KINAKABAHAN ang Grade seven na si Eri dahil pasukan na. Buong elementarya niya kasi’y ginugol niya ang pag-aaral sa bahay at ngayon lang ulit siya papasok sa isang private school mula noong kindergarten siya. Naninibago siya dahil sa tingin niya’y napakarami ng mga mag-aaral sa Gonzales High School.
May bahagyang kumalabit sa kanya kaya natauhan siya. “Ikaw ba iyong tinatawag ni Ma’am? Pangatlong beses ka na niyang tinawag. Baka ma-absent ka,” bulong ng ka-seatmate niyang hindi pa niya gaanong kilala.
“Lambert, Naeri Shane,” ulit ng guro.
“Present!”
Bahagyang tumigil ang kanilang guro at umiling. Mukhang may gustong sabihin ngunit hindi na lamang tumuloy.
“Luzano....”
Tuluyan nang nawala atensiyon niya dahil sa sobrang kaba. Sana pala ay hindi na niya pinigilan ang kanyang mommy nang balakin nitong samahan siya sa unang araw ng klase. Ngayon tuloy ay gusto na niyang umuwi at magpa-home school na lang ulit. Naalala tuloy niya bigla ang usapan nila ng mga magulang niya.
“Hindi ka na magho-home school, Naeri Shane,” anang kanyang daddy nang kausapin niya ito tungkol sa pag-aaral niya.
“But, Daddy, I’ve been home-schooled throughout my elementary years,” katwiran niya. “Mas sanay na akong ganito. It is so convenient.”
“You have to go out on your comfort zone.”
“It’s our fault. Hinayaan ka naming masanay sa loob ng bahay. We shouldn’t have sheltered you for long,” paninisi ng kanyang mommy sa sarili.
Na-guilty siya bigla kaya siya umiling. “No, Mommy. Dad’s right. I have to go out of my comfort zone.” Biglang nagbago ang desisyon niyang pilitin ang mga magulang na i-home school na lang siya ulit. She didn’t want her parents to carry out the guilt they shouldn’t have been carrying.
Noong kindergarten kasi siya’y muntikan na siyang ma-kidnap kung hindi lang naging alerto ang guwardiya sa kanilang paaralan. Base sa pagkakatanda niya at base na rin sa imbestigasyon, may isang babae ang sumusundo sa kanya noong uwian na nila.
Ayon sa kwento ng mommy niya noong lumaki-laki na siya, sasama na sana siya sa estranghera nang pigilan sila ng school guard dahil natandaan nito na hindi niya sundo iyong babae. Kakaunti lamang silang nag-aaral sa private school na iyon at kindergarten lamang ang ino-offer na level kaya nama’y halos magkakakilala na ang mga tao roon, maging ang mga sundo ng mga bata ay pamilyar na ang mga tao roon.
Walang ibang sumusundo sa kanya noon kundi ang kanyang mga magulang lamang. Kadalasan ay alas sinco siyang nasusundo kahit alas tres y media ang labasan nila, dahil na rin sa trabaho ng mga magulang. Wala siyang yaya dahil wala pang ma-hira na katiwa-tiwala.
The doubtful security guard didn’t let go of the suspicious woman who pretended to be her guardian so she could kidnap her. He asked her questions and when she couldn’t answer him correctly, he called the police. It turned out that she was wanted for k********g and robbery.
Simula noon ay tumigil na siya sa pagpasok sa eskwelahan at pinag-homeschool na ng mga magulang. Her mom quitted her job as a bank manager, so she’d focus on her. Though, her mom had online jobs, those only lasted for four to five hours a day, graveyard shift.
“Hi, ako nga pala si Mercedita Niña, but you can call me ‘Mercy’ or ‘Niña’. Medyo mahaba kasi ang pangalan ko, ‘no?” pakilala sa kanya ng kanyang seatmate. Ito rin ang babaeng pumukaw sa atensiyon niya sa klase kanina.
Break time na nila ngayon at may baon siyang snacks pero hindi niya kinain. Busog pa kasi siya sa isang buong chocolate bar na kinain niya kanina bago magsimula ang klase.
“I’m Naeri Shane, ‘Eri’ na lang.” Ngumiti siya ngunit hindi siya sigurado kung natural ba ang pagkakangiti niya. Ngayon lang siya magkakaroon ng kaibigan kung sakali. May mga nakalaro naman siya noon pero lumipat na ng siyudad para roon ipagpatuloy ang pag-aaral.
“Tabingi ang ngiti mo,” pansin nito.
Nabura ang ngiti sa kanyang labi.
“Huwag kang ma-offend, a! Napansin ko lang kasi,” she defended.
Prangka rin ang isang ‘to.
“Kanina ko pa napapansin.... kinakabahan ka ba?”
Napalunok siya. Was she that obvious?
She awkwardly nodded.
“‘Uy, huwag kang mailang! Magka-seatmate pa naman tayo.”
She smiled again. Pilit nga lang. Not that she’s being plastic. She just didn’t know how to respond. Should she just have researched first on how to make friends before going to the school?
“Ang cute mo naman! Pati height mo, cute!” pagpapagaan nito sa usapan.
