Chapter Two
KINABUKASAN nagising akong bigla ng tumunog ang alarm clock ko na nasa side table ng kama ko. Nakakainis naman inaantok pa ako e. Pisteng alarm naman na to hmm. Wala akong nagawa kundi ang tumayo na lang at inayos ang kama ko. Ako kasi ang nag aayos o nagliligpit nito wala kasing nagtatangka na pasukin ang kwarto ko na to dahil kung hindi malalapa sila ng baby ko. 'Aso po yung baby ko his name is daffney, lalaki siya syberian husky'. Si daffney na lang kasi ang naiwan sakin simula nung mamatay ang parents ko sa car accident nito lang apat na buwan ang nakakalipas after ng debut ko. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay nawalan daw ng preno ang sasakyan ni daddy pero pinaimbestigahan ko ito at nalaman ko na sinadya pala ito at hindi lang basta bastang aksidente ang nangyari sa kanila ni mommy. I remember before my 15th birthday ay pinasa na ni dad sakin ang trono bilang isang Mafia Queen. Alam na siguro ni daddy na mangyayari ang ganitong bagay kaya pinasa niya na agad ang trono sakin kahit na wala pa ko sa legal age noon. Nung una ayaw ko kasi gugulo lang ang buhay ko pero wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang trono kasi ako ang Heiress Princess ng Angeles Clan, kaya sakin pinasa ang trono pati na rin ang buong kayamanan namin kaya after kong maka graduate ng highschool ay work agad ang inatupag ko buong bakasyon akong tinuruan ni daddy sa pagpapatakbo ng kompanya nila ni mommy nung nabubuhay pa sila kaya kahit nakakapagod at mahirap ay ginawa ko pa din ang best ko para maging ok ang lahat kaya nga hanggang ngayon ay walang nananalo o kahit sino man ang nagtatangkang pabagsakin ang pinaghirapan ni daddy at mommy. Hindi sa nagmamayabang ako pero nang dahil pa nga sakin ay mas lalong gumanda ang pagtakbo ng mga negosyo nila. Syempre kanino pa ba ako magmamana ede sa tatay ko, kaya marami ang gustong makisosyo sa kompanya ko dahil nga sa nangunguna ang kompanya ko sa business industry hindi lang dito sa pilipinas pati na rin sa labas ng bansa. Marami na din ang nagtatangka sa buhay ko dahil alam ng iba na ako ang pumalit sa trono ni dad bilang Mafia Queen ng Mafia World, pero ni isa sa mga nakakaalam na ako ang mafia queen ay hindi pa ako nakikita kahit na kailan. After kung mag ayos ng kama ko ay agad na kong dumeretso sa bathroom para maligo. After an hour. Natapos na din akong maligo at mag-ayos ng sarili ko kaya bumaba na ko para mag-almusal.
"Good morning Madam E." bati nung mga maid sakin. Sampu ang maid dito sa mansyon.
"Good morning din sa inyo. Nagbreakfast na ba kayo?" balik na bati ko at tanong ko sa kanila.
"Opo madam tapos na po." sagot nila habang naghahanda ng breakfast ko.
"Eh yung driver at mga guards nagbreakfast na rin ba sila?" tanong ko habang humihigop ng gatas syempre alagang alaga nila ako.
"Tapos na rin po madam." sagot nung isang maid.
"Ah ganun ba?" sabi ko at tumango tango na lang ako.
"Good morning hija." bati ni manang gina sakin.
"Good morning din po manang. Nagbreakfast ka na po ba?" tanong ko sa kanya habang nagsimula na kong kumain.
"Oo tapos nako hija, sige na kumain ka lang." sagot ni manang kaya naman tumango na lang ako bilang sagot. "Nga pala hija wala na tayong stock ng pagkain." alanganing sabi ni manang sakin kaya naman napatigil ako sa pagkain. Ibinaba ko muna yung gatas na iniinom ko at kinuha ko ang wallet ko sa bag. Kumuha ako ng twenty thousand at iniabot yun kay manang gina.
