Chapter 1
Chapter One
KRINNGGG!!..
Sino na naman kaya ang walang hiya na tumatawag sakin tsk! Istorbo sa natutulog e.Kinapa-kapa ko naman ang cellphone ko sa side table ko at nang makuha ko na ay hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino yung tumatawag sakin.
"Who the hell is this?" inis na sabi ko sa kabilang linya.
"Aww bessy si Kyla 'to.Sorry naman girl kung naistorbo ko ang tulog mo hehe.Hindi ka ba papasok ngayon ha nerdy girl?" sarkastikong sagot niya naman sakin kaya naman nagsalubong ang kilay ko habang nakapikit pa ang mata ko. Saan naman kaya ako papasok?
"Papasok saan?" nagtatakang tanong ko habang nakapikit pa yung mga mata ko.
"Ay bruha na to, papasok sa university malamang?" sarkastikong sabi niya sakin. "First day na naman kaya natin bilang college student tapos aabsent ka naku! naku!, himala sa himala yan besh. Bumangon ka na dyan 7:00am na 'oh 8am ang start ng first class natin." sigaw niya sa kabilang linya.Walang hiyang babae to wala man lang pakundangan kung sigawan ako kalbuhin ko kaya to. Naku pigilan niyo ko. Tsk! pero teka nga anong sabi niya nagloloading pa yung utak ko e.Teka teka naman, napa 'oh s**t' ako ng maalala ko ang sinabi niyang first day of school na naman.
"WHAT? " napamulat ako ng biglaan. Tumingin naman ako sa side table ko at..
TING TING TING.. 7:10am.Patay ako nito Piste! Sa tanang buhay ko mukhang ngayon lang ako malalate ng ganito at sa college pa mangyayari, ni minsan kasi ay hindi pa ako nalate sa first day of class kahit na may sakit ako o masama ang pakiramdam ko.
"Oh ano ka ngayon, nahimasmasan ka na ba 'ha? Haha." pang aasar niya pa sakin sa kabilang linya. "Oo bes tama ang dinig mo kaya mag asikaso ka na hahaha, yari ka sa professor natin mataray pa naman daw yon!" pananakot na sabi niya pa sakin, napataas naman ang kilay ko. Sus imposibleng umangal ang professor ko sakin hahaha.Teka nga mabait nga pala ako tsk!
"Sige na. I hang up this call kitakits na lang." walang ganang sabi ko sabay pindot ko sa end button.Alam ko kasing makikipag chikahan pa yon e, kaya inendcall ko na agad yung tawag niya.Tumayo na ako kahit na ang bigat bigat ng katawan ko ngayon.Kumuha muna ako sa mini fridge ko ng tubig at nagsalin, matapos akong uminom ng tubig ay dumeretso na ako sa banyo para mag-asikaso. And after a years choss.Bihis Uniform √, Polbo √ ,Eye glasses √.Syempre hindi mawawala yan. Hindi naman sa malabo ang mga mata ko, basta trip ko lang magpaka nerd look sa loob ng campus.Pakialam ba nila kung ganito itsura ko, I have a reason kung bakit ganyan ang look ko tsk!
Aww, nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si 'Eliza Caitlin Angeles' labing-walong taong gulang, second year college taking Bachelor of Science and Business Administration sa Royalty University, 5'5 ang taas at higit sa lahat nerd girl, basta lahat ng M nasa akin na isipin niyo na lang hehe.Bumaba na ako at hinanap si manang Gina siya kasi ang mayordoma at katiwala ko dito sa mansyon, siya na din ang nag-aalaga sakin sa ngayon dahil wala na ang mga parents ko four months ago dahil sa isang aksidente.Pangalawang ina ko na siya kumbaga hindi na din kasi siya iba para sakin at sa pamilya ko, siya din ang yaya namin ni kuya Clifford.Simula nung mawala daw si kuya noon ang kwento niya sakin lagi na lang daw siyang umiiyak.Masyado siyang naapektuhan sa nangyari sa nakakatandang kapatid ko ikaw ba naman kasi ang mawalan ng alaga hindi ka ba malulungkot?Parang anak na kasi ang turing niya kay kuya Clifford, kaya ayan tumandang dalaga na si manang hindi na nag asawa dahil samin ng kapatid ko at ng mga magulang ko.
