Deal - 1
Nagbuga siya ng hangin habang abala sa pag-scroll sa cellphone. Tinititigan niya ang mga larawan nila ni Nick na pinost niya sa social media.
Three months na sila. Smooth naman ang lahat.
Sikat na varsity player si Nick sa San Miguel University. 4th year na ito sa Engineering at gagraduate na next year. Siya naman ay second year Accountancy.
Si Nick ang unang seryosong relasyon niya. The rest puro fling lang. Puro laro para hindi siya mabore habang nag-aaral.
"Aldrich is here," narinig niyang sabi ni Auntie May.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
Si Aldrich. Ang soon to be stepbrother niya.
Sa loob ng ilang buwan, magiging pamilya na sila. Magpapakasal na ang Mommy ni Aldrich at ang Daddy niya.
Hindi pa rin siya sanay.
Dahan-dahan siyang tumingin sa entrance ng restaurant. At doon niya ito nakita.
Matangkad. Naka-white polo shirt. Seryoso ang mukha na parang laging may binibilang sa isip.
Si Aldrich Lorenzo.
4th year Business Management sa San Miguel University. Star player ng football team. Winger forward. Bawat laro, puno ang bleachers. Mga babae, nakapila lang para makakuha ng tingin nito. Para makahingi ng picture. Para lang makausap ito.
At oo, dinedate nito ang pinakamagandang cheerleader. Si Selena. Campus crush. Bagay naman sila. Parehong sikat. Parehong sinasabi ng lahat na pinakagwapo at pinakamaganda sa SMU.
Pero hindi lang dahil football star si Aldrich kaya sikat ito.
Ang Papa ni Aldrich ay isang bilyonaryong negosyante. Kilala sa buong bansa ang mga Lorenzo. Real estate. Hotels. Shipping lines. At si Aldrich ang tanging tagapagmana. Narinig niya ito sa Daddy niya. Wala raw anak ang Papa ni Aldrich sa bago nitong kinakasama. Kaya lahat ng kayamanan ng mga Lorenzo, kay Aldrich mapupunta balang araw.
Hindi gaya ni Nick na puro ngiti at cheers sa court. Si Aldrich tahimik. Malamig. Yung tipong isang tingin pa lang, mapapayuko ka na.
Nagtagpo ang mga mata nila.
Walang ngiti. Walang hi. Walang kaway.
Ganon naman lagi. Simula nung unang beses silang nagkita sa engagement party ng mga magulang nila, ganon na ang hangin sa pagitan nila. Malamig. Mabigat. Parang may hindi sinasabi ang isa't isa.
Naiilang siya.
"Aldrich, dito ka umupo sa tabi ni Lian," sabi ng Daddy niya. Puno ng ngiti. Halatang masaya.
Tumango lang si Aldrich. Walang salita. Umupo sa tabi niya.
Agad niyang naamoy ang mamahalin nitong pabango nang lumapit ito. Pero mas malakas pa rin ang tensyon kaysa sa amoy nun.
"Hi," lakas-loob niyang bati.
Sinulyapan siya nito at tumango. Iyon lang.
Ganon lang ito lagi sa kanya.
Masigla naman si Auntie May dahil kasama nila ang nag-iisang anak nito. Ganon din ang Daddy niya. Masaya dahil masaya si Auntie May.
Habang kumakain, tahimik lang siya at nakikinig sa usapan ng mga magulang nila. Si Aldrich kasi hindi kikibo kung hindi mo tatanungin.
"Gusto ko lang i-announce sa inyo habang kumpleto tayo," biglang sabi ng Daddy niya nang nasa dessert na sila.
Napatingin siya sa ama. Ngumiti rin si Auntie May sa kanya.
"Simula ngayon titira na muna si Aldrich sa bahay natin," anunsyo ng Daddy niya.
Natigil ang paghinga niya.
"Titira? Sa bahay natin?" tanong niya. Pilit na kalmado ang boses.
"Oo, Lian," sagot ni Auntie May. Nakangiti. Pero may pag-aalala sa mga mata. "Gusto ko lang makasama si Aldrich bago ang kasal. Masyado na kaming matagal na magkalayo. Bago siya maka-graduate at magpunta sa Papa niya, nakasama ko na siya ng matagal."
Napalunok siya. Napatingin siya nang palihim kay Aldrich. Walang reaksyon ang mukha nito. Walang oo o hindi. Para bang inutos lang ng Mama nito at kailangan nitong sundin kahit ayaw nito.
