Mabilis na nilapitan ni t***d at Cadillac si Dadaria nang gumalaw ang kamay nito. "Pinsan," mahinang ani ni Caddi. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata at ngumiti nang pilit. Akmang babangon siya ng kumirot ang tiyan niya. "Huwag muna baka mabinat ka, teka lang ia-adjust ko lang ang bed," ani ni Caddi. "Fuckner," nakangising ani ni t***d. Kaagad na inirapan niya ito. "Akala ko ba sasalohin mo ang balang tatama sa akin?" Mahinang ani niya at napaigik. Sumasakit pa rin ang natamaang bahagi ng tiyan niya lalo na kapag tumatawa siya. "Ayun na nga next time na lang," natatawang ani ni t***d. "Anong gusto mo pinsan?" Tanong sa kaniya ni Caddi. "Ilang araw na pala ako rito? Si Mom at Dad alam na ba nila?" Nag-aalalang tanong niya. Higit na mas mabuti kung hindi na malaman ng pamil

