Chance "Brielle..." Tumayo agad si Kiera at sinalubong ang aking pagbaba. Huminto ako sa kanyang biglaang paglapit. Niyakap niya ako ng mahigpit habang si Daddy naman ay tumayo na, seryosong seryoso ang mukha. Sumasayaw ang aking mga mata, hindi alam kung saan ipapanatili ang tingin lalo na't lahat sila ay pilit kong tinitingnan ang bawat ekspresyon. "I was so worried! Pinuntahan agad kita rito dahil baka pati ikaw... pati ikaw ay napahamak narin," ani Kiera sa takot na boses. "Huh?" Nalilito ko siyang nilingon, gustong kumawala sa mahigpit niyang yakap. "Haze is very dangerous at baka pati ikaw ay mapahamak din sa kanya. I also checked Lexy and Penny dahil sobrang nag-aalala ako. Baka matulad kayo sa sinapit ko at ayaw kong maranasan niyo iyon..." Nanginginig niyang sabi, hindi ko a

