01
It was a bliss. Jaien Aleivery's life was completely a bliss. She never expected things to happen like that.
For years, she was home schooled. Her family was over protective of her. No one was allowed to see her nor to gaze at her.
Even her personal Informations and her existence was only limited.
Walang nakaka alam na may isang Jaien Aleivery na mabubuhay sa mundo. Minsan, napapaisip ito kung bakit. Sa buong buhay niya, minsan lamang itong pinayagang makalabas. Noong legal age birthday nito.
Yes, she was home schooled pero hindi ibog sabihin noon ay nag kulang ang mga naging guro nito sa pag tuturo sa kanya. She knows everything, not like someone who's inside a book na lumaking inosente sa kadahilanang hindi ito nakiki salamuha sa realidad.
All thanks to her best friend Maricar, Mari for short. She thought her all of the things a teen ager should have. She even bought her books and stuffs. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nakalabas ito noon.
"Uy, Avi! Tapos mo na yung binigay Kong libro?" Tanong ni Maricar sa kaibigan.
Gulat na sumulyap rito si Avi. Hindi nito inaasahang bibisita ang kaibigan lalo pa at lunes ngayon. May pasok ito sa pag kaka-alala niya.
Umiling si Avi rito bilang sagot.
"Ay naku, sige. Ang slow reader mo talaga." Komento ni Mari kay Avi saka naupo sa tabi nito.
"Bakit ka nga pala nandito sa labas at nag tatambay? Baka kagatin ka ng insekto ha? Mapagalitan pa ako sa kuya mo." tukoy ni Mari sa nakakatandang kapatid ni Avi na si Viron.
"Hwag kang mag-alala at nag paalam akong mag papa araw ako." Mahinhin na ani Avi sa kaibigan. Ganoon na talaga itong magsalita. Tila boses ito ng anghel ayun kay Mari, na napakasarap pakinggan.
"Okay, sabi mo yan ha?" kibit balikat na ani Avi at dumukot pa ng cookie sa may glass jar na nasa lamesa. Paniguradong luto ito ng matandang cook nila.
"Bakit ka nga pala nandito? Diba may klase kayo?" Tanong ni Avi sa kaibigan.
"Ay, mabuti nag Tanong ka!" Excited na ani Mari. "Kasi foundation day na in sa school eh sa hindi naman ako athlete edi diretso na ako dito."
Tumango tango si Avi sa sinabi nang kaibigan. Foundation day, na nakwento na ng kaibigan nitong si Mari kung ano ang mga ganap sa mga araw na iyon. Ayun pa sa kaibigan ay madalas pang bumisita ang kapatid nitong alkalde upang mag Iwan nang iilang mga inspiradong salita at nagbibigay pa umano ito ng mga donasyon.
Inisa isa nitong pinag su-swipe ang mga litratong kuha nang kaibigan, may mga videos pa nga na kinuha para lamang ma satisfy niya ang kaibigan. Nasiyahan naman si Avi sa mga nakikita niya. Maraming mga makukulay na disenyo, Aniya sa sarili ay nakakapani bago.
Patuloy ito sa panunood nang may makakuha ng pansin niya. Natigil ito sa pag swipe. Maging si Mari na katabi ni Avi ay napatingin dito.
"Bakit? Crush mo?" Aniya at iba pa ang ngiti nito sa kaibigan. Eksaheradang umiling naman itong si Avi.
"Hindi, pamilyar siya. Parang nakita ko nang dumayo rito." Hindi pa nga siguradong ani Avi kay Mari.
"Ay, akala ko pa man bet mo. Pero crush ng bayan to sa school! Si Palma, soccer player to eh."
Inakala ni Mari na natitipuhan ng kaibigan ang nabanggit na lalaki kaya naman sinearch niya ito sa f*******: at nagpakita nang iilang litrato nito. Hindi maipagkakaila ni Avi na may itsura nga ito.
" Naku, matangkad ito gaya nang ninanais mo sa isang lalaki saka Maputi." ngi-ngiting aniya lumapit ito sa tainga niya at bumulong pa. "May abs din. Hehe."
Parehas na tumawa and dalawa sa sinabi ni Mari. Hinanap pa nga ni Mari ang litratong Walang pang itaas ang lalaking pinag kaka abalahan nilanh dalawa.
"What are you two gossiping about?" Bigla ay may boses na nag salita sa likuran nila kaya nagulat si Mari na siyang may hawak ng cellphone. Hindi sinasadya ay tumilapon iyon sa may damuhan, mabuti na lamang at patalikod itong nag landing. Kung hindi at mahihimatay sa takot si Avi sa kuya nitong si Viron.
