Ivory Aurelia Valencia
BINABA NI Glenn ang isang tabloid na may malaking pangalan ko na nakasulat doon. Not just my name but a picture of me that I always see in other tabloids or social media news and showbiz updates. Napakrus ako ng braso at humilig sa swivel chair.
Hindi pa nakuntento ang manager ko at hinarap sa akin ang mamahalin niyang laptop. He scrolled down and again, it was my name and pictures all over the sites.
“I told you not to speak in public and resolve this issue privately. Hindi lang isang actor ang binabangga mo, Ivory. Dalawa sila.” His girly and sweet voice vanishes, lumalabas ang pagiging boses lalaki nito. Ang natural niyang boses kapag galit na galit.
“I did what is the right thing to do, Glenn. Hindi porket sikat siyang artista at maraming fans ay hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya!” I defended. Wala na ang kumakampi sa akin, my friends in showbiz that I thought were true to me are now all silent and no one is trying to at least defend me.
“Henry Conception and Nadya Agustin are both popular actors and have a huge fan base. Matagal mo nang alam na sila ang pares pagdating sa industriyang ito. They may not admit their relationship in public ngunit malinaw na may relasyon sila, matagal na. Anong pumasok sa kokote mo at pinatulan mo itong si Henry?” Tinalikuran niya ako at pabalik-balik ang lakad sa harapan ko. Problemado at halos atakihin sa puso.
Aside from being problematic in this scandal ay naiinis din ako at para bang kasalanan ko ang lahat ng ito. ]Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko? Anong mali roon?
“Pinatulan? Glenn, Henry loves me. We kept our relationship a secret because we both know that if we exposed our relationship to the public fans—“
“Relationship? Si Nadya ang nobya ni Henry. Matagal na sila. Dahil sa nangyari sa parking lot ay napaamin sila sa tunay na estado ng relasyon nila. Ngayon ano? Pinuputakte ka ng mga fans nila. Henry even denied you in public. Ano ang laban mo roon?”
Napatikom ako ng bibig at tila may matalim na bumara sa lalamunan ko. Gusto kong maging matapang but this issue wants me to break down.
“Ano ang laban ko? Ang katotohanan, Glenn.” Natigilan siya at napatitig sa akin, puno ng awa ang kanyang mga mata. “I know the fact that they are loveteam. But never they announced in public na may relasyon silang dalawa. That’s why when Henry courted me secretly, I fell for him. Sinabi niya, nilinaw niya sa akin. Wala silang relasyon kundi on-screen partner. Then suddenly they will confess that they are in a relationship for almost a year and made me look like a slut na inagaw ang boyfriend niya?!” I cried in frustration.
“But no one believes you, Ivory,” malungkot niyang sambit.
“Well… at least you believe me,” paos kong sambit. I may look pathetic for saying that but my determination couldn’t be questioned this time. Dahil alam ko na wala akong kasalanan.
“At ano ang magagawa ko para protektahan ka sa mga bashers? Sa mga tao?” He moved the chair so he could sit. “I believe you, Ivory. But how can I protect and defend you from that truth? Dapat kasi hindi mo na pinatulan si Nadya.”
Umiwas ako ng tingin sa inis.
“Hindi pinatulan? She set me up in the parking lot sa area na wala pang CCTV. I was surrounded by these men while she was harassing me. Almost ripping my clothes off while calling me names! Glenn, it’s traumatizing. Wala ba akong karapatan na lumaban at ipagtanggol ang sarili ko? Now she will accuse me that I harass her?”
“And what proof do we have to defend your side? That you’re telling the truth? Wala, Ivory. Ngayon sa pagsabi mo ng katotohanan ay ikaw pa ang napasama. I told you since the beginning of your career, never to speak in public without consulting me. Dahil bawat salita at galaw na ginagawa mo ay hindi mo lang kasiraan kundi kasiraan ng agency at kasiraan ko bilang manager mo. I’m handling Shine Group right now, baka pati sila ay madamay sa gulong ito.” His phone rang, tumayo siya at isang seryosong titig ang ginawad sa akin bago lumayo para sagutin iyon.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nasa gilid ito at minamasahe ang kanyang nuo habang kausap ang nasa kabilang linya. Kinuha ko ang laptop at hinila papalapit sa akin. I scrolled down and read the comments, lahat ay puro hates comments. Wala halos nagtatanggol sa akin or even giving me a benefit of the doubt.
She is a slut. A model who sells her body for fame. Hanging out with famous actresses to gain popularity. Hahahaha.
I don’t even know her. Ivory Valencia? HAHAHA. Not even familiar.
As if papatol sa kanya si Henry. Eeeew. Sikat, mayaman, at veteran na actor si Henry. Sino siya para bigyan ng pansin nito, hindi naman siya kasikatan at kilala. Nabasa ko sa isang post, hindi naman siya mayaman.
Henry is so in love with Nadya. Ilusyanada lang yan kaya sinabing may relasyon sila. I saw the interview of Henry, he admits publicly na matagal na sila ni Nadya kaya impossibling may relasyon sila ng malanding babaeng yan!
“Enough reading comments!” Kinuha ni Glenn ang laptop niya. “May mga media sa baba, problema natin ngayon ay kung paano ka makakalusot. This is your only chance to save your career, Ivory…” he paused and stared at me.
“What do you mean?” may takot sa boses ko.
“Bawiin mo yung sinabi mo. Wala kayong relasyon ni Henry… at hindi mo sinaktan si Nadya. Hindi ka sinaktan ni Nadya. It was all a confrontation and a small argument. Once you did that, makikipag-ayos sayo ang panig nina Nadya at Henry. Lilinisin nila ang pangalan mo.”
My mouth dropped and laughed in disbelief. Halos maiyak habang mapaklang tumatawa.
“Hindi ko gagawin yun, Glenn. Kasiraan yun sa pangalan at dignidad ko. I will let people bash me, and harass me anytime they want. But I will never tell lies to cover up for the truth I know.”
Bago pa ako makarating dito sa building ay may mga fans nang sumusunod sa akin, calling me names. I don’t even mind kung physically present na sila at hindi lang virtual. Basta yun ang totoo, yun ang paninindigan ko.
“Ivory…”
“Glenn.” Maluha-luha ko siyang tinitigan sa mga mata. “Nadya ripped my clothes. My bra was already exposed while her male friends were around watching us. Sinampal niya ako. Sinabutan, that’s why I also grabbed her hair to defend myself from the harassment. I was alone with her friends! At takot na takot ako sa kung anong gawin nila sa akin. At gusto mo na bawiin ko ang lahat na katotohanang sinabi ko? To save my career but put a stain on my dignity as a woman? Magmumukha akong sinungaling sa harap ng mga tao, ayoko nun. Dito ako nakilala at mananatili akong totoo.”
“I understand you, Ivory. Sadly, ganito ang reyalidad sa industriya na ating ginagalawan.” Niligpit na niya ang mga gamit nito habang ako ay nanatiling nakaupo at malalim na nag-iisip. “Paano ka magmumukhang sinungaling kung sa una pa lang ay wala ng naniniwala sayo. They all call you a liar.”
Bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya dahil alam ko na totoo iyun.
LUMABAS KAMI sa exit ng building kasama ang iilang security guards, ang akala namin na secured an daan ay hindi pala dahil sa paglabas ko ay siyang pagsilapitan ng mga reporters. Sunod-sunod na tanong ang binato nila sa akin. Nanatili akong nakayuko katabi si Glenn na sinisikap na protektahan ako.
Until one group of girls throw a bottled mineral from us. Nakailag ako pero natamaan si Glenn dahilan para matigilan ako sa paglalakad. I saw the bottled mineral on the floor with half-water inside.
“Go on! Go on! Lakad lang, Ivory.” He covered me from the media. Protecting me from these people.
My lips trembled while watching Glenn. He may be greedy in popularity and protecting his artists. But as a best friend, I know he is doing everything to protect me and save my career. At makita siya na nadadamay sa ganitong eskandalo ko ay masakit sa parte ko.
“Hoh! Nakapasok din sa wakas,” he uttered as we got inside the SUV. Pumuwesto siya sa tabi ko at tahimik naman ako na nakaupo sa katabi ng bintana.
“Fans ata sir yung bumato,” saad ng nag-iisang bodyguard namin na nasa unahan.
“Like we all expected. Fans talaga ang gagawa nun.”
I was just listening and didn’t speak. Masyado akong nasasaktan para magsalita. Hindi pa nga ako umaangat ay malakas na ang pagbasag na nangyari sa akin.
“Ihahatid ka namin sa condo mo. Huwag ka munang lalabas habang mainit pa ang pangalan mo. Bibisitahin kita at dadalhan ng pagkain,” paalala nito ngunit hindi ko siya inimik at tulala lang sa mga nangyayari. “Try to think about your decisions… kung ano man ang maging desisyon mo ay tutulungan kita.”
Napatitig ako sa kanya saglit at yumuko. He knows that if I filed a complaint to Nadya ay walang mangyayari. First of all, there is no evidence. Secondly, hindi ganun kalala ang ginawa niya sa akin. But the feeling of being surrounded by her male friends, natakot ako. Pangatlo, ako ang mas madidiin. If I expose the proof of my relationship with Henry, mas magmumukhang kawawa si Nadya where i fact wala naman talaga silang relasyon ni Henry. And people, in the end, will hate me. Ang manahimik siguro ay siyang mabuting desisyon.
“Nadya knew my relationship with Henry from the very beginning,” paos kong pag-amin kay Glenn.
Nakita ko kung paano siya natigilan. His mouth opened to speak up but he was too stunned to even say a word.
“And Henry is obviously protecting his career over you.” Glenn nodded his head like he understood now why I let Henry court me. “His career is Nadya.”
I bit my lower lip and nodded my head. Gumuhit ang pait sa sistema ko at sakit na nararamdaman. Kung ako ang nasa katayuan ni Henry, I would also probably do the same thing. Bata pa kami at marami pang puweding gawin sa industriya. But I will never let someone’s life be destroyed just to protect my career. Hindi katulad sa ginagawa ni Henry ngayon. Duwag siya!