Chapter Twenty-six PUMALAKPAK si Kina dahilan para lumipat ang tingin ko sa kanya.“Wow! Wow naman. Nagpapaka-hero ka na naman, Blue,” sabi niya at sakatumawa uli. Nababaliw na siya. “Ano ba’ng sinasabi mo?” iritang tanong ni Blue habang tinutulungan niya akong makatayo. “Ano?! Ano’ng sinasabi ko,ha?!”Tumawa siya nang malakas.“Huwag ka na ngang magmaang-maangan! Alam ko na alam mo ang sinasabi ko!” Napakunot-noo ako roon.Ano’ng ibig niyang sabihin? “Tumigil ka nga, Kina! Lasing ka. Umalis ka na rito,”pag-awat ni Blue. Nasa tabi ko siya andI suddenly feltsafe. “Oo! Lasing ako, pero hindi ako tatanga-tanga katulad ng babaeng ’yan!” Bigla namang umitim ang awra ni Blue dahil sa pagduro sa akin ni Kina.“A-Ano ba’ng pinagsasasabi mo, Kina?”mariin na niyang tanong. Pero bakit parang nau

