Boyfriend Inisip kong mabuti kung tama ba ang pag-amin ko. Siguro ay masyado lang akong nagulat? O di kaya ay masyado lang akong nagpapadala sa bugso ng damdamin, katulad ng sinabi ni Lolo. But how can I control it if it's overflowing? Parang pag hindi ko inilabas, pag hindi ako umamin, ay sasabog na ako. Dumilat ako, nacucurious sa pagiging tahimik niya. Nakita ko siyang nakapikit, tila may pinapakalma at tumataas baba pa ang kanyang balikat dahil sa mabibigat na paghinga. "Can I use your comfort room first?" halos hirap niya iyong sinambit. Dumilat siya. Nagulat ako sa nag-aapoy niyang mga mata, tila susunugin na ako ano mang oras. "Oo... Iyang kulay cream ang pinto." Itinuro ko iyon. Mabilis siyang tumayo, deri-deritso na ang lakad papasok sa aking cr at naririnig ko pa ang mahaba