"Okay lang ba sayo, Lian?" tanong ng Daddy niya.
Okay lang ba?
Hindi niya alam. Gusto niyang sabihing hindi. Gusto niyang sabihing mas komportable siya na mag-isa lang siyang anak sa bahay. Paano kung makita ni Aldrich ang tunay niyang ugali? Paano kung makita nito na hindi siya mabait kay Auntie May?
Hindi sila magkasundo. Kahit kailan.
Para kasi sa kanya, walang pwedeng pumalit sa posisyon ng Mommy niya. Wala. Kahit sino pa.
Tatlong taon pa lang mula nang mawala ang Mommy niya. Tatlong taon pa lang siyang nagluluksa. Hindi pa siya handa na mag-asawa muli ang Daddy niya. Hindi pa siya handa na may ibang babae na tatawagin niyang Mommy.
Natakot siya. Natakot siyang tuluyan nang makalimutan ng Daddy niya ang Mommy niya. Kaya ganon na lang ang pagka-disgusto niya kay Auntie May. Kaya ganon na lang ang lamig ng pakikitungo niya rito.
At hindi niya iyon tinatago.
At ngayon, pati anak nito titira na sa bahay nila. Sa kwarto katabi lang ng kwarto niya. Parang unti-unti nang binubura ang alaala ng Mommy niya sa sarili nilang bahay.
Pero ngumiti lang siya. Pilit.
"Okay lang po, Dad," sagot niya.
Kahit ang totoo, hindi okay.
Pagkatapos ng dinner, sabay-sabay silang lumabas ng restaurant. Nauna nang pumara ng valet ang Daddy niya.
"Lian, sumakay ka na muna kay Aldrich. Sabay na kayo pa-uwi. Susunod kami ng Mommy May mo," sabi nito.
Napatingin siya sa parking lot. Doon nakaparada ang sasakyan ni Aldrich. Itim na luxury car. Low-profile pero halatang mamahalin. Bentley ata yun o BMW. Basta alam niyang milyon ang presyo nun.
Akmang tatanggi siya.
"Pero Dad—"
"Let's go, Lian," putol ni Aldrich. Hindi lumingon. Nauna na itong naglakad patungong sasakyan.
Napalunok siya. Ayaw niya. Ayaw niyang mag-isa lang silang dalawa sa kotse. Pero mas ayaw niyang makahalata si Aldrich na naiilang siya rito dahil gwapo ito.
Kaya tumango na lang siya at sumunod.
Nang makalapit sa sasakyan, pinagbuksan siya ni Aldrich ng pintuan. Hindi niya inaasahan iyon. Ang suplado nito. Ang cold. Para bang hindi marunong ngumiti.
"Thanks," pasalamat niya at sumakay na.
Banayad nitong sinara ang pintuan. Saka ito umikot para sumakay sa driver seat.
Tumikhim siya. Tiningnan niya ang bintana para hindi tumingin sa driver seat.
Ilang segundo ng katahimikan. Nakakabingi.
Hanggang sa nagsalita si Aldrich. Hindi ito tumingin sa kanya. Nakatingin lang sa daan.
"Stop staring," malamig na sabi nito.
Napalingon siya nang mabilis. "Huh? I wasn't—"
"You were. In the mirror," putol ulit nito.
Namula ang pisngi niya. Nahuli siya. Kanina pa pala siya sumusulyap sa rearview mirror.
"I'm not," depensa niya. Mahina ang boses.
This time, lumingon si Aldrich sa kanya. Isang segundo lang. Pero sapat na para magpako siya sa upuan.
Those black eyes. Blank. Walang emosyon.
"Don't lie," sabi lang nito. Tapos binalik na ang tingin sa kalsada.
Napayuko siya. Kinagat ang ibabang labi.
Sa isip niya, ang yabang mo. Akala mo lahat ng babae tumitingin sayo dahil gwapo ka.
Gusto niyang isigaw iyon sa inis. Pero ang totoo, oo. Gwapo nga ito. Masyadong perfect at malakas ang appeal. At mas nakakainis dahil alam ni Aldrich yun.
Hindi na lang siya nagsalita hanggang makarating sila sa bahay.
Pagkaparada, bumaba agad si Aldrich. Sumunod na siya. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya nito ng pintuan.
Kasunod na rin nilang dumating ang sasakyan ng Daddy niya.
Tumayo siya sa tabi ng sasakyan ni Aldrich. Lumapit ito sa kanya.
"Get used to it, Lian. We'll be sharing space for months," bulong nito sa kanya.