"Manang Gina." malakas na tawag ko habang bumababa ako ng hagdan.
"O hija tinanghali ka yata?" bungad na sabi ni manang na halatang nagulat pa ng makita akong tinanghali na ng gising. Actually maaga kasi talaga akong nagigising e. Depende na lang kung sobrang pagod ako.
"Ah..eh. Oo nga po manang napagod lang po siguro ako kahapon sa pagmamall." ngiting sabi ko sa kanya. Ngunit ang totoo ay napagod talaga ako sa pakikipag rambulan sa underground kagabi.
"Ganun ba hija?" nagdududang sagot ni manang sakin. "Pero napano naman yang pisngi mo at may pasa ka yata?" tanong ni manang sakin.
Patay! Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Nasuntok kasi ako sa pisngi kagabi ng kalaban ko sa underground e kaya nga badtrip na badtrip ako kagabi. Palusot.com na naman ako nito kay manang. Piste!
"Ah..ehh. Ito ba manang?" hawak ko sa pisngi ko. "Wala lang to manang nasubsob lang ako kahapon hehe." Palusot ko sa kanya. 'Sana maniwala si manang sa allyby ko'
"Ah mukha ngang nadapa ka kaya ka meron niyan,, O'sya halika na't mag almusal ka na muna bago ka pumasok." Sabi ni manang sakin. Alam kong hindi siya naniniwala sa allyby ko sa kanya. Alam naman kasi nilang lahat dito na isa akong mafia. Pagod na siguro si manang kakasermon sakin kaya hindi niya na ako inusisa pa.
"Sa university na lang po ako kakain manang, late na po kasi ako e." pagpapaalam ko kay manang.
Umiiwas lang talaga ako sa kanya alam ko kasing sesermunan ako ni manang e sanay na ko sa kanya haha.
"Ah ganon ba sige mag iingat ka hija." seryosong sabi ni manang.
Alam kong nag aalala lang siya sakin dahil sa pasa na nakita niya sa mukha ko.
"Sige po manang gina pasok na po ako." simpleng sabi ko na lang sa kanya at naglakad na palabas ng mansyon.
Pagkalabas ko ng mansyon agad akong pumunta sa garahe at sumakay na agad ako sa sasakyan kong sports car at pinaharurot ko na ito. Nang makarating na ako ng University ay agad kong ipinark ang baby ko sa private parking lot ng University. Pinasadya ko talagang ipagawa ito para walang makakita at makaalam na ako ang nag mamay-ari ng University na ito. Yeah! Ako nga ang owner ng University na pinapasukan ko, ang galing no? Actually sa father's side ko ang may ari nito pero nong mawala sila, sakin na ipinangalan ang lahat ng mga pag-aari nila. Nandito na pala ako sa hallway, halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil nga late na ko ng limang minuto sa first class ko pero dahil sa sobrang pagmamadali ko..BOOGSH*..
'Aww ang saket ng pwet ko! s**t' May nakabangga sakin kaya natumba ako. Ay hindi pala may humarang pala sa tinatakbuhan ko. Lintik naman oh! Ang tigas naman ng pader na ito huhu ang sakit tuloy ng pwet ko. Sino ba tong hinayupak na to?
"Hey." tawag sakin ng bwesit na haharang-harang na to tsk!, pero pagka-angat ko ng ulo ko.
'Watdapak! ang gwapo naman nito shems. Ito na ba ang destiny ko? Charot lang dahil hindi ko siya type.'
