Alas-onse na ng gabi ngunit tulala pang nakatingin si Camerone sa kisame ng kaniyang silid. It’s been two weeks mula ng puntahan niya si Augustus sa condo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwawaglit sa isipan ang alaala ng gabing iyon. It caused her to curse the man for the rest of his live. Hindi niya kailanman makakalimutan ang salitang binitiwan nito habang siya nagpupumiglas na makawala. That night added to one of her nightmares. Hinawi ng dalaga ang kumot na nakatabon sa kaniyang katawan at bumalikwas. Mula sa kuwarto ay dumiretso siya sa komedor at kumuha ng malamig na light beer. Pumunta siya sa balcony ng condo at naupo sa mesang naroon. Tumungga siya ng isa sabay upo habang malamlam ang mga matang nakamasid sa syudad na maraming sasakyan na nag-iilawan sa dilim. “Th

