Chapter Twenty Blue’s P.O.V. ANG ganda niya. Ah, hindi . . . sobrang ganda niya. Para siyang isang dyosa na nahulog mula sa langit. And I know she’s destined for me. Ang datingstraight at mahabang buhok ni Evi, ngayon ay katamtaman na lang at may kulot sa dulo. Ang mga kilay niya na dati ay walang direksyon, ngayon ay mas malinis pa sa inaakala ko.Ang pananamit niya na dating hanggang ilalim ng tuhod at maaliwalas sa paningin, ngayo’y kitang-kita ang kanyang magandang kutis. Ang kanyang ilong ay lalong na-highlight ang pagka-pointed nito sa ‘di ko malamang dahilan. “You changed.” Ito lang ang nasabi ko sa sobrang pagkamangha ko sa kanya. “You changed me,”matipid naman niyang sagot. Nilapitan ko siya para sana mahawakan o mayakap man lang ngunit umiwasagad siya. Ang sakit pala na al

