17

3727 Words

Demon Pagkatapos ng isang buwang bakasyon sa America ay nagpasya rin naman kaming umuwi. Naging maganda naman ang mga araw namin doon. Nagshopping, nakipagbonding kina Lolo at Lola, nagbeach, at kung anu-ano pa. Sinulit namin ang bawat araw namin doon kaya noong umuwi ay ramdam ko rin ang pagod sa byahe. "Here!" Ibinigay ko kay Zera ang nabili kong pasalubong sa kanya sa umaga ng Sabadong iyon. Napatingin siya sa inilahad kong paperbag. Ngumisi ako sa kanya. Binitiwan niya ang hawak na cellphone at kinuha na iyon sa akin.  Tumabi ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ang pagmamadali ng kamay niyang buksan iyon. "This is a nice top. Thanks," aniya nang makit ang loob at kinuha ang isang sleeveless top. "You like it?" tanong ko habang pinapanood siyang tinatapat na iyon sa kanyang kat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD