Naglalakad ang dalaga palabas ng university nang makita niya si Xenon. Nakatayo ito sa labas ng gate at nakatingin sa kaniya. Natigilan siya at nagpatuloy naman din sa paglalakad. Baka hinihintay nito ang girl friend niyang si Red. Naasiwa siya dahil nakatitig ito nang mariin sa kaniya. "You like him?" Ani ng isang boses sa gilid niya. Kunot ang noong tiningnan niya ito at napataas ang kilay. Napaka-tangkad talaga nito hanggang balikat lang siya. Hindi nga niya na-imagine na kinaya niyang gulpihin ito. "Thunder," mahinang ani niya. Hawak nito sa kanang balikat ang bag nitong itim at ang isang kamay ay nakapamulsa sa suot nitong jeans. "What are you doing here?" Tanong niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nilingon niya ang kinaroroonan ni Xenon at wala na roon ang binata. Natigilan si