Aray, ah? Real talk ba ‘to? Sa edad na labing-isa kasi ay nasa mas maliit siya kumpara sa mga ka-edad niya. Maputi naman ang kutis niya, halos kasimputi na ng singkamas. Ang kanyang mukha ay maliit din. Mahahaba ang mga pilik, bilugin ang mga mata, matangos ang maliit na ilong, at mapula ang manipis na labi. Ang kanyang buhok ay maiksi, hanggang batok ang haba. Mayroon din siyang full bangs. Madalas ay ang kanyang mommy ang naggugupit sa kanyang buhok mula noon dahil marunong ito.
“Gusto ko nga, ganyan, parang manyika.”
Namula siya sa papuri nito. “Ikaw rin naman, cute.” Hindi siya sanay sa ganoong pag-uusap pero magaang kausap si Mercy.
“Mamayang lunch, maglibot tayo sa campus!” yaya pa nito.
At iyon nga ang kanilang ginawa.
Malawak ang school grounds kaya halos patapos na ang lunch ay hindi pa rin sila tapos na maglibot.
“B-bukas na lang natin ituloy. Orientation lang naman bukas ng umaga,” medyo hinihingal na sambit niya.
Mercy agreed.
Nagpapasalamat siyang naging maayos ang mga unang baitang niya sa sekondarya. At nagkaroon pa kaagad siya ng kaibigan. Her parents were right, she must break the box for her to make friends, and do a lot of things.
Hanggang sa matapos ang first periodical at kuhanan na ng cards ay naging malapit sila ni Mercy.
“Kung minsan, nakakainis maging Star section, sa totoo lang,” reklamo nito.
“Ha? Bakit naman?” nag-aalalang tanong niya. May nakaaway ba ito?
“Kasi, ang taas ng expectations sa atin. Ultimo recess, nagre-review ang mga kaklase natin. Nakasasakal.”
“Sila naman iyon. Hayaan na natin.”
“Hay ‘naku, kung sanang masipag lang ako, ‘di sana, hindi mababa ang grades ko.”
“But ninety is not low!”
“It is. Ako ang isa sa lowest sa section natin.”
She couldn’t believe it. Other students were even grateful if they got seventy-five.
“Mapapagalitan ako nito.” pagmamaktol pa nito.
Ngumuso siya. Because she couldn’t blame her friend from whining. Hindi kasi katulad ng iba na basta walang bagsak ay okay na, iba ang pamilya ni Mercy. She had to be on top for her to be fully recognized. Naaawa na nga siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang ibang magawa kundi ang pakinggan ang mga sentimyento nito, at pagaanin ang loob.
She patted her shoulder lightly.
“Mapapagalitan ako.”
“Hayaan mo, babawi ka naman sa susunod. Kung pagsabiban ka, huwag mong damdamin. Gawin mong pataba iyon para mas mag-excel ka pa.” She genuinely smiled at her.
“Hindi talaga ako nagkamali na nakipagkaibigan sa iyo! You always make me feel light. I don’t regret na nagpalipat ako rito. Sa school ko kasi rati, wala akong kaibigan. Galit sila sa ‘kin kasi hindi ko deserve ang top one. I couldn’t blame them though.”
Napawi ang ngiti niya sa kalagitnaan ng mga sinabi nito. “Bakit naman?”
“Hindi ako ang gumagawa ng school projects ko noon, pati assignment.”
“Huh? Sino?”
“Iyong pinsan kong pinag-aaral ng magulang ko.”
“Bakit nagalit sa iyo kung ganoon?”
“Because I lied to them. I told them that everything was a result from my hard work. Until my cousin spoke up the truth. Ayun.”
Nakagat niya ang ibabang labi. She didn’t want the conversation about that to keep on going. Ang importante naman ay nagbago na ito. At isa pa, halatang ayaw balikan ng kaibigan niya ang alaalang iyon. “Saang school ka ba nanggaling?”
“St. Benedict Academy.”
“That’s a big school!”
“As if Gonzales isn’t.”
“But that’s way bigger than this. Doon dapat ako mag-aaral pero umatras ako.”
“Bakit naman?”
“Kasi nga, big school.”
Umiling ang kaibigan.
“Ang iba’y gustong-gustong makapasok doon pero heto tayo, lumihis.” Akmang makikipag-high five ito ngunit tumunog na ang bell. Nagmamadali silang tumakbo hanggang makarating ng classroom.
Nakahinga sila nang maluwag dahil maabutan ang Class Mayor nilang nakatayo sa harapan.
“Wala pa si Sir!” bulong ni Mercy.
In-announce ng Class Mayor na magkakaroon sila ng free time ngayong hapon dahil may importanteng bagay na inaasikaso ang Math teacher nila. Ngunit walang lumabas sa mga kaklase niya—dahil paniguradong magre-review o advance reading na naman—maliban kay Leonardo de Guzman na siyang isa sa mga may lowest grade sa klase nila. He tied his average with Mercy. Dating nasa top three ang binatilyo.
“Let’s go outside, too?” pukaw ni Mercy sa atensyon niya.
Pumayag siya.