VILLA

1607 Words
Ivory Aurelia Valencia “WE ARE GLAD to see you again, Miss Suelyn Casimero. Kumusta na si Attorney?” Paglapit ng isang staff na tingin ko ay isa sa mga pinaka-head sa kanila. Mabilis akong sinulyapan ng ginang na mukhang hindi man lang ako nakikilala. I laughed inside my head. Well, I guess I’ll get the peace of mind and silence here in this island. “He is doing fine, doing his usual things. We reserved two villas for us. I wouldn’t stay here longer, just a couple of days.” Humarap sa akin si Sue. “But this friend of mine will probably stay longer here.” Hinawakan niya ako sa likod ko at ngumiti naman sa akin ang babae. “Hello, I’m Alma. The head staff here and in charge of assisting for both of you.” She offered her hand to me. Malinis at pormal itong nakasuot ng puting uniporme. “I’m Aurelia Ivory Valencia,” pakilala ko at hinihintay ang reaksyon nito na magulat. I even thought that her welcoming reaction would change but it didn’t. Showing that she doesn’t know me at all. “Shall we sit first?” alok ni Alma at tinuro ang very chic and contemporary interior design na upuan nila. Nang maupo kami ay may lumapit na isang staff na may dalang round tray at laman ay maiinom. Tingin ko ay juice yun. He offered but Sue shook her head. Gayundin naman ako dahil nasa yate pa lamang kami ni Sue ay uminom na kami. “Is Mr. Castro going to pay all of these for me?” hindi ko na maiwasang tanong kay Sue. This is freaking expensive. Knowing Mr. Castro, the CEO of our agency ay sobrang kuripot nun at hindi basta-basta lalabas ng malaking pera. Lalo na at sakit ng ulo lang ako sa kanya. “I guess so. Kasi siya na raw ang bahala sa stay mo rito.” She put the strands of her hair behind her ear while in deep thought. “It confuses me rin kasi. I mean, Mr. Castro?! He won’t spend money on his artists and models kung hindi naman siya kikita. Do you get what I mean?” Napanguso ako. I get it. We are thinking in the same way about Mr. Castro. “Palubog na ang career mo. You’re bashed. Honestly speaking, wala kanang pakinabang kay Mr. Castro. Yun panigurado ang iniisip ng matanda sayo.” Pagak siyang tumawa at natigilan. “Are you his kabet ba?” bulong nito at namilog ang mga mata. This woman! Talagang walang preno ang bibig. “Shut up, Sue! Nakakadiri ka!” Tumawa na lamang siya ngunit alam kong maski siya ay napapaisip din sa plano ni Mr. Castro sa akin. She is right, kung ipapatapon man niya ako bakit dito pa sa islang mamahalin? Well, is it because isolated at walang makakakilala sa akin? Kasi ang totoo niyan ay wala naman yun pakialam sa akin o sa sitwasyon ko. O baka hinahayaan niya ako mag-enjoy dahil itatanggal na niya ako sa kompanya niya. “Miss Sue, we want to inform you that Mr. Castro paid everything. Any extension from Miss Aurelia’s reservation and stay here will also be deducted from him. Yun ho ang sinabi niya.” Alma informed me while both hands were clasped together and standing in front of me. “Only for Aurelia,” paninigurado ni Sue. “Yes, ma’am.” Nagkatinginan kami ni Sue at napangisi siya. She pouted her lips and shook her head in disbelief. I wonder what ideas are running on her head right now. Baka iniisip niya talagang kabet ako ng matandang yun. “Might as well enjoy the stay, Aurelia.” Tumayo na siya. The crew took our bags. Marami ang dala ko kumpara kay Sue na tanging isang malaking bag lang at shoulder bag na mamahalin na nakasabit sa balikat niya. Huminto sa harapan namin ang isang golf cart. Sumakay kami roon ni Sue habang si Alma ay nasa unahan. She started touring us the moment the golf cart moved. “That is the Camino Clubhouse. Near the clubhouse are plenty of restaurants.” Tinuro nito ang daan sa kanan. “That is the way to the club.” She glanced at me and I realized I was the only one listening to her. Abala si Sue sa kanya phone na mukhang alam na ang pasikot sikot sa lugar. “Are those cabins?” Tinuro ko ang may kalayuan na area. “Yes, Miss Aurelia. Yun ay mga cabins naman.” And mine is a villa. The villa is too spacious for me. I’m the only one who will stay there. Mukhang pinapasarap na ni Mr. Castro ang bakasyon ko dahil na wala na akong babalikan sa kompanya niya. Psh. “That road, papaakyat yan ng sky lounge. You can visit there, Miss Aurelia. You will