"Ay, wala yun boss hehe." si Mari na ang nagsalita at alam niyang uutal utal na naman ang kaibigan, baka pa man mahuli sila sa akto. Lagot siya sa alkalde nila.
"Make sure you're not teaching my sister nasty things." Ingles pang aniya.
Sa loob loob naman ni Avi ay mukhang bibigay na siya. Grabe na ang kaba niya dahil sa takot na maaktuhan King sakali.
Nang umalis naman ang kuya nito ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Tawa ng Tawa naman ang kaibigang si Mari dahil sa reaksyon nito kanina na parang matatae na sa takot at kaba.
"Next time sa kwarto ko na tayo mag uusap ha?" ani Avi sa kaibigan ng maka recover.
Tawa lamang ang sagot ng kaibigan nito.
Nang sumapit ang dilim ay bumaba na sila ni Mari, ihahatid niya ito sa may gate nila at takot si Mari sa mga naglalakihang mga gwardiya na naka hilera sa may living room nila. Nauwi ang apo nitong gobernador na si Governor Clavio Juan Arista III. Dahilan upang mag kalat ang mga kalalakihang mga gwadryia sa ibaba.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ng kuya nito nang muli nilang makasagupa sa hallway.
"Ah, ihahatid ko po si Mari kuya."
Tumango ang kuya nitong si Viron. "Okay, sa Gate lang. Don't go out without any men securing your way."
Kaagad naman na silang umalis dahil kinakabahan na naman si Avi at baka maabutan ang apo. Hindi ito komportable sa apong gobernador. May nararamdaman itong takot.
Sa kuya Viron pa man niya ay takot na siya. Papaano pa kaha ang apo at ang Ama nila?
" Sige, mauna na ako Avi. Sa huwebes ulit ako babalik. Mag dadala na din ako ng bagong libro para may libangan ka ha?" aniy bago humalik sa pisngi at isara ang Maliit na gate.
Dahil home schooled si Avi ay ahead ito ng isang taon kay Mari sa pag aaral kahit mag kaedad sila. Naiwan ng isang taon si Mari sa pag aaral. Kaya naman sa ngayon ay nasa 4th year pa lamang siya ng kolehiyo.
Minsan ay nagtataka pa si Avi kung Papaano nila nakayanan na mag home school siya hanggang college. Wala man lang siyang naranansang OJT na gaya ni Mari. Ayun kay Mari ay sa kapitolyo ito na assign. Assistant daw ito ng secretary ng Vice Mayor nila.
Habang pabalik sa silid nito ay hindi inaasahang makarinig ng usapan mula sa apo nito at ng kanyang Ama mula sa nag sisilbing home office nito.
"Papa, I think it's time for Viron to step up." Boses iyon ni Daddy. Malamang ay sa politika na naman ang pinag usapan nila. The three of them were all into politics. Daddy was assigned as the Province Representative. Kuya Viron as the mayor and lolo as the governor.
" Hindi muna ngayon Enrique, hanggat hindi pa ako nag reretiro bilang gobernador ay mananatiling alkalde ng bayan ang apo ko." Matigas na ani ng lolo.
"Papa, tumatanda na ako. I think it's time for me to lay low." Daddy then answered.
Walang maririnig ni anong salita mula kay Viron. Nagtataka na din si Avi.
"How about Avi lolo?" Aalis na sana si Avi mula sa pakikinig ngunit hindi inaasahan ay nagsalita ang kuya nitong si Viron tungkol sa kaniya.
Kung ganoon, ang lolo niya ang may ideya na itago siya sa madla. Hindi na nakakapagtaka. Marahil ay lalaki ang inaasahan nitong susunod kay Viron. Minalas nga naman at ang babaeng katulad niya ang dumating.
"Let's not talk about this matter apo. For now, nandito ako para sa bagong building na ipapatayo sa bayan. Walang mahanap na kontraktor kaya naisip ko ang mga trabahador mo sa may karatig Probinsiya Kung tapos na ba ang kontrata nila Enrique."
Hindi na naipagtaptuloy ni Avi ang pakikiking dahil tuluyan nang naiba ang direksyon ng usapan. Hindi maiwasang makaramdam ng sakit sa puso si Avi. Kung nandito lamang siguro ang mommy niya ay hindi siya makakaranas ng ganito.
Ang kwento ng kuya niya noong bata siya ay umalis ang ina niya nang maipanganak siya. Sa ngayon, ang bagong asawa ng Ama niya ang kinikilala niyang ina. Close naman sila ng tita Raya niya. Pero minsan lang itong maparito sa bahay nila dahil madalas ay nasa bayan sila kasama ang lolo nito.