Aurelia Ivory Valencia NUNG GABI na yun ay hinatid lang ako ni Mathias, nagmamadali siyang umalis. Marahil sa meeting na sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong klaseng meeting ang sinasabi nito, lalo pa at gabi na iyun. May meeting siya kahit gabi? “Why don’t you smile instead of looking around? Sino ba ang hinahanap mo?” bulong ni Glenn sa akin habang nasa contract signing kami at welcoming event ng Vida Incorporation dahil sa pagkuha nila sa akin bilang endorser nila. I didn’t know that the CEO won’t be present today. Akala ko ay makikita ko si Mathias dito pero wala siya. Napanguso ako tsaka nginitian at kinawayan ang mga fans na pumunta. I was done signing the contract. “Hindi darating yung CEO?” pasimple kong bulong sa katabi kong staff na siyang nag-abot sa akin ng inumin. “Wal