"Ito po manang. Bilhin niyo po lahat ng kailangan na stock ng pagkain dito sa mansyon." sabi ko sabay abot ng pera sa kanya.
"Ang laki naman yata nito hija?" gulat na tanong ni manang sakin.
Hindi pa ba nasasanay si manang na ganyang pera ang ibinibigay ko kapag maggo-grocery sila. Oo nga pala minsan lang pala kasi sila mag grocery dahil ako ang namimili kapag alam kong wala ng stock.
"Manang, kapag may sobra ibili niyo na lang ng damit niyo at sa mga apo mo, saka manang pwede bang mag vacation leave ka muna kaya kahit isang linggo o isang buwan pa yan. Ang tagal mo na kasing hindi umuuwi sa inyo e. Alam ko naman na namimiss ka na ng pamilya mo." seryosong sabi ko sa kanya kaya naman napayuko siya.
"Salamat hija, pero paano ka naman dito?" nag aalang tono ng boses niya.
"Ok lang naman ako dito manang tingnan mo sila alagang-alaga nga nila ako e. Don't worry i will taking care of myself para sayo." ngiting sabi ko habang kumakain ulit.
"Nag-aalala lang naman ako sayo hija. Bakit kaya hindi ka pa mag boyfriend hija nasa tamang edad ka naman na, para naman may mag alaga at mag protekta na sa alaga ko?" seryosong sabi ni manang kaya naman muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni manang sakin. Uminom naman agad ako ng tubig bago magsalita.
"Seriously manang wala pa po kasi sa isip ko yan. Manang naman bata pa ako para dyan ok, saka may panahon at oras din ang pag-boboyfriend. School at business lang muna ang inaatupag ko sa ngayon hanggat hindi ko pa nakikita si kuya Clifford hindi ako makakapagrelax ng maayos." seryosong sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi si kuya lang naman talaga ang hinihintay ko para mabawasan yong stress ko sa buhay. Kapag nakita ko na siya sigurado naman akong makakapagrelax-relax na ko kasi alam ko na may hahawak na ng iba pang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang namin.
"Hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo hija. Hays basta tandaan mo na nandito lang ako palagi hija." nag-aalalang sabi nya sakin.
Alam ko na nag aalala lang siya sakin kasi mag isa na lang ako sa buhay at walang titingin sakin bukod sa kanya.
"Alam ko naman yun hija. Ayoko lang na mapahamak ka at alam mo na kung ano ang sinasabi ko sayo, basta mag iingat ka lang palagi." sabi niya sakin.
"Oo naman manang. Ikaw pa malakas ka sakin manang e, nga pala manang magpasama ka sa tatlo o apat na mga maids ok. Ayoko kasi na napapagod ka e," ngiting sabi ko kay manang. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka," ngiting sabi niya rin kaya napangiti na lang ako.
"Ate ann." tawag ko sa isang maid.
"Ano po yon madam?" sagot naman ni ate ann.
"Pakitawag naman po si kuya Lito." utos ko sa kanya.
"Sige po." sagot naman niya at lumabas na.
"Good morning Madam E. Pinatatawag niyo po daw ako?" Bungad sakin ni kuya Lito (Driver ng mansion).
"Good morning din kuya Lito. Pwede po bang paki samahan naman si manang sa mall para maggrocery ng mga stock na pagkain. Wag mo na po ko ihatid, ako na ang magdadrive sa sarili ko." sabi ko sa kanya, kapag tinatamad kasi ako magdrive nagpapahatid na lang ako kay kuya Lito sa university at kompanya.
"Ok po madam." ngitig sabi niya at nagbow na bago umalis. Matapos kong kumain ay tumayo na ko at inayos ang sarili ko. Uminom muna ako ng isang basong tubig.
"Manang pasok na po ako." pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige-sige mag-iingat ka hija." ngiting sabi ni manang sakin.
"Opo," ngiting sagot ko.
