Thea's POV~
It's been 6 yrs ng maikasal ako sa anak ni Mr. Simon Alcantara na si Saint Tristan Alcantara. 2 yrs from that I suffered in his son's hands. Mula ng maikasal kami ay hindi niya ako tinuring bilang asawa kundi isang pambayad utang lamang. Ginawa niya akong katulong sa pamamahay nito. 2 yrs kaming magkasama pero never kong binigay ang sarili ko sa kanya kahit na minsan ay nasasaktan niya na ako dahil sa pagmamatigas ko ay hindi parin ako nagpapa-ubaya.
Pinangako sa sarili ko na ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mahal ako at mahal ko din. After 3 yrs nakatanggap na lamang ako ng isang tawag mula sa isang kasambahay namin at sinabi nitong patay na ang Daddy ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na yun. Wala manlang akong kaalam-alam kong anong nangyayari sa bahay at never kong naka-usap ang Daddy ko Simula ng kunin ako ni Mr. Simon Alcantara sa poder ng Daddy ko.
Galit at poot at nararamdaman ko para sa mga Alcantara mula noon. Sinisi ko sila sa pagka-matay ng Daddy ko. Kong sana lang di nila ako pinilit at ipakasal sa isang demonyo at di nila kami ginipit sana ay nabubuhay pa ng matagal ang Daddy ko kasama ako at hindi ito namatay sa pangungulila sa akin.
Isang linggo mula ng mailibing ang Daddy ko ay dumating si Atty. Enriquez sa bahay namin ni Tristan. Si Atty. Enriquez sa pagkaka-tanda ko lawyer ito ni Daddy. Pinagpapa-salamat ko at wala si Tristan sa bahay ng mga oras na iyon kong kaya't maaari kong makausap ng maayos si Attorney.
" Tungkol saan ang pag-uusapan natin, Attorney " Tanong ko dito pagka-tapos kong maibaba ang isang slice ng cake at juice sa harap nito bilang meryinda.
" Di na ako magpapaligoy-ligoy na Mrs. Alcantara" napa-ngiwi na lamang ako sa tiniwag nito sakin. Kahit kelan di ko tinanggap sa sarili ko na isa na akong Alcantara. " Ito ang last will ng daddy mo " may kinuha itong puting papel galing sa envelope na hawak nito. Kinuha ko yun at binasa.
My house will be sold as well as all my remaining property and all the money will be given to my only daughter Thea Yamine Choi
Di ako makapaniwala sa nabasa ko. Why does he want to sale the house? Hindi ba dapat ang binilin niya ay ang alagaan ang bahay namin at wag itong ibenta?
" This will be the total amount that you might get once all your father property will be sold " Attorney hand me another paper at binasa ko iyon. My eyes widened after reading it.
" Five Billion, two hundred seventy-six million, eight hundred twenty-one thousands, seven hundred eighty-nine! seriously Attorney 5B? Ganito kalaki ang makukuha ko? " I ask Attorney in shock.
" I know what you are thinking. Marahil ay gusto mong itanong kong bakit hindi noon pa lamang ay ibeninta na sana ng Daddy mo ang lahat ng property nito upanang mabayaran nito ang utang niyu kay Mr. Alcantara " tumango-tango na lamang ako at hinintay pa ang ibang sasabihin nito.
" Nong una ako din ay nagtataka, but after I heard your father reasons ay naunawaan ko na. Masyadong malaki ang utang niyu kay Mr. Alcantara at kapag sinubokan niyang bayaran ito mula sa perang kikitain niya sa pag benta ng mga ari-arian niya ay siguradong unti lang ang maiiwan sa inyu. And besides ayaw niyang bigla nalang mawala sayo ang karangyaan na tinatamasa mo ng ganon ka-aga. Your father love's you so much."
Mahabang lintanya ni Attorney. I can't help but to cry. Hanggang sa huli kapakanan ko parin ang iniisip niya. It's a good idea na hindi ako nag-tanim ng sama ng loob sa kanya noon.
" Kailan ko po makukuha ang mana Attorney? " tanong ko dito pagkatapos kong kumalma.
" Makukuha mo ang mana mo after a month " seryuso nitong sagot.
" Okay Attorney, maraming salamat po. Tawagan niya nalang po ako sa mangyayari " nag-simula na itong mag-ligpit ng gamit.
" Yes Mrs. Alcantara. Iiwan ko na sayo itong last will ng Daddy mo, saiyu iyan." ngumiti ito kaya ngumiti nalang din ako bilang sagot. Pagka-alis ni Attorney ay isang plano ang nabuo sa isip ko.
After 1 month~
Sinogurado ko munang tulog na tulog si Tristan bago ako dahan-dahang bumangon. Maingat kong inilabas ang maleta ko mula sa closet. Naiayos ko ang lahat ng gamit ko mula nong isang araw. Lumapit ako sa bedside table na nasa gawi ni Tristan at inilagay don ang isang brown envelope na kinalalagyan ng Annulment Paper na pirmado ko na at isang cheke. Naka-sulat don ang halaga ng utang namin sa kanila. Bago lumabas sa huling pagkaka-taon ay pinag-masdan ko ang mukha ni Tristan.
Gwapo ito, hindi ito ipagkakaila at madaming nag-sasabi na apaka swerte ng napangasawa nito. Pero kahit kelan di ko naisip na maswerte ako. Impyerno ang dinanas ko sa poder niya. Sinirado ko ang pintuan ng kwarto at tuloyan ng nilisan ang lugar na iyun.
Pagka-sakay ko ng taxi ay kinuha ko ang cellphone saking bulsa at tinawagan si Attorney Enriquez.
" Hello, Atty. Si Thea ito " pagpapa-kilala ko dito ng sagotin nito ang tawag ko.
" Hi Mrs. Alcantara, malapit kana ba? " I heard him yawned marahil ay inaantok na nito sapagkat alas-diyes y medya na ng gabi.
" Yes Atty. I'm on my way na " binaba ko ang tawag at inantay na lamang na makarating ang sinasakyan kong taxi sa meeting place namin ni Atty. Enriquez.
Pagka-rating namin ay nakita ko na agad si Atty. na nag-aantay. " Sandali lang kuya ha? may kukunin lang ako " sabi ko kay manong driver at agad na bumaba ng taxi. Di naman ako magtatagal, kukunin ko lang kay Atty. ang pera at passport ko. Agad akong ngumiti ng mag-tama ang mata namin ni Atty.
" Salamat sa lahat ng tulong mo Atty." iniabot nito sakin ang isang Briefcase at ang passport ko.
" Sigurado ka na ba sa plano mo Iha? " tanong nito habang humihikab.
" Opo siguradsigurado na ako " ngumiti ako dito at nagpa-alam na. Agad akong bumalik sa loob ng taxi at nagpa-hatid na sa Airport. Pagka-rating ko sa Airport ay don ko na lamang napag-decisionan na matulog. 6 am ang flight ko kinaumagahan.
Nang tuloyan ng nasa himpapawid ang eroplanong sinasakyan ko ay tinanaw ko ang lugar na pinag-galingan ko. Pinapangako ko sa sarili ko na sa oras na bumalik ako sa lugar na ito ay isa na akong malakas at hindi basta-basta magpapa-talo kahit kanino.