No Regrets Nagpaalam ako ng maayos kina Mommy at Daddy kinabukasan. Pumayag naman sila, sa pag-aakalang kasama ko ang mga friends ko. Si Kuya Red ay hinayaan din ako, ang sabi niya ay basta magtext lang pag magpapasundo na. Nagpahatid lang ako sa pagkikitaan namin ni Haze sa hapong iyon ng Sabado. Pagkababa ko ay sinabihan ko na agad ang driver na huwag na akong hintayin pa dahil baka makita niya ang pagdating ni Haze, o kung nariyan man ay baka mabuko ako. Umalis din naman ito. Tiningnan ko lang iyon hanggang sa may bigla nalang bumusina sa aking likuran. Nagulat ako at mabilis iyong nilingon. Nakita ko ang hindi pamilyar na kotse. Umabante iyon hanggang sa tumigil iyon sa aking harapan at bumaba ang bintana. The luxurious red Aston Martin is infront of me with Haze looking so hand

