Halos dalawang araw pa lamang nang lumipat si Avi sa bagong bahay pero mistulang pasan na nito ang mundo. Tila ang laki ng problema niya. Ubos na ang stock ng pagkain niya at sa susunod na martes pa ang next na delivery.
Hindi nga niya sigurado kung makaka dating nga ang kabigan niya na nangakong hahanapin kung nasaang banda ito.
Hindi niya alam kung paano ang pag bukas sa kalan. Ni ang pag hiwa nga ay hindi niya alam kung paano. Sa unanh attempt niya na hiwain ang pipino para sa sa meryenda niya ay nagkanda sugat sugat ang mga daliri sa kadahilanang hindi niya alam kung paano ang mag tanggal ng balat nito.
Naiinis na binaba ni Avi ang hawak na peeler at isa isang nilagay sa basurahan ang mga pinagbalatan. Pag ti-tiyagaan na lamang muna ito ang manipis na natira sa pipinonh binalatan niya. Kumakalam na ang tiyan nito sa gutom.
"Tao po?! Avi? Bahay mo to?!" Sa gulat ay naibaba ni Avi ang hawak na pipino at napaupo sa sahig saka sumigaw. Ganoon siya kagutom, maging ang pagiging magulatin niya ay lumilitaw.
Dali darling lumabas ng bahay si Avi at Ganoon na lamang ang saya nito nang maabutan ang kaibigan na si Mari sa labas nang bahay. May hawak hawak pa itong dalawang plastic bags.
"I miss you Mari!" Malakas at emosyonal na aniya sa kaibigan at dinamba ng yakap.
"Uy, teka lang. Di ako makahinga. I understand naman na miss na miss mo na ako pero sana let me breath Aviiii!" Mahabanh wika nito kaya natawa si Avi at napabitaw sa yakap.
"Hay naku, ang kyut mo pa din." ani Mari nang makabawi mula sa yakap nang kaibigan. Bahagya pa nitong pinisil ang pisngi nito.
"Did you brought foods?" kaagad naman tanong ni Avi nang maalalang gutom nga pala siya.
"Yes naman, hindi ko makakalimutang hindi ka marunong mag luto kaya nag dala ako nang marami." Aniya na ikinatuwa ni Avi. Kaagad nitong inabot ang hawak nitong plastics bags at sya na ang nag pasok sa loob. Diretso itong kusina at linabas ang mga styro mula sa plastic bags.
" Syempre hindi mawawala ang paborito mong salad at potatos with egg." wika ni Mari at siya na mismo ang naglabas ng mga ito mula sa isa pang plastic bags.
"Okay, good. You're so sweet." Komento na lamang NI Avi rito at sinimulang lantakan ang mga pagkain.
"Uy, Syempre hindi din naman ako naka kain. Kaya hati tayo hehe." ani Mari at inabot ang isa pang styro. Hindi na ito pinag tuunan ng pansin ni Avi at kumain na lamang. She really needs to eat!
"Pwede kang mag stay dito Mari, kasi wala akong kasama. I cannot cook my own food." Pangungumbinsi ni Avi kay Mari.
"Pag iisipan ko pa Avi, eh malayo yung pinag lipatan ko sa OJT eh. Yung school namin ang malapit dito pero, ay basta! Sa ano nalang," tila nag isip pa si Mari kung anong araw nga ba ito pu pwedeng dumalaw at mag sleep over sa bahay ng kaibigan. "Ay alam ko na! Sa Wednesday hanggang sa Saturday nandito ako tapos sa Sunday uuwi ako kasi Monday at saka Tuesday ang OJT. Pwedeng dito ako diretso pag na tapos ang school." Tila nanalo sa lutong wika ni Mira sa kaibigan nang maka pag isip ng magandang sulusyon.
" Thank you Mari! You're the best na talaga. " Masyaang ani Avi. Kahit papaano ay nabawasan ang kirot sa puso na niya.
Naisip niya, mas mabuti pa ang hindi mo kadugo at mas matimbang sila sa iyo. Napapa sana na naman ito na sana ay narito ang mommy niya. Sayang nga lang at umalis ito at iniwanan siya. Sana ay tinangay na lamang niya ito at nang hindi makaranas nang ganito kahirap.