"Hey. Are you ok? Your nose is bleeding?" nag-aalalang sabi niya sakin. At ano yung sabi niya nosebleeding daw ako. Manonose bleed talaga ako dito dahil sa kaka-english niya. Piste! Kinapa ko naman ang ilong ko at may malapot na likido ang dumadaloy sa butas ng ilong ko. Pagkababa ng kamay ko dugo nga.
Omg! Nanosebleed ako sa kaka-english niya. Hindi naman ako takot sa dugo e nabigla lang ako tsk!, mas gusto ko pa ngang nakakakita ng dugo.
"Hey, are you ok?" tanong niya ulit sakin.
Ang kulit ng kumag na to bwesit kaya nanose-bleed ako dahil sa kanya e, kaka english niya.
"Sa tingin mo ok lang ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating shunga. Bakit kasi haharang-harang ka sa dinaraanan ko." cold na sabi ko sa kanya at tinitigan ko siya. Halatang nagulat siya sa inasta ko at napataas na lang siya ng kilay niya. Kinuha ko naman sa bag ko yong tissue ko na dala-dala para punasan yung dugo sa ilong ko.
"Hoy, hoy, hoy. Ikaw babaeng nerd ka ang tapang mo ah, ikaw na nga ang nakabunggo sakin ikaw pa ang galit. Wow naman! At wag mo kong matitigan ng ganyan ok. Ikaw ang tanga dahil hindi mo tinitingnan ang dinaraanan mo kung may tao ba o wala." sigaw niya sakin bigla kaya ako ang mas nagulat. Aba't gago to ah. Anong karapatan niya para sigaw-sigawan lang ako. Yong mga magulang ko nga nong nabubuhay pa sila ay hindi ako nasigawan ni minsan e. Marunong naman pala siyang mag tagalog dinaan pa ako sa pagiging richkid. Paenglish-english pa akala mo naman gwapo? Totoo namang gwapo siya diba? Bwesit na utak 'to nakikisabay pa sa galit ko. Naku! Naku talaga.
"Aba't bwesit ka rin e 'no, kung hindi ka sana humarang sa daraanan ko edi sana hindi kita nabunggo tanga." sigaw ko din sa kanya. Nakakapang-init ng ulo tong bwesit na lalaking to. Tumingin naman ako sa paligid ko at lahat ng istudyante ay nasa amin na ang atensyon.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e basta chismisan nandyan sila palagi nakaantabay lang.
"Hala! Yari si nerdy girl, ngayon lang may sumagot ng ganyan sa kanya."
"Oo nga yari talaga siya,"
"True, leader pa naman ng Royalty Badboys ang binangga niya at ang malala sinigawan niya pa."
"At ang campus king pa kamo."
Huh? Ano daw sabi ng mga froglets na to? Leader ng Royalty Badboys at Campus King pa itong nasa harapan ko. Wow na wow, e ano naman ngayon sakin kung sikat siya dito. Well isa lang ang masasabi ko dun. 'WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO MAN TONG HINAYUPAK NA 'TO?' Hindi ko na lang pinakinggan yung bulong bulungan ng nasa paligid ko at tumingin ulit ako sa lalaking nakabunggo ko.
"At ako pa ngayon ang may kasalanan? Wow.. ang galing mo naman. Imbes na ikaw ang tatanga-tanga dyan na hindi tumitingin sa dinaraanan mo kung may tao ba o wala sa harapan mo." sigaw niya pa ulit sakin.
Nakakailan na tong sigaw sa mukha ko ah. Hindi niya ba alam na tumatalsik ang laway niya sa mukha ko. Tumataas talaga ang pressure ng dugo ko sa sinasabi nitong lalaking to.
May mens ba to? Nakakainis na talaga.
"Oo ikaw ang may kasalanan at wala akong pakialam kung ikaw pa ang leader kuno o campus king dito sa University na to sabi nila-.." sabay turo ko dun sa mga babae na nagbubulungan ba yun o sigawan na. Dinig na dinig ko kasi e. "Kahit na kinakatakutan ka nilang lahat dito o peymus kapa. Isa lang ang masasabi ko don ok. WA-LA A-KONG PA-KI-A-LAM gets mo hindi ako natatakot sa isang katulad mo." mataray kong sabi sa kanya habang nakataas ang kilay. Tumayo na ko at pinapagpag yong uniform ko na nadumihan dahil sa pagkaka-upo ko.
"O my god.. she's damn creepy.."
"Pa'no niya naaatim na sigaw sigawan ang campus king natin?"
"I'm sure may panibago na namang ibubully ang RB."
"Look she's so ugly and she's a trash nerd" wow huh? Panget pala ako e ano pa siya? Lintik din tong babae na to kung makapanglait e.
"Dapat dyan pinapaalis na dito sa university e.."
"She's not belong here.."
Hindi ko na pinakinggan yong mga sasabihin ng mga chismosang mga palaka dito. Tumingin ulit ako sa lalaking nakabangga sakin. Bakit ba kasi pakalat-kalat siya sa campus e oras na ng class?
"Ayos ka din 'no? Hindi mo ba narinig yong mga sinabi nila? Ang tapang mo naman para kalabanin ang isang katulad ko hindi mo ba ako kilala ha nerdy?" ngising tanong niya na nakataas din ang kilay. Ano ba to bakla hahaha? Alam kong naasar siya sa mga sinabi ko. Pikon pala tong lalaking 'to e.
"Tsk." yan na lang ang lumabas sa bibig ko habang naka crossarms. Nagulat ako ng lumapit siya sakin kaya napaatras naman ako ng isang hakbang. Akala ko kung ano na ang gagawin niya sakin yun pala bubulungan niya lang pala ako.
Nako kung iba ang ginawa niya babasagin ko talaga ang p*********i niya. 'Pero wala namang ginawa wag kang mag imagine Eliza' Lintik na utak talaga to. Nakikisabay pa sa pagkabadtrip ko.
"Matapang ka nerdy girl ha, yan ang gusto ko sa isang babae palaban. Gusto mo ba ng laro? I'll give you what you want haha." yan yung ibinulong niya sakin.
Natatakot naman ako sa sinabi niya haha. Akala niya ba matatakot niya ko sa sinabi niya. Pagkatapos niya akong bulungan, tumingin siya sa mga mata ko at ngumisi saka siya tumalikod at nagsimula ng maglakad papalayo sakin pero hindi pa siya nakakalayo sakin ng sumigaw ako at dinig na dinig sa buong hallway ang boses ko. Hindi sa nagmamayabang ako ayoko lang talaga sa lahat ay ang tinatapakan ang kahinaan ko. Porket ba babae ako at mukhang nerd ay kaya na niyang alipustahin. Tsk ibahin niya ko sa ibang babae.
"Game. Don't you dare to start a play with me young man you didn't know who i am and what can i do. Don't worry 'cause i'll gonna bring you first to my hell place." sigaw ko sa kanya. Wala na kong pakialam sa mga nakakarinig ng mga sinasabi ko. Basta ang alam ko lang badtrip ako, sobrang badtrip na badtrip.
Nakakairita na kasi siya. Bwesit first day ng pasukan may kaaway na naman ako.
"Sure nerdy girl." sigaw niya sabay ngisi.
Ikinumpas niya naman ang isang kamay niya sa ere habang naglalakad palayo.
Nababadtrip na talaga ako sa kanya first day na first day badtrip na ako. Piste talaga?! Nang maayos ko na ang sarili ko ay tumalikod na ako at nagsimula ring maglakad paalis sa lugar na yon. Tumingin naman ako sa wrist watch ko at ang ending ayy. Patay 8:30am na pala kaya nanlumo akong bigla at bumagsak ang dalawang balikat ko. Hays. Total late na rin naman ako sa first class ko mas mabuti pang sa cafeteria na ako tumuloy para kumain. Hindi pa ako nag aalmusal e, kaya siguro mainit ang ulo ko ngayon.
Pagpasok ko ng cafeteria. Nagtataka ako kung bakit nasa akin ang atensyon nilang lahat. Ano bang meron sa mukha ko? Bakit ganon silang makatingin sakin, may dumi ba ang mukha ko? Hays ewan. Makapunta na nga sa counter.
"Girls 'di ba yan yung kaaway ni Prince Dharenz kanina sa hallway?"
"Oo siya nga yun girl. Yari siya dun iba pa naman yun magalit."
"Si Prince Dharenz pa ba? E campus king yun hindi niya pa siguro kilala yun, pero hindi naman siya transferre dito diba?"
"Baliw si nerdy haha, at ang nakakaloka pa dun nakipag dare pa daw kay Prince Dharenz yan haha."
Jusko! Bulong ba yun o sadyang pinaririnig nila sakin tsk. Hindi ako natatakot sa kumag na yun kung alam niyo lang. Ano siya batas dito sa University? Psh, nakakatawa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa counter para umorder.
"French fries, spagetti at pineapple juice nga ate." sabi ko sa babae na nasa counter.
Ikakain ko na lang tong badtrip ko.
After kong makabili ng pagkain. Pumunta na ako sa vacant table malapit sa glass wall favorite spot ko kasi dito dahil kitang kita kasi mula dito ang napaka lawak na game field. Matapos ang kalahating oras napatingin ako wrist watch ko. Second subject na pala?Natapos na din akong kumain nagutom ako bigla dahil sa lalaki na yun tsk! At naalala kong hindi rin pala ako nag almusal kanina sa mansyon. Hays bwesit na buhay to oh'oh. Tumayo na ako at inayos yung uniform ko. Kinuha ko na yung bag ko at naglakad na ako palabas sa cafeteria.
Pagpasok ko sa classroom wala pang professor kaya dumeretso na agad ako sa upuan ko nandun na yung anim na bestfriends ko classmates ko kasi sila.
Mga bwesit tong mga to e kasi naman lumipat sila sa building course ko para makasama lang ako kahit ayaw nila yong course na kinuha nila.
"Nangyari bes bakit hindi ka pumasok ng first subject? Sa tinagal-tagal ng buong pag-aaral natin, ngayon ka lang hindi nakapasok ng first subject at sa college level pa?" mataray na tanong ni Mitch sakin pagkaupo ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay, akala nga namin hindi ka na papasok e?" singit naman ni Kyla.
"Eh kasi may nangyari na nakakabwesit." nanggigigil na sabi ko habang salubong pa rin ang kilay ko. Nagulat naman sila sa inasta ko, e sa nakakabwesit naman talaga yong lalaki na yon e.
"Ano naman kaya yung nakakabwesit na yun?" tanong ni mitch habang nagdodrawing. Hindi ko na siya sinagot. Bumuntong hininga na lang ako at kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kanina.
"WHAT?" reaksyon nung lima pwera lang kay Jenny.
"Hindi mo ba alam na siya ang leader ng Royalty Badboys at campus king sa university na to, hindi ka na yata updated ngayon?" nagtatakang sabi ni Kyla sakin. Kung alam mo lang na alam ko na ang tungkol don. Hays!
"Wala akong PAKIALAM sa kanya kahit na siya pa ang presidente ng pilipinas. Wala akong pakialam." walang emosyon kung sabi. Wala naman talaga akong pakialam don e. Ayts Piste. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay e kaya nga nagpaka nerd ako e, pero bakit hindi ako nilulubayan ng malas. Lintik talaga!
Ok lang naman sakin na ibully ako dahil sanay naman na ako don, pero wag lang sosobra at below to the belt na dahil may limitasyon ang pasensya ko baka kasi hindi ako makapag timpi at makapatay ako ng wala sa oras.
Sa wakas dumating na din yung professor namin. Hindi na ulit sila nang usisa pa.
