Chapter Nineteen Clare’s P.O.V. NAUBOS na ang tissue ko pero hindi pa rin maubos-ubos ang mga luha at sipon ko. How dare someone like me to assume that he will always say yes to everything that I’ll ask?Eh, ako nga pala ang pumilit sa kanya na tigilan ang kung anong relasyon ang meron kami. Ugh!Ba’t ba kasi ang rupok mo, Clare?! Pabago-bago ka ng damdamin! ’Tapos ngayon, iiyak-iyak ka! Napahagulgol na naman ako. Ayaw ko siyang mapalapit nang sobra sa akin, pero ayaw ko rin siyangmalayo sa akin?I like him. Pero alam ko, hindi ko siya mahal. Hindi pa. Hay, what kind of heart do I have? Napakagulo talaga! Itatapon ko na sana sa ang mga tissue nang biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. It’s Jaeo. “Hello?” sabay singhot

