“H-hI!” Nangunot ang noo ni Eri sa nagsalita. Nang lumingon niya ay nakita niya si Kanon na bahagyang inaayos ang takas na buhok sa tainga nito. Wala sa sariling napaatras siya. Natanaw niya ang sasakyan nilang naka-park sa kabilang banda. Hindi na siya nagpaalam at patakbong lumapit kung saan naka-park ang sasakyan. “Mom! Nandito ka na pala? Bakit dito ka nag-park?” she asked. “Kadarating ko lang, sweetie.” Nakangisi ito nang matapos siyang magmano at humalik sa pisngi nito. “Bakit nga rito po kayo nag-park?” “Ah, kala ko kasi puno na sa kabila. Kadarating ko pa lang naman.” Lumipat ang tingin nito sa hawak niyang bulaklak. “Flowers again, huh?” “Opo.” “How’s your allergies?” Biglang napalitang ng pag-alala ang tinig dahil na rin sa ayos niya. “Fine, Mom.” “No. Pupunta tayong o

