Chapter 1
--------------
"Where are you, babe? I'm on my way."
Pasado alas Sais NA ng gabi at kasalukuyang nasa kahabaan ng EDSA si Augustus, hawak-hawak niya sa tenga ang cellphone habang nagda-drive. Papunta siya sa building ng isang kilalang clothing line sa bansa kung saan nagtatrabaho ang kaniyang longtime girlfriend na si Zoie bilang isang modelo. She's is the apple of his eye.
Ang tanging babaeng bumihag sa kaniyang pusong salawahan. Mahigit isang taon na mula nang sagutin siya ang dalaga and from that time, he learned how to become faithful. Ang totoo'y ang babae lang ang nagpatino sa kaniya at nagpastick-to-one.
Zoie is one of a kind. Wala na siyang dahilan para lumingon sa iba dahil nasa girlfriend na niya ang lahat. She's jaw-dropping gorgeous, sexy, flawless and most of all hot. She's sizzling hot lalong lalo na sa mga intimate moments nila. Though she's not virgin anymore when he took her, he knew that she's still tight.
Isa pa, alam naman niya na sa panahon ngayon ay bihira na lang ang mga virgin. Kung meron man, eh naku, hindi naman puwedeng maigala ang mukha. Zoie is his dreamed girl, he concluded. And at this point of his life, wala na siyang hinahanap pa.
On the first day of December ay umuwi sila ni Voltaire ng Pilipinas para sa kanilang holiday vacation. Of course, Voltaire head straight to their ancestral mansion in Masbate where their parents are. Habang siya ay dito sa kanilang pad sa Maynila pumirme upang makasama ang kaniyang minamahal. But actually, he has important things to do in the Metro.
"I'm about to out, baby." Sagot ng kasintahan niya sa linya.
"That's great. Malapit na ako."
" Okay, I'll wait you in the lobby."
" Sure! I love you, bye."
" I love you too. Bye!"
Ibinaba na ng binata ang aparato at nagdial ulit ng ibang numero. A smile on his face is drawn while making another call.
"Hello, sir." Bungad ng isang lalaki sa linya.
" Are you guys, ready?" natatawang wika ni August.
"Nakaabang na po kami dito sir. Wag po kayong mag-alala sisiguraduhin po namin na mahusay ang acting namin."
"Hahaha, that's good. I'm on my way now to pick her up. Siguro after fifteen minutes ay nandiyan na kami."
"Okay, sir. See you. Ang galing po ninyo."
" Hahaha, minsan lang ako nainlove ng ganito Francis kaya lulubusin ko na."
"Okay, sige sir. Magpapaalam na muna ako para maisuot koi tong bonnet ko."
"Okay, bye!"
Makalipas ang ilang minuto ay natatanaw na ni August ang building kung saan naroon ang kasintahan. He can't help but to have a wide smile as he think about what will happen this evening.
Excited na siya kung tutuusin ngunit kailangan niyang itago iyon upang maging matagumpay ang gabing isang lingo niyang pinaghandaan.
"Hello, beautiful."
Isang malaking ngiti ang ibinungad ng binata sa kasintahan pagtapat ng sasakyan niya. Mabilis siyang bumaba upang pagbuksan ng ito pinto.
"Hey! You looked so handsome tonight." Nakangiting wika ni Zoie sabay halik sa labi ng binata bago umupo sa loob ng kotse.
"Ha? Eh, always naman akong guwapo eh. Bakit? Ngayon ka lang ba nagugwapuhan ng husto sa akin?"anito nang makaupo sa drivers' seat sabay sara ng pinto.
" Hahaha! No, no, no. You always looked great naman. Pero iba lang talaga ang dating mo ngayong gabi mahal ko."
" Naku! Akala mo lang yun. Bagong paligo lang ako nang magpunta rito."
"Wow! Kaya naman pala nakakalaglag panty yang awra mo."
Natawa ng pagak si August sa sinabi ng kasintahan at simula ng pasibarin ang sasakyan.
"How's your day?" maya-maya'y tanong niya sa babae.
" Heto, babad pa rin sa make-up at camera. There's nothing new in my life except for those clothes I wore to promote in ads and commercials."
"Oo nga naman. By the way, how's your contract signing with Tommy Hilfiger?"
Pilit pinakaswal ng binata ang kanilang usapan ng mga sandaling iyon. Binigyan niya rin ng signal ang kaniyang mga bilang pagbibigay alam na malapit na sila rito.
"It was moved next week."
"Are you sure you will accept that? I thought, you wanted to be with me for the rest of my holiday here."
Napabuntong-hininga si Zoie at ginagap ang palad ng binata.
"Sabihin mo lang babe kung gusto mong tanggihan ko yung offer, gagawin ko." Masuyong wika ng dalaga.
" I do not want to manipulate you and I do not want to hinder things which could make you happy. Alam mo naman yun."
"Pag-iisipan ko muna. But I promise you, susulitin ko ang mga araw na kasama kita dito."
"Thanks for that babe."
"Teka, where are we going?" takang tanong ng dalaga nang mapansin ang daan na kanilang binabaybay.
" I would like you to bring in a new restaurant which opened just yesterday."
"Talaga? How did you know about--------"
Biglang naputol sa pagsasalita ang dalaga nang biglaang nagpreno nang mariin si August. Muntikan na nga siyang masubsob mabuti na lang at nilagyan siya ng seat belt kanina ng binata.
"OMG! What is happening-----?"
" Bumaba kayo kung ayaw ninyong pag babarilin ko kayo!" malakas na sigaw ng isang lalaking biglang humara sa kanilang daraanan at may nakatutok na baril.
Wari'y nanigas ang mga panga ni Zoie pagkakita dito at panawan ng ulirat dahil sa biglang pagsalakay ng kaba. Tanaw ng kaniyang dalawang mata ang lalaking nakabonnet ng itim, armado at maraming tattoo ang katawan.
"What shall we gonna do----"
"Relax...huwag kang mag-alala. It's just a piece of cake for me."
"But he has a gun----"
Gustong mapatili ni Zoie nang makitang nasa tabi na ng kanilang sasakyan ang armado at nagsilabasan ang mga kasamahan nitong may mga baril din.
"Just relax and stay calm baby. I'll deal with this."
Pagkawika n'on ay binuksan ni August ang sasakyan at taas ang mga kamay na bumaba.
"Mga pare, baka puwede naman nating pag-usapan to oh." Anang binata.
"Boss, may kasama pa siya." Wika ng isang armado na sinilip pa talaga ang loob ng sasakyan.
"Huwag niyo na siyang palabasin, ako na lang. Maawa kayo.-----"
"Tumahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo. Lumuhod ka!" mabalasik na bulyaw ng tinawag na "boss".
"Boss, heto ang wallet ko-----"
"Kulang to. Lumuhod ka! Hindi pa kami tapos! Ikaw, hilahin mo yang babae sa loob at hanapan mo rin ng wallet."
"Oo, boss. HOY! Ikaw babae, bumaba ka diyan at ibigay mo sa akin ang wa---"
"He-he-heto p-po." Ninerbyos na wika ni Zoie nang makababa. Di mapigilan ng dalaga ang maluha nang Makita ang baril na nakatutok sa batok ng kasintahan habang naka luhod.
"Pare, sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa jowa mo. Baka ito na ang huling pagkikita ninyo." Nakangising wika ng may hawak kay August.
Pagkawika n'on ay nagtaas ng tingin ang binata at may kinuha sa bulsa ng pantalon. Sa pagkakataong iyon ay pigil ang hagulgol na kumawala sa mga labi ng dalaga habang nakamasid.
"Baby, I'm sorry. I'm really really sorry."
Sa mga sandaling iyon ay unti-unting sumilay sa labi ni August ang isang ngiti. Si Zoie naman ay napakunot ang noo dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari lalo pa't unti-unting humantad sa kaniyang paningin ang maliit na kahon na hawak ng kasintahan. Is he proposing? Tama ba na sa ganitong paraan pa talaga?p
"Is this some kind of a joke Augustus? I'm gonna kill you really."
"I'm sorry baby for bringing this thrill----"
"Thrill? Thrill lang sayo? Dammit! Mukha na akong mamatay-----"
"Zoie, baby, will you marry me?"
Pagkawika non ni August sa harapan ng kasintahan ay nagpalakpakan sa paligid ang mga binayaran niyang gumanap na mga holdaper. Pagkuwa'y pumailanlang ang isang musika buhat sa mga nakaabang doon na musikero na binayaran din niya at tumugtog ng "marry a daughter".
Napaluha at napaiyak si Zoie dahil sa mga nakita sa paligid. Gusto niyang paghambalusin ang kasintahan dahil sa kadramahan nito na parang magpapahamak pa yata sa kaniyang puso ngunit lahat ng iyon ay napalitan ng kilig at tuwa.
"Do you really need to go this far, just to ask me this?" mangiyak-ngiyak na tanong ng dalaga.
"I just want to surprise you, baby. Please...will you marry me? Please naman sumagot ka na."
"Oo na. OO. I wanna marry you. BUT! Wag mong iisipin na palalampasin koi tong pananakot na ginawa mo."
"Hehe, I'm sorry."
Kinuha ni August ang sisngsing mula sa kahon at isinuot sa mala-kandilang daliri ng dalaga. Pagkatapos ay masuyong ikinulong sa dalawang palad ang mukha ng dalaga at buong-pusong hinalikan.
" Spend your lifetime with me...please."
Tumango-tango lang si Zoie habang nagpapahid ng mga luha.
Maya-maya ay bumaling ang binata sa mga taong sangkot sa gimik niya.
"Salamat sa inyong lahat lalo na sa mga actors ngayong gabi. May bonus kayo sa akin bukas. Puwede na kayong makauwi."
"Salamat din po sir. Congratulations sa inyo ni Maam Zoie."
"You're welcome. Salamat din."
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na rin silang dalawa sa loob ng kotse at dumiretso na kaagad sa restaurant na sinabi ng binata kanina.
----------------------------------------------------
Nakahilata sa couch si Camerone habang pumapapak ng fish cracker at nanunood ng pelikulang "Anna" nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. May bagong notification ang kaniyang f*******: account. It's her cousin's My Day.
It was a hand having a brilliant ring in one of its fingers.
"Soon to be Mrs. Augustus Mondragon."
She smirks and throws her phone on the pillow.