Nakagat ng dalaga ang labi niya habang nakatingin sa cellphone . Napahiga siya sa kama niya at napapikit. Bagong misyon nila na hindi niya alam kung kakayanin ba niya. Mamayang gabi ang anniversary ng hotel ng Kuya ni Xenon. "Anak?" Tawag ng kaniyang Ina sa labas ng kuwarto niya. "Come in Mom," mahinang ani niya. Pumasok ang Ina niya at may dalang karton. "What's that, Mom?" Tanong ng dalaga sa Ina niya. Nakangiting lumapit ito sa kaniya. "Ipinadala ng boy friend mo," nakangiting sagot nito. Agad na napabangon siya at binuksan ito. "Wow!" Manghang ani ng Ina niya. Maging siya ay natigilan habang nakatingin sa damit. Isang knee length maroon halter top dress. Kita ang likod niya. "Bagay na bagay 'yan sa'yo 'nak," excited na ani ng Ina niya. Huminga siya nang malalim na iki

