Aurelia Ivory Valencia NILIPAT KO ang palad ko sa balikat ni Henry para maayos ang posisyon namin. But he suddenly leaned closer on my face that made me flinched and moved away from him. Napababa ng camera ang kumukuha ng larawan sa amin at natawag ako ng director. “Ivory! Ano yun?!” sigaw nito tsaka taka akong nilapitan, iritabli ang mukha at tila naubosan na ng pasensya. I saw how Henry shook his head in disappointment, umatras ito at humingi ng maiinom bago ako iniwan. “Kanina ka pa, ayos ka lang ba? Are you distracted? May problema ba kayong dalawa ni Henry?” the director said at me when he finally calms down a bit. “Both of you need to talk, hindi pweding ganito. Ayusin niyo yan, masisira ang project na ‘to kung magpapatuloy kayong ganyan!” he snapped at me and sighed harshly.

