Bisita Mabilis kong pinabalik si Haze sa daan para puntahan sina Penny at Lexy. Umiiyak sila at natataranta sa nangyari kay Kiera. Anong nangyari? Bakit siya nakidnap? Is this real? Kinakabahan ako. "Bilis ng karma ah?" ani Haze habang mabilis na ang kanyang pagmamaneho lalo na't tumuntong na sa ninety ang kanyang speed. Pumikit ako. Oo nagtalo kami kanina pero hindi ko naman pinagdasal na sana ay mapahamak siya. Hindi na ako ganoon kasamang tao para hilingin iyon! Mabilis kaming nakarating ni Haze. Pagkahinto palang ng kotse ay natataranta agad akong bumaba. Ang agaran kong napansin ay ang mga police na nagkalat at umiilaw na police mobile. Narito parin ang iilang mga nanood ng racing kanina. "Brielle!" si Penny iyon, humahagulhol na at pilit nalang pinapatahan noong police. Mabil