"May dala din pala akong books. Tapos mo na sigurado yung una ano?" Nasa sala ang dalawa at nag uusap kung paano ang bawat araw nila sa mga nag daang araw na hindi sila nagkita.
"Oo tapos ko na noong isang araw pa. Mabuti ay naipaalala mo, galit nga pala ako sayo!" Bigla ay naalala ni Avi na dapat pala ay magtampo siya rito dahil hindi man lang nag paradmam! Traydor na tiyan ito! Aniya sa isipan.
"Heh! Anong galit, may binigay nga akong food mo para peace na tayo eh." Pairap na ani Mari sa kaibigan.
"Hmp! Whatever, basta nagtampo ako sayo." Komento ni Avi at umirap din.
"Ihhh! Nagkwento na nga ako diba." paliwanang ni Mari. Todo paliwanang ulit ito at nang hindi na magtampo ang kaibigan, no choice ito but to stay for the night kasi kinokonsensya ito ni Avi.
"Sige ka, aalis ka nang galit ako? Baka wala na ako dito sa pag dalaw mo sa susunod." Pananakot ni Avi kay Mari.
"Ang eng-eng mo naman. OA ha," Aniya at umirap pero patuloy sa pango-ngonsensya si Avi kaya sa huli pumayag nga si Mari na mag sleep over. Total Aniya ay weekend bukas.
Nasa silid na ni Avi silang dalawa at naka higa sa kama. Parehas silang hindi pa dinadalaw ng antok.
" Ay, dahil weekend bukas lalabas tayo! Hindi naman siguro magagalit si Mayor diba?" aya ni Mari sa kaibigan.
"I like that. Pero sabi ni kuya, dapat Walang nakaka alam na kapatid ko siya. He said we should stay as strangers."
"Naku, sakit. Pero okay lang yan. Love naman kita hehe." pampa lubag loob ni Mari sa kay Avi.
"Thank you for staying Mari." Bigla ay emosyonal na ani Avi.
Nage-gets ni Mari na malalim na ang sinasabi nito at hindi lang ang pag I-stay niya sa gabing iyon ang tinutukoy niya kaya naisipan niya ang mag joke.
"Naku, pa salamat ka at kyut ka kung hindi ay hindi talaga ako matutulog ngayon dito." Biro niya at saka na naman pinisl ang pisngi nito.
"No, I mean all the time." Seryosong ani Avi.
"Tsk, iba ka talaga kapag seryoso ka. English. Kitams, amoy mayaman. Expensive ganon!" Ayaw sakyan ni Mari ang Seryosong si Avi dahil mas lalo lamang itong mukhang nakakaawa.
"Basta, thank you so much for staying with me despite me having to wait for the next collection of the things you should not do on the day you want to be there for me and you will be a good friend and I will be forever grateful for your help and support for the rest of your life. " This time, nawala na ang kaseryosohan kay Avi dahil sa pinag sasabi ni Mari.
"Ano kamo? Ha? Bakit parang may Mali?" Nalilitong ani Mari at napaupo pa sa kama. "Error ka na ba? O yung utak ko ang error?"
Napahalakhak nang wala sa oras si Avi sa pinag gagawa ni Mari. "You're so funny!" komento pa ni Avi saka ito hinampas hampas.
"Aysus, love mo talaga ako ano?" Asar pa ng isa.
"I cannot deny that." Pangising ani Avi.
"Basta talaga, seryoso na. Thank you for today and the other day and the other day. Basta sobrang thankful ako na naging friend kita kahit ang pangit mo." Natatawang ani Avi sa kaibigan kaya naka tanggap siya ng batok mula kay Mari.
"Huwag ka nang mag serious talk please, hindi mo bagay. Para kang timang diyan." Ani Mari na siyang nagpanguso kay Avi.
Nang gabing iyon nga ay magaan ang loob ni Avi na natulog. Bahagya pa nga itong nakangiti. She's beyond thankful that the creator gave her a friend like Mari who's ready to give her things.