Aurelia Ivory Valencia HININTAY KONG maayos ni Mathias ang kama habang yakap ko ang unan niya. Habang ginagawa niya yun, sinubukan kong abalahin ang sarili sa kanyang kuwarto. Wala masyadong gamit, nagmumukhang tambayan lang ito. I couldn’t even tell if this is a home, mas mukhang bahay pa ang bahay nila ng lola niya. “Wala kang pictures ng mga magulang mo? Ng mga kapatid mo?” “Nag-iisang anak ako,” sambit niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagsuri sa kanyang cabinet at counter. The room is small but tidy, having not much of stuff and just few essentials. “Hindi ko na rin naabutan ang mga magulang ko, Aurelia. Sumama na sa ibang lalaki ang aking ina, ang ama ko naman ay patay na bata pa lamang ako.” “Namatay na rin ang mga magulang ko, inampon ako ng Auntie ko at doon na ako luma

