akmang yayakapin ko siya pero hinarang ni Sixto ang mukha ko.
"Gaga, anong ginagawa mo rito? At bakit dala-dala mo 'yang maleta mo? Pinalayas ka na ba talaga ng tuluyan?" bulong ni Sixto, sabay sulyap sa mga kuya ko.
"Dito na 'ko mag-aaral! And guess what? Roommate ko si Mauryx! Is it destiny or is it suicide? Ten points for Ravenclaw!" hiyaw ko nang mahina.
Nanlaki ang mga mata ni Sixto. "You're kidding. Boss kills anyone who breathes his air. Noong nakaraang linggo lang, may binato siyang babae palabas ng bintana dahil lang tinanong siya kung anong oras na."
"Grabe ha, hindi naman siguro siya gano'n kasama. Baka wala lang siyang relo?" depensa ko.
"Xylyn, seryoso. Mag-ingat ka. Lalo na't nasa Ledger Dorm din ang mga kuya mo," seryosong sabi ni Sixto. "And stay away from the Stilettos for a while. Jazielle is there, and you know how protective the boys are of her."
Tumango-tango ako. Si Jazielle Fortaleza. Ang 'baby' ng Helwell. Ang kaisa-isang babaeng may soft spot ang lahat—pati ang mga kuya ko. Samantalang ako? I'm the plague.
"Don't worry. I have a plan," sabi ko habang tinitingnan ang Ledger Dorm.
"Anong plan?" tanong ni Maizel.
"Magpapanggap akong multo para hindi nila ako mapansin!"
Napasapo na lang sa noo ang dalawa.
Alam ko ang tungkol kay Jazielle at kung bakit sobrang protective ng mga kuya ko sa kaniya. Si Mierra kasi, she's my spy here pati na rin si Maple. Sinabi nila sa'kin lahat ng nangyari sa Helwell since 2023.
---------------
Nakatayo ako sa tapat ng pinto ng room ko. Huminga ako nang sobrang lalim. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob.
Madilim ang kuwarto. Amoy ko ang gunpowder at expensive perfume. Sa gitna, nakita ko ang isang kama, king-size bed. At doon, nakaupo ang isang lalaking naka-topless, habang naglilinis ng isang desert eagle.
Si Mauryx Dawn Gallagher. Ang current Boss ng Reapers.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Ang mata niya ay parang talim na bumaon sa'kin.
"Who the hell are you?" tanong niya, ang boses ay parang galing pa sa ilalim ng lupa.
"Hi! Roommate mo 'ko! I'm Xylyn! May dala akong cookies, want mo?" Itinaas ko pa ang isang plastic ng cookies na binili ko sa convenience store sa labas.
Hindi siya sumagot. Sa halip, itinutok niya ang baril sa noo ko. Saan naman niya nakuha 'yun?
"Get out. Before I paint this wall with your brains."
Ngumiti ako. 'Yung pinaka-cute kong ngiti. "Ang taray naman nito. Saan mo gusto? Sa kaliwa o sa kanang side? Kasi mas gusto ko sa kanan, mas maganda ang lighting pag umaga."
"I'm not joking, woman."
"I'm not either! Sabi sa rules, if I can't defend my bed, I don't deserve to wake up. So..." Mabilis akong naglakad at tumalon sa kanang bahagi ng kama. "This is mine now. Try to move me, and I'll hack your browser history and post it on the university's main bulletin board."
Nanigas siya. Hindi siya makapaniwala na may isang babaeng nangahas na bantaan siya sa loob ng sarili niyang teritoryo.
"You're dead," mariin niyang sabi.
"Nice to meet you, Dead! I'm Xylyn!" Humiga ako at nagkumot. "Goodnight, Roomie! Don't let the bedbugs bite, or I'll kill them too."
Naramdaman ko ang matalim niyang tingin, pero ipinikit ko ang mga mata ko. Helwell University, day one. Buhay pa ako. Aantayin ko siyang makatulog bago ko tanggalin ang contacts ko!
Para sa inyo 'to, Mama, Daddy. Eve, Kolas. Magbabayad ang lahat dahil sa ginawa nila sa inyo... uunahin ko lang inisin ang mga taong 'to.