love the view. It is famous because of the mesmerizing and perfect spot to watch sunsets.” I know. I have seen it from afar and it is really captivating. Paano pa kaya kung malapitan ko na itong makita? Tumango tango ako. Napapalibutan ng mga puno ang daan namin, ngunit mukhang safe naman. Malawak at tahimik ang lugar na dinadaanan namin. Marahil ay mas private itong area ng villas, kumpara sa reception area at cabins na maraming tao. “How about that road?” takang tanong ko sa isang mapunong daan. “Farm ho. Supplier ng mga karne at iba pang pagkain tulad ng prutas o gulay. Hindi nga lang bukas para sa dayo.” Napatango ako. This place is very wealthy in organic and natural foods. “Nandito na tayo sa Villas,” anunsyo niya nang makapasok na kami sa isang pribadong area. I can see it. Malaki ang pagitan ng bawat Villas kaya talagang private at exclusive ang lugar. Huminto ang sinasakyan namin sa isang villa. Akmang baba na ako ng pigilan ako ni Sue. “Your villa is over there.” Tinuro niya ang may kalayuan na daan. “May wifi rito. You can connect and I’ll just message you para lumabas mamaya. Alright? Magpahinga kana muna. You need to get in your villa for you to rest.” Humarap si Sue kay Alma na hindi rin naman umalis sa kanyang inuupuan. “Pakihatid na lang siya sa villa niya. Thank you, Alma, for accommodating us.” “Walang problema, Miss Suelyn.” Umandar na ang golf cart at bumaling sa akin si Alma na may ngiti sa labi. “Papunta na tayo na villa ninyo, Miss Aurelia,” malugod niyang dagdag. I leaned on my seat and looked around me. Umakyat ang golf cart sa mataas na parte na mukhang doon ang villa ko. Well, if my villa is on the top of the area, it will surely have a breathtaking view. I’m quite getting excited. BINUKSAN NI Alma ang likod ng villa. Bumungad sa akin ang pool area na sobrang ganda. Sa view nito ay malawak na tanawin na gubat. I felt like I was at the top of the highlands of this villa because of the view. “This is the plunge private pool. There is a sundeck with a private patio. The room has two beds, but I guess you’ll be staying here alone, Miss Aurelia.” Nginitian niya ako. I nodded my head and we got back inside the room. There is a kitchen, a room, bathroom with a Jacuzzi inside. Bukod roon ay may spacious desk pa at the minibar. Coffee machines were also included. Kompleto na at wala akong masabi. “If you need anything, just call us. We can also provide you with a personal chef or butler para makapag-tour ka sa buong isla. There are plenty of activities here. Water activities mostly. Hiking is quite popular here, especially camping. There is a camping site on the highlands near here,” mahabang paliwanag nito. Hindi ko maproseso lahat dahil nakakaramdam na ako ng excitement kahit papaano. How I wish Sue would stay here longer with me. “Open ang bar kapag gabi. Buong oras naman bukas ang iilang resto rito. There is also a coffee shop here but you need the golf cart dahil malayo kung lalakarin niyo.” I bit my lower lip and she chuckled at my reaction. I’m really stunned right now. “Lahat ba ng gagawin ko rito ay si Mr. Castro na ang magbabayad?” “Yes, Miss Aurelia. Yun ang napag-usapan.” Tumikhim siya at tumingin sa labas. “Do you know how to drive a golf cart? Nariyan ang mapa sa lamesa. You can tour around by yourself if you want.” “Marunong naman…” I drive cars, nasubukan ko na rin yan at hindi naman mahirap imaneho. “I guess I’ll leave you to take a rest.” “Thank you, Alma.” Tumango lang siya at ngumiti bago nagpalaam muli. She closed the door and I faced the whole area of my villa. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at nagsimulang kumuha ng mga larawan. Matapos nun ay hinanap ko ang social media ko para makapag-post ng mga litrato ngunit nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala na deactivated lahat ng accounts ko at hawak ni Glenn yun. “I guess I’ll just go to Sue’s villa.” I shrugged my shoulder and walked towards the table. Mayroon doong chocolates at wine. And a welcome note for me. Naroon din naman yung wifi password ngunit mas pinili ko na lamang na itapon yun sa basurahan. I promised myself, that I won’t be connecting online hangga’t hindi pa maayos ang lagay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD