Sumunod na ako kila felina kung saan kami iniwan ni manang kanina
Pagdating ko wala pa si manang..
Ang sama talaga nang ugali ni señorita paolina!sabi ni linda" si felina ang naka una sa abanikong iyon.marami namang abaniko doon na mas maganda pa doon sa abanikong naiibigan ni felina,siguro ay nanadya lamang ang siñorita paolina..
Hayaan ninyo na,tama naman ang siñorita paolina sa kanyang sinasabi..
Diba felina yong abanikong yon ang nais mo mong e regalo sa kaarawan nang iyong ina dahil yon ang matagal na niyang nais?"tanong ni linda kay felina
Hayaan mo na linda,siguro ay balabal nalang ang aking e regalo kay inang!"sabi ni felina na nakangiti pa pero sa ngiting yon ay may nakatagong lungkot..
Etchoserang paolinang yon,wag lang talaga kaming magkitang dalawa dahil malalaman niya kung sinong maldita sa aming dalawa kung itong dalawa basta bastahin lang niya, puwes ako hindi..
Rina alam mo ang tapang mo ikaw lamang ang hindi natatakot kay señorita paolina lahat kasi ang mga tao ay takot sa kanya dahil sa kanyang ama na isang kapitan sa bayang ito..
Pssh!"takot kayo sa b***h na yon ay este sa paolinang yon pssh dahil sa tatay niyang isang kapitan lang akala ko pa naman presidente nang pilipinas..
Malapit ang kanyang ama sa gobernador heneral!"sabi ni felina
Whatever duhh!"maldita lang siya kasi anjan ang kanyang ama pshhh sumbungera ang peg niya..
Rina ano bang ibig sabihin nang ibang lengwahe na iyong sinasabi tulad nalang nang b-i-t-s na kanina mo pa binabanggit?"tanong ni linda sa akin
Bits!"ulit kung tanong siguro yong b***h ang ibig niyang sabihin..
Ah hahhaha wala yon!sabi ko sabay kamot sa ulo ko..ito talagang si linda mausisa!...
Alam ninyo minsan marunong din tayong lumaban pag-alam natin na nasa tama tayo,wala namang masama na ipaglaban natin ang isang bagay na gusto mo o mahal mo,kailangan marunong din kayong maging patola ganorn!"sabi ko sa kanila
Patola!sabay nilang tanong
Oo patola!"
Diba gulay yon rina?gusto mo bang kumain nang patola ipagbili ka namin mamaya sa palingke!"sabi ni felina
Hindi yon ang ibig kung sabihin'gustong gusto nang umirap ang mata ko sa kanilang dalawa
Ang ibig kung sabihin to make patol sa kanila duhh!"
Tumawa naman sila"ano kayang nakakatawa sa sinabi ko..
Akala namin eh gusto mong kumain nang patola!"sabi ni linda na nakatingin sa bulaklak na hawak ko
Siya pala rina sino ang nagbigay saiyo nang pulang rosas na yan? isa bang makisig na ginoo?tanong sa akin ni linda na nakangiti pa..
Ah ito!"sabay angat nang bulaklak binigay sa akin nang bata..
Ah akala ko isang ginoo ang nagbigay saiyo niyan!"alam mo ba kung anong ibig sabihin ang pulang rosas?sabi sa akin ni linda
Hindi!sagot ko malay ko ba kung may ibig sabihin pala ang mga kulay nang bulaklak..
Ang ibig sabihin nang pulang rosas ay pag-ibig kung sino man ang nagbigay saiyo nang pulang rosas ay ibig sabihin non ay iniibig o sinisinta ka niy--hindi na natuloy ang sinasabi ni linda nakatingin ito sa likod ko at yumuko
Ah magandang umaga señorito!"sabay bati nila linda at felina..
May ipag uutos po ba kayo sa amin?tanong ni felina
Ako naman nakatalikod lang!humarap ka sab at mag good morning ka din wag kang bastos!sabi nang isip ko kaya dali dali naman akong humarap..
Oh emm gee!! ang gwapo niya! and godness he's so demn hot! urrgh ano na sab tutunga ka lang sa kanya,baka tutulo na yang laway mo!sabi nang isip ko na hindi ko alam kung utak ko ba ang nagpapagana nang isip ko kasi lagi nalang akong kinukontra..
Kaya pasimple ko namang kinapa ang bibig ko baka nga may tumulong laway ewwww!"baka makamalan pa niya akong asong ulol na naglalaway sa kanya,nang makumpermang wala namang tumulong laway ay bumati na ako sa kanta
Magandang umaga señorito!bati ko sa kanya at ngumiti nang pagkatamis tamis yong ngiting kulang nalang langgamin ang bibig ganon..
Hindi naman ito umimik bagkus tiningnan lang ako nito saglit,at tiningnan nito ang hawak kung bulaklak kaya umarko ang bibig ko hindi man lang bumati pa balik supladong gwapo pssh
Pasabi kay manang na daanan niya ang aking pinareserbang sariwang gatas nang kalaw sa palingke..
Masusunod po señorito!sabi ni felina na yumukod pa
At isa pa hindi ko kayo pinayagang lumabas para lamang makipagkita sa inyong mga nobyo o man liligaw!sabi nito na nakatingin sa akin, nang masama bago tumalikod at umalis..
Anong trip non!"turo ko kay agustin na kasalukuyang naglalakad pa puntang kalesa,kay aga-aga lakas nang trip sungit sungitan yan ang trip sab walang basagan!"
Baka siya e trip ko baka hindi niya magustohan hehehe just kidding!"
Ano daw,nakikipagkita kita daw tayo sa nobyo as in boyfriend..
Hmmm ikaw ba linda ay may nobyo o kaya manliligaw?"tanong ko kay linda
Umiling naman ito"wala pa akong naging nobyo!"sagot nito
Ikaw felina may nanliligaw ba sayo?! tanong ko din kay felina pero umiling din ito..
Eh lalo naman ako eh sa hinaharap wala nga akong boyfriend eh dito pa kaya..
Ang lakas nang tupak ni señorito agustin!!..
Hays mag buo kaya kami nang grupo"grupo nang walang jowa..
Maya Maya ay dumating na si manang!"
Naku pagpasinsyahan ninyo na ako,kausap ko pa ang punong madre dahil malapit na ang fiesta,dahil sasama tayo sa padasal..
Oo nga pala malapit na fiesta!"sabi ni felina
Siguro masaya ang fiesta nila dito o sa panahong to. never pa akong naka experience nag fiesta at gusto kung ma experience yon..
Manang may pinag-uutos po ang señorito dadaanan daw natin ang kanyang pinareserbang gatas nang kalabaw sa palingke!"sabi ni linda
Sige dadaanan natin!tamang tama lang din at may bibilhin din ako mga rekados na nakalimutan kung bilhin..
Tara na!at baka matagalan tayo,magluto pa tayo nang pagkain ni señorito..
Sige po!"sabay namang sabi nila felina
Kasalukuyang nasa kalesa kami ngayon nag kwentohan naman sila linda at felina kung anong ganap sa fiesta ako naman nakikinig lang sa kanila habang nakatanaw sa labas masyado kasi akong na amaze sa tanawin subrang berde nang tanawin.puro palay at mga puno ang dinadaanan may mga ngilan-ngilang bahay kubo din,alam mo yong ganitong scenery sa libro mo nalang makikita sa hinaharap,at feeling ko napaka swerte ko dahil nakikita ko ito nang personal kasi sa hinaharap unti-unti na itong nawawala....