DISCUSS'
DISCUSS'
DISCUSS'
Lumipas ang ilang oras bago matapos ang buong class ng iba't ibang professor na walang ginawa kundi ang mag attendance lang naman at bukas na lang daw magpapakilala isa-isa.
BELL RING..
(Uwian Na)
Yepey..
Makakapagpagpahinga na din ako sa wakas at makakauwi na ko. Hindi pa rin kasi ako masyadong nakakatulog dahil sa pakikipag rambol namin kagabi sa underground. Inayos ko na muna ang mga gamit ko at tumayo na.
"Mga bes need ko na umuwi may importante kasi akong pupuntahan." seryosong sabi ko sa kanila kaya nagulat sila pero ang totoo nyan wala naman talaga akong pupuntahan ngayon. Gusto ko lang na maagang makauwi para makapagpahinga dahil inaantok pa kasi talaga ako.
"Hindi ka ba sasama magshopping E?" Gulat naman akong napatingin sa kay Jenny. Himala magshopping si Jenny kaya nagulat ako sa kanya, minsan lang mag-yaya at magsalita yan pero ang kaso pagod ako hmp.
"Hindi. Next time na lang may importante talaga akong pupuntahan ngayon Jen e." seryosong sabi ko habang inaayos ko yong mga gamit ko.
"Punta kami sa mansyon mo mamaya after ng shopping namin." suhestyon ni Kyla.
'Naku mambubulabog lang kayo dun'
"Madaling araw pako uuwi e." palusot.com ko hahaha sana effective.
"Ah ganun ba sige next time na nga lang." sabi ni Kyla habang nakanguso.
"Babawi ako sa susunod ok, sige una na ko sa inyo ingat kayo sa pag uwi." sabi ko sa kanila.
"Sige ikaw din." sabi nilang lima at tumango lang si Jenny kaya naman tinanguan ko na lang din siya. Lumabas na ako ng classroom at nagsimula na maglakad pero habang naglalakad ako papuntang parking lot. Pakiramdam ko ay parang may sumusunod sakin.
→_→ tingin sa kanan..
←_← tingin sa kaliwa..
Wala namang tao baka guni-guni ko lang siguro yon dahil inaantok pa ko. Sumakay na ko sa baby ko at pinaharurot na ito.
"Good evening madam." bati ng mga katulong sakin pagkapasok ko ng mansyon.
"Good evening din sa inyo." balik na bati ko din sa kanila. Tumingin ako sa isang maid habang nakabow sila sakin. "Ate sandra." tawag ko sa isang maid at tumingin naman ito sakin.
"Yes po madam." sabi niya habang nakayuko pa din.
"Pakisabi naman kay manang na wag muna akong gigisingin. Mamaya na lang din ako kakain pag nagutom ako ha medyo pagod lang kasi ako ngayon." sabi ko sa maid.
"Masusunod po madam." sagot niya sakin.
"Sige na kayo na lang muna ang kumain ng dinner na inihanda niyo para sakin. Alam ko naman na ipapagtabi ako ni manang ng pagkain e. Tawagin niyo na rin yong driver at paki dalhan na lang ng pagkain yong mga security guards at wag niyo rin papabayaan ang mga sarili niyo ok." sabi ko at lumakad na paakyat sa taas. Hindi pa man ako nakakaakyat ng hagdan ng narinig ko yong sinabi ng mga katulong.
"MARAMING SALAMAT PO MADAM." sabay-sabay nilang pagkakasabi. Huminto naman muna ako at humarap sa kanila.
"Wala yon, sige na kumain na kayo magpapahinga na muna ako." sabi ko at umakyat na sa taas.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay isinabit ko kaagad yong bag ko at dumeretso na sa banyo para mag half bath. Pagkatapos ko maghalf-bath ay nagbihis agad ako at dumeretso sa kama ko. Ilang minuto lang ng mahiga ako ay dinalaw na ko ng antok sa sobrang puyat at pagod.