Aurelia Ivory Valencia TUMAYO NA ako at kinuha ang gamit ko ng lapitan ako ni Gazpar at nakapamaywang na hinihintay akong matapos. Habang ang mga kasama naman nito ay nasa entrada ng kinakainan namin at tila nakaabang din doon. “Bakit?” taka ko siyang binalingan at sinabit ang bag sa balikat ko. “Hinihintay ka. Hindi ka ba sasama sa amin? Maliligo kami sa dagat.” I looked at him, wearing a shirt and a beach shorts. May bitbit din siyang bag at suot na kumikinang na piercing sa isang tainga. “Hindi, may gagawin ako.” Sinimulan ko siyang talikuran at naglakad na ngunit mabilis naman siyang sumunod. “Ang sabi ni Sue ay wala ka ritong gaanong kakilala so we can entertain you to have fun.” “I can entertain myself,” sagot ko. Nung makaabot kami sa may pintuan ay napabaling sa amin a

