Chapter Five

1522 Words
Chapter Five NAGISING ako sa alarm ng cell phone ko. Alas-sais na ng umaga at kailangan ko nang mag-ready para sa pasok namin ni Irvin na alas-otso. Relax lang akong kumilos dahil pagligo, pagbihis, at pagsuklay lang naman ang tipikal kong ginagawa. ’Di ako katulad ng ibang mga babae na nagla-light makeup pa. At habang nagbibihis na ako, biglang umilaw ang aking cell phone.Isang message na naman ang natanggap ko. From: Mister Feeler Good morning, sunshine! Wakey, wakey! I followed you yesterday so don’t think about how did I reach your house. ❤   Anong kalapastanganan ang pag-send niya ng heart emoticon sa akin?! Nakakunot-noo akong nagpatuloysa pagbibihis. Long sleeves at paldang below the knee uli ang isinuot ko. Tinernuhan ko ang mga ito ng cute na flats. Pagkatapos, isinuot ko na ang salamin ko, nagsuklay, at . . . voila! Tapos na! Bumaba na ako para kumain ng agahan. Nadatnan kong kumakain na sa dining tablesi Irvin kaya naman agad na akong umupo sa puwesto ko at kumuha ng isang pancake at dalawang hot dogs. Habang kumakain, tumingin ako sa relo ko at nakitang 7:20 na pala. Ang bilis ng oras!Agad kong tinapos ang pagkain ko dahil ayaw kong ma-late nang sobra. “Hoy, bebe boy na matakaw. Bilisan mo na!Male-late na tayo!” sigaw ko bago lumabas ng bahay para pumasok na sa kotse. “Ate naman!”narinig kong pagmamaktol naman ng kapatid ko. Ayaw niya kasing tinatawag na‘bebe boy’ dahil binata na rawsiya. Padabog naisinara ni Irvin ang pinto ng kotse nangmakapasok siya. Natatawang binuksan ko naman ang makina ng sasakyan at nagsimula nang mag-drive. ------------- NAGLALAKAD na ako papunta saclassroom namin nang makita ko si ‘Blue the Monster.’Naka-loose white shirt, jeans,atTimberland shoes lang naman siya, pero bakit ang pogi niyang tingnan? Hanggang sa nagtama ang tingin namin kayaagad akong nag-iwas ng tingin. Wrong move, Evi. Nahalata ka lalo sa pag-iwas mo!Hays,tanga-tanga as always, Evi.  Agad naman niya akong nilapitan at hinila papasok sa isang bakanteng classroom. “What are you freakin’ doing?!”sigaw ko sa kanya at nagpumilit na makawala mula sa kanyang pagkakahawak. “I just wanna see you,”sabi niya at sakahumalakhak. Damn. He’s crazy. “Okay?Puwede na ba akong umalis?” tanong ko habang nagpupumiglas. “Hmm . . .no.” “Ano ba?! Can you please let me go?!” Sumigaw na ako para may makarinig. And hell yeah! Salamat! Meron nga! “She said, let her go, dude. . . .”mariingsabi ng pamilyar na boses. Oh my goodness si . . . . . . Sir Jaeo. “Eh, kung ayaw ko? Puwede ba, ’wag kang makialam? This is my effin’ business. Not yours. So get out of here,”ani Blue, at umalis nga si Sir kahit labag sa loob niya. Na-feel siguro niya na magkakagulo lang’pagnagpumilit pa siya. But why do I feel like there’s a heavy tension already between the two? Napansin ko kasi na parang naging tigre talaga ang maamo nilang mukha nang magkaharap sila.I doubt na dahil’yon sa akin. At ano ba’ng kailangan sa ’kin nitong lalaking’to? Ano’ng ginawa ko sa kanya? “Why aren’t you responding to my texts?” biglang sabi niya.Ramdam ko ang kanyang galit. Hah! Got you, little bunny. “Huh? What texts?”pagmamaang-maangan ko. “Ugh! Nevermind. . . .”  sabi niya sabay iwas ng tingin sa ’kin. “Blue. . . .” mariing pagtawag ko sa pangalan niya. Sa isang iglap, bigla namang namilog ang mga mata niya naparang gulat na gulat sa ginawako.Napaka-big deal naman yata para sa kanya n’on? Mabilis nanawala ang panlalaki ng mga mata niya nang mapatingin siya sa mga labi ko. Unti-unti rin siyang lumapit sa akin at sa huli . . .naramdaman ko na lang na dumampi ang malalambot niyang mga labi sa akin. Halos magwala tuloy ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrangbilis talaga ng t***k nito. Parang may kung ano rin sa tiyan ko na nakakikiliti. Don’t tell me . . . the f*******n butterflies are here again? Ano nga ba itong nararamdaman ko? Normal pa ba’to? Should I consult our doctor about this? Nang natauhan ako ayagad akong kumalas sa halik. Oh my gosh,we just kissed. He didn’t force me, andI honestly liked every second of it—shut up, Evi! Tumakbo na ako palabas ng room at nagtungo sa klase ko. Saktong pagpasok ko naman, second class na namin. Parang ang bilis ng oras kapag kasama ko ang Blue jerk na’yon. ---------- MATH time na namin. Isang oras na naman ng pagdurusa. Nag-umpisa na sa pagsusulatng formulas and equations ang professor namin habang ang lahat naman ay tahimik na nakatingin sa harap.Ako, tahimik lang din atipinapakita na talagang nakikinig; with matchingtango pa nga atpagsasabi ng, “Ah, ganoon pala’yon” kahit antok na antok na. Maya-maya, nag-vibrate ang cell phone ko. Agad ko naman itong tiningnan para pampawala na rin ng antok. From: Mister Feeler Sabay tayong mag-lunch,okay? Will pick you up at your room after class.   Ang tapang niya, ah?Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin ‘tapos siya,kaya niyang mag-lunch kami together? Oh gosh.Is this considered as a date? Oh, shut up, Evi. It’s just a freakin’ lunch.   At makalipas ang ilang discussion, natapos na ang klase namin.Nagmamadali namang nagsilabas ang mga kaklase kong babae sa ‘di ko malamang dahilan. Napagtanto ko na lang no’ng sumilip ako. Naghihintay na pala sa labas ng room si Blue. Nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko nang bahagya siyang ngumiti. Ano pa ba’ng aasahan ko sa nilalang na’to? Campus prince siya. Elite. Again, almost perfect. Medyo tinagalan ko na lang ang pagliligpit ng mga gamit ko.’Di ko naman kasi kayang ma-bash sa kadahilanangkasama ko ang ‘prince’ nila. Nang magsialis na ang ibang mga estudyante,noon lang ako lumabas.Naglakad ako nang mabilis at hindi man lang siya tiningnan. Pero sa huli, nahabol niya pa rin ako hanggang sa hindi na ako nakagalaw. Tiningnan ko na siya at nginitian naman niya ako.Dahil doon, biglang nagkaroon ng malakas na boltahe ang katawan ko. Nandito na naman ang mga paruparong pilit kong itinataboy sa sistema ko. “Staring is rude, Evi. Punasan mo nga ’yang laway mo. Eww,”biglang sabi niya. Pinunasan ko naman ito pero wala naman. Hay. Naloko na naman niya ako.Hanggang sa nakita ko na lang na humahagalpak nasiya sa katatawa dahil sa ginawa ko. Ang yabang niya talaga! -------------------- KASALUKUYAN na kaming naglalakad ni Blue papunta sa parking lot. Saan nga ba uli kami pupunta? Ah,magla-lunch nga pala kami. Kakain lang kami nang magkasama. Nang makalapit na kami sa sasakyan niya, basta na lang siyang pumasok sa driver’s seat. He’s so ungentleman;and funny how I’ve expected  him to open a car door for me. Pathetic. “Put your seat belt on,” sabi niya nang makasakay naman ako sa passenger seat. Perohindi ko siya pinansin, hanggang sanagulat na lang ako nang siya na ang nagkabit nito sa akin.Nanigas na lang din ako sa kinauupuan ko. I really didn’t see that coming. Maya-maya, habang binubuksan ni Blue ang makina ay nakita kong may mga tao mula sa labas ng sasakyan na mganagbubulungan.Malamang ay pinag-uusapan na nila kami. Well, nakakapagtaka naman talaga. Ang isang hamak na ‘nobody’ ay kasama ang ‘pinakasikat’ na tao sa campus. Panigurado, mas dadamiang bashers ko bukas. Kasalanan mo’toBlue, eh! ---------- “SAANba tayo pupunta?”tanong ko habang nagda-drive si Blue. “Secret. Ma-curious ka muna,” seryosong sagot niya dahilan para mapairap na lang ako at tingnan siya nang masama dahil sa inis. Nakita ko pang kinagat niya ang kanyang ibabang labi. “Like what I’ve said earlier,staring is rude, Evi.” Iba talaga kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Sa isang iglap, bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko. “Uhm . . .hanggang 5PM lang ako, Blue, ah?And it’s already 2:30,”sabi ko na lang para mapakalma ko na ang puso ko. Ilang segundo naman ang lumipas bago siya nagsalita. “We still have more time to spend. Don’t rush. Savor the moment, hon.” Ugh! My . . .heart! Feeling ko, nasa isang racing event ang puso ko. Napasama yata ang pagsasalita ko. Damn you, Blue! Ano’ng ginagawa mo sa ’kin?! ---- ALAS-TRES na nang makarating kami sa Coffeephany. Agad kong tiningnan mula sa loob ng kotse ang loob naman ng coffee shop and restaurant at nakita kong halos magkakasintahan ang nandoon. Now, my heart is throbbing. Blueturned off the car’s engine. Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. “E-Evi, I know that we’re doing this courtship faster than the usual, but like Marcos, be my girl now and I’ll court you forever.” Natulala ako. Ha?Hindi talaga ma-absorb ng utak ko ang sinabi niya. Hanggang sa unti-unti na naman niyang idinikit ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung hahalikan na naman ba niya ako o ano pero ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagkatapos, pigil ang hiningang napadilat din ako nang marinig kong nakalas na niya ang seat belt ko at na-unlock na ang pintuan ng passenger seat. Ngunit bago siya lumayo mula sa akin, idinikit niya ang kanyang mga labi sa may tainga ko. “You’re now mine,”bulong niya at tuluyan nang lumabas. Agad naman akong tumingin sa bintana at iniuntognang bahagya ang ulo ko sa salamin. I silently cussedfor getting carried away with what he had done. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakabawi sa nangyayari. Akma ko na sanang hahawakan ang pinto para bumaba nang bigla naman itong bumukas. Pag-angat ko ng tingin, it was Blue who opened the door.  It feelsso magical now. My heart isbeating wilder. Walang kahit anong gesture talaga ang makatatalo sa pagiging gentleman.Can I consider him now one of those guys who has a good heart? Can he be an exception to my no-to-jerk rule in my life?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD