Chapter Twenty-seven Kina’s P.O.V. WALA akong pinagsisisihan sa mga ginawa at nasabi ko kay Blue, kay Clare, at sa pamilya niya. Mas gusto ko nga ito, eh,’yong nagkakagulo sila.Ang saya-saya ko pa na ako ang kinakampihan ng mommyni Clare kaysa sa sarili niyang anak.Brilliant! Nandito ako ngayon sa bahay ni Jaeo. Hinihintay ko si Clare na lumabas sa kwarto niya. Nalaman ko kasi na nandito rin siya. Pero hindi ako pumunta rito upang humingi ng tawad. Pumunta ako rito para ipamukha sa kanya at ikuwentoangbawat detalye ng paggawa namin ng magiging tagapagmana ng Clifford at Shin, na siyempre, gawa-gawa ko lang. Hindi ako buntis at hinding-hindi ako magpapabuntis. Habang hindi pa nagigising sa Blue sa katotohanan na wala siyang kawala sa akin,hindi ako puwedeng mabuntis, ’no. Mapapahiya an

