Practice After buying school supplies ay kumain din naman kaming apat. Pasulyap sulyap lamang ako kina Zera at Irah. My cousin talks alot while Irah is just beside her, nakikinig din naman at sumasagot sagot. Franca chuckled beside me. Nagulat ako roon at napagtantong siya pala ang aking katabi. Umupo ako ng tuwid at pasimpleng iginala ang tingin, lalo na't hinihintay nalang namin ang aming order. "Ang seloso at selosa niyo talaga," aniya, sapat lamang na marinig ko. Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling itinuro ang aking sarili. Tumango siya at dinampot ang baso ng tubig saka sumimsim doon. Inilapag niya iyong muli at humilig sa mesa. "Anyway... How's Nana?" tanong niya, masyado paring marahan ang boses. "Okay lang naman siya. Pinagpatuloy niya roon ang pangarap niyang Fashi