Nasa private parking lot na ako ng University. Hindi muna ako papasok hanggang lunch time dahil magpapatawag muna ako ng meeting para kamustahin ang kalagayan ng university. Simula kasi ng ipasa ni daddy ang responsibilidad ko sa lahat ng negosyo nila ni mommy ito lang ang hindi ko pa naaasikaso. Pagpasok ko sa office ko 'sa university'. Nakita ko ang secretary ko sa loob ng office ko at may inaayos na papel. 'Akala ko nasa kompanya siya ngayon?'
"Good morning madam E." Ngiting bati niya sakin. Good mood yata ang secretary ko ngayon. Ano kaya ang nakain nito tapos blooming pa?
"Good morning too." Bati ko din sa kanya. "Bakit nga pala nandito ka Kaye, akala ko nasa office ka sa ACB ngayon?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na ko sa swivail chair ko.
"Ah.. kasi madam may mga pipirmahan po kayo na mga papel dito kaya inasikaso ko na muna. Hindi ko naman alam na pupunta po kayo dito ngayon? Mamaya pupunta po ako ng office may tatapusin din po ako don, saka marami po kayong meeting ngayon sa office. Alam ko naman po na hindi kayo makakaattend kaya ako po yong nakikipag-usap sa mga business meeting niyo, nga po pala madam bakit ka nga po pala naka student uniform ngayon?" pagpapaliwanag niya sakin tiningnan ko naman yong suot ko. Oo nga pala haha. Nasanay kasi si Kaye na nakapang office attire ako kapag nakikita niya kaya siguro nagtataka siya ngayon kung bakit naka student uniform ako.
"Nga pala Kaye, salamat nga pala sa lahat ng sakripisyo mo sakin. Hindi ko alam kung paano kita papasalamatan." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Kahit na minsan maldita ako ay pinagtyatyagaan mo pa rin yong ugali ko hehe, at kaya pala ako naka uniform kasi papasok ako ngayon pero mamayang afterlunch pa." Seryosong sabi ko sa kanya. "Nga pala Kaye ipatawag mo ang Principal,Dean at mga teachers. I have an urgent meeting sa kanila ok." sabi ko sabay upo sa swivail chair ko.
"Yes po madam." Tugon niya, may inayos lang siya saglit bago tuluyang lumabas na ng office ko. After a few minutes ay may kumatok.
"Come in." sabi ko habang pumipirma ng mga paper tungkol sa mga project ng school at iba pang activities.
"Madam nasa meeting hall na po sila. Hinihintay na po nila kayo don ngayon, sure ako na mabibigla silang lahat kapag nakita po nila kayo don dahil ngayon lang nila kayo mamemeet." ngiting sabi ng secretary ko sakin.
Totoong hindi pa nila ako nakikita. Never pa kasi akong humarap sa kanila gusto ko kasi ng tahimik na buhay lang talaga. Bakit kasi kinuha agad sina mommy at daddy ni God?
"Ok i'll follow." sabi ko at inayos na ang sarili ko. This is the first time na mamemeet ko na din ang mga teachers and officers of this University, kapag kasi nagpupunta ako dito nasa office lang ako para pumirma ng kung ano-ano para sa mga events, pero hindi ako nagpapasok at nagpapakita sa kanila.
Tumayo na ko at akmang lalabas na sana ng office ko nang magsalita ulit ang secretary ko.
"Madam, sigurado na po ba kayo na naka student uniform po kayong haharap sa kanila, ganyan po ba kayo pupunta sa meeting hall?" takang tanong nya sakin. Alam kong nag aalala siya pero desidido na talaga akong magpakilala sa kanila.
"Yes my sexytary hehe." pagbibiro ko na lang sakanya habang nakangiti.
"Madam naman e, cute lang po ako hindi sexy hihi, pero paano po kung.." hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya ng magsalita ako.
"I can handle this Kaye ok." seryosong nakangiting sabi ko. Tumango na lang siya at sumunod na ako sa kanya sa meeting hall.
Pagpasok ko ng meeting hall ay inaasahan ko na talagang magugulat sila sakin. Ganito ang itsura nilang lahat ng makita ako. O_O 'May dumi ba ang mukha ko? Bakit ganyan sila makatingin sakin hmp?'
"Ms Angeles, what are you doing here?" seryosong sabi ni Mrs Lennie, siya ang principal dito sa university kilala nila ako dahil top natcher ako ng University na to.
Ang astig diba? Ako na ang may ari nito. Ako pa ang top natcher dito. Swerte ko na lang dahil biniyayaan ako ng malaking utak ni god.
"Bawal ang student dito. What is the meaning of this secretary Kaye?" masungit na sabi ng dean at bumaling kay Kaye. Hindi ko na lang sila pinansin ganun din si Kaye. Dere-deretso lang akong pumunta sa harapan para umupo sa upuan ko.
"Good morning everyone." Bati ko sa kanilang lahat. Alam kong nagulat at nagtataka sila sa akin kung bakit nga ba nandito ako at anong ginagawa ko dito.
"Ano bang ginagawa mo dito Ms Angeles sa meeting hall bawal ang student dito, saka secretary Kaye nasaan na si madam E?" Galit na sabi Mrs Principal na sasabog na sa sobrang inis at pagkagulat. 'Tsk simpleng logic lang hindi pa nila mahulaan malamang kaya nga ako ang nandito dahil ako nga si madam E tsk'
"Ah..ehh..s-siya p-po kasi ang.." Nauutal na sabi ni Kaye. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng secretary ko at tumayo na lang para magpakilala sa kanilang lahat.
"Well, sorry po kung nagulat kayo na nandito ako ngayon. I know this is not the right time para sabihin sa inyo na.. I'm the owner of this university, i am Madam E." ngiting sagot ko sa kanila na halatang nagulat sila sa sinabi ko.
"You're the.." hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mrs.Principal.
"Yes that is true Mrs Lennie and i was said earlier i'm the owner of this university. I'm Eliza Caitlin Angeles known as MADAM E the only daughter of Mister and Misis Angeles the heiress princess of Angeles Corporation." seryosong saad ko sa kanila. Gulat na gulat naman ang reaksyon nila sakin dahil sa nalaman at nangyayari ngayon. Umupo na ko at hindi pa rin nawawala ang mga reaksyon sa mga mukha nila. Natawa naman ako pero hindi ko yun ipinakita sa kanila.
"Paanong nangyari yon ang bata mo pa?" hindi makapaniwalang tanong nong dean. Syempre bata pa talaga ako 18 pa lang ako e.
"Hindi namin alam na ikaw pala ang heiress ng Angeles. Ibang iba kasi ang itsura mo sa picture at sa personal Madam." sabi ni principal. 'E kasi nga po nerd ang itsura ko ngayon'
"I'm sorry everyone. I know na nabalitaan niyo ang tungkol sa pagkamatay ng parents ko four months ago and i have an important reason kung bakit hindi ko nirevealed ang tunay kung pagkatao. Gusto ko kasi maranasan ang tahimik na buhay katulad na lang nung nasa states ako. Bata pa lang ako i want to be independent ayoko ng sinusuportahan ng mga parents ko, kaya ang ginawa ko don nag working student ako ng hindi alam ng dad ko sa edad kong 15 years old ay nagtatrabaho na ako. Dugo at pawis ang inilaan ko para makaipon lang ng sarili kong pera. Sa totoo lang po lahat ng ipinapadala nila dad at mom sa account ko ay hindi ko ginagastos, kaya nagtatataka ang dad ko kung bakit hindi ko nagagalaw yong pera na ipinapadala nila. Gusto ko nga kasing maranasan ang simple na pamumuhay lang. Hindi bilang mayaman kung hindi simpleng tao at student lang sa university na to kaya nagpakanerd ako." mahabang pagpapaliwanag ko. "Pero sana po hindi makalabas ang alam niyo tungkol sakin. Gusto ko lang ng tahimik at simpleng pamumuhay bilang nerd student sa university na to." pahabol ko pa. Tumango na lang sila bilang sagot. Hindi pa rin sila makapaniwala na ako ang owner ng university na to.
"Ano nga pala ang pagmemetingan natin madam?" tanong ni Mr Dean.
"Well, gusto ko lang po malaman kung anong lagay ng university kaya nagpatawag ako ng urgent meeting. Hindi kasi ako masyadong updated dito dahil hati kasi ang oras ko sa school at company." seryosong sabi ko kanilang lahat. Napatango-tango naman sila.
"Well Madam. Marami ng nagrereklamo dahil sa kalokohan ng Campus Queen na si Ms Yassie Villanueva dahil sa pambubully niya sa mga student dito. Marami na rin po ang umaalis na students at nagtatransfer lalo na ang mga nerd students," paliwanag ng dean kaya naman tumahimik ako at napabuntong hininga na lang sa mga sinabi niya.
"Well i am sad to say. Isa rin ako sa binubully ng Queen bee na yun, alam kong may malaking rason siya kung bakit ginagawa niya ang mga yun? Hindi niyo man lang ba siya binibigyan ng disiplinary action o letter man lang?" Seryosong sabi ko sa kanila. Nakakabadtrip lang kasi, sisirain niya pa yata ang magandang image ng university na to, baka isipin ng mga magulang ng istudyante na nabubully dito ay university of bully ang school na to.
"Madam ilang beses na po namin siyang pinadalhan ng disiplinary letter, pero hindi siya pumupunta. Pinsan daw po ng tatay niya ang may ari ng university na to kaya natatakot kami na baka matanggal kami sa trabaho at tungkulin namin dito." Paliwanag niya kaya nagulat ako.
Paano ko naman siya magiging kamag anak aber? Ang pinagtataka ko pinsan ng tatay niya si daddy? Hmp sa side kasi ni daddy ang talagang may-ari ng university na 'to. Ang alam ko kasi wala kaming kamag-anak na 'Villanueva' ang surname. 'Tsk sinungaling ang babaeng yun?'
"Huh? Paano magiging pinsan ng tatay niya ang daddy ko e, wala naman kaming kamag anak dito? Ang mga parents side relatives ko ay nasa iba't ibang lupalop ng bansa hindi ko kilala ang apelyido niya?" seryosong saad ko. Nakakainis siya tsk! bakit ginagamit niya ang pagiging kamag-anak ko sa kanya e hindi ko naman siya kamag-anak?
"Sorry madam aaksyunan ko po agad ito." malungkot na sabi ni Dean.
"No. I can handle this, ako ng bahala dumisiplina sa kanya Dean." seryosong sabi ko. Bibigyan ko lang naman siya ng punisment na hindi niya aakalain at makakalimutan.
"Salamat madam ang sakit niya na po kasi sa ulo e." sabi ng dean. Alam kong pinapangalagaan lang nila ang university at tungkulin nila dito kaya ganyan sila magsipag react.
"Madam marami pa po kayong pipirmahan sa office niyo about sa mga paper work para sa activities, pageant at iba pa." singit ng secretary ko.
"Ok ms sexytary.." natawa naman yung mga kasama namin sa meeting hall sa sagot ko sa kanya.
"Madam naman e," nahihiyang sabi niya na nakayuko dahil nahihiya siya. Nakakatuwa talaga to, kapag nakita ko si kuya irereto ko to haha. Bata pa naman ang secretary ko 19 years old pa lang siya. Matagal na siyang graduate sa college accelerated kasi siya e. 17 years old palang ay graduate na ng college si Kaye. Parents ko ang nagpaaral sa kanya since high school hanggang college dito din sa university siya gumaraduate. Ang taray diba scholar yan dito si Kaye noon.
"Sus totoo naman e, wag ka ng mahiya." pang aasar ko sakanya kaya namula naman siya sa sinabi ko. Marami pa kaming napag usapan ng principal, dean, at mga teachers tungkol sa mga paparating na activity, pageant, fieldtrip, grandball at marami pa.
"I think this is enough for today, thank you sa inyong lahat lalo na sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa university." ngiting sabi ko at tumayo na.
"Salamat din madam E." sabi ng dean at principal. Nakipag shakehand at nagbow naman sila sakin.
"Salamat po, akala namin mataray ka po?" natatawang sabi nung ibang mga teachers. Nakakatuwa silang lahat. Lalabas na sana ako ng pinto pero huminto ako at nagsalita ulit.
"Ah nga pala before you leave everyone. Can you do me a favor?" tumango naman silang lahat sakin. "Can you please treat me like a one of student here not an owner of this university, kapag may meeting lang po tayo pwede niyo kong kausapin ng medyo may paggalang pero inside and outside of the classroom or campus, student niyo ko at admin and teachers ko kayo. Ok lang po ba?" ngiting sabi ko kaya tumango nalang sila at ngumiti. At tuluyan na kong lumabas ng meeting hall. Dumeretso agad ako sa office at pinirmahan ko lahat ng sinabi ng secretary ko.
"I'm done to signed this papers Kaye." sabi ko sa secretary ko.
"Sige po madam ako na mag aasikaso at magbibigay nito sa faculties." sabi niya.
"Okay, thank you Kaye mauna na ko sayo ha lunch time na pala. Ikaw din maglunch ka na ok." sabi ko at tumango na lang siya. Pagdating ko sa cafeteria ay umorder agad ako ng makakain ko. Pagka-order ko ay pumunta agad ako sa vacant table sa favorite spot ko, pero habang kumakain ako ay narinig ko na naman ang mga istudyante dito.
"Oy girl nabalitan niyo na ba na si Dharenz at Yassie na daw?"
"Ay oo kalat na kalat na nga sa buong campus ang news na yan."
"Swerte ni Yassie 'no. Hays sana ako na lang si Yassie."
"Pero balita ko pinaglalaruan niya lang si Yassie e. Alam naman natin na cassanova at playboy yon si Dharenz e."
"Tama ka dyan girl hahahaha playboy is always a playboy."
"Bakit nga ba naging ganun yun si Prince Dharenz, hindi naman daw kasi ganun yan noon yung playboy ba sabi ng pinsan ko, may isang babae ang nagpatino sa kanya dito sa campus?"
"Ayy oo alam ko yan girl, kaso naaksidente yung girl na yun hindi ko alam kung bakit then nalaman na lang namin makalipas lang ng isang buwan nung maaksidente yung girl ay sila na nong dating queen bee dito pero iniwan lang siya kaya siguro naging ganyan siya.."
Grabe ang chismis dito?!
..................
Natapos na din ang second day of school ko hays. Nakakapagod sana walang makaalam na ako ang may ari ng school bukod sa mga officers ng university. Sa tamang panahon at oras malalaman din nila ang tungkol dito wag lang muna sa ngayon. Pagdating ko sa parking lot sumakay agad ako sa kotse ko, nang makasakay na ko ay agad kong pinaandar ito at umalis na ng university.
..........
Pagpasok ko ng mansyon sinalubong agad ako ng mga maids.
"Good evening madam." bati nila habang nakayuko.
"Good evening din sa inyo, " sabi ko habang naka smile.
"Oh hija nandyan ka na pala? Magpalit ka na sa taas at mag dinner ka na." bungad ni manang gina.
"Mamaya na po manang. Busog pa po ako e bababa na lang ako pag nagutom po ako, napagod po kasi ako gusto ko na magpahinga." sabi ko sa kanya.
"Sige basta kumain ka mamaya ok. Sige na umakyat ka na hija." sabi ni manang gina.
"Sige po." sabi ko at umakyat na ko sa taas. Ibinaba ko naman yong bag ko at dumeretso na sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa closet ko para kumuha ng komportable na damit loose t-shirt na white ang kinuha ko manipis lang at nakapanty lang ako.
Mainit kasi kahit na may aircon e. Bago ko i-off ang ilaw ay tiningnan ko muna si daffney at tulog na tulog siya. 'Goodnight baby daffney ko'.Saka ko ini-off ang lampshade ko sa side table ko at sinimulan ng matulog.