Chapter Six SUMUNOD na ako kay Blue sa loob ng Coffeephany. Nagpa-reserve na pala siya ng seats kanina bago pa niyasabihin sa akin nasabay kaming magla-lunch. Paano na lang pala kung hindi ako pumayag? Ika-cancel niya‘tapos, magbabayad siya ng penalty? Why would he do that na parang sigurado siya na lagi akong sasama sa kanya? Hindi air-conditioned itongresturant. Open ito kaya sariwang hangin lang ang dumarampi sa aming balat. Ngunit sa kabila n’on, talagang maganda rito at nakaka-relax. Maya-maya, nilapitan kami ng waiter at binigyan ng tig-isang menu. Agad ko naman itong tiningnan. “I’ll go with the Buttered Shrimp and rice. Babe, what’s yours?” Gulat na napatingin ako sa kanya.“Ha? Ha-avocado . . . c-cake,”natatarantang sagot ko at saka nahihiyang ngumiti. Ilang sandali pa